Six

66 1 0
                                    

Flashback

Makalipas ang ilang araw matapos ang ginawa na surpresa sa akin ni Jake ay Hindi na ako tinantanan ng mga classmates ko. Hindi ko alam kung talaga bang kinikilig Lang sila sa Amin o sadyang nakikita-chismis Lang sila. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang kasikatan ni Jake dito sa buong campus. Campus crush ang bansag sakaniya dito ng mga babae at halos lahat ng babae dito ay gustong gusto maangkin si Jake. Eh sino ba naman Hindi magkakagusto sakaniya ika pa nga ng iba complete package na. Isa siyang MVP sa basketball team nila, gwapo na, matalino at mabait pa halos lahat na ng katangian na hinahanap ng mga babae sa isang lalaki ay na Kay Jake na. Oh diba? Bukod na pinagpala sa lahat.

Kaya naman ganon nalang ang pagaway sakin ng mga babaeng patay na patay Kay Jake. Lahat nalang ng pwede nilang gawin para ikapahamak ko ginagawa nila pero hindi din yun nagtagal dahil pinagbantaan sila ni Jake na huwag na huwag akong subukang galawin. Awa naman ng diyos ay nakinig naman ang mga bruna. HAHAHA

"M-Mara? Ayos ka Lang ba? Bat parang maputla ka?" Nagaalalang tanong sa akin ni Irish Habang naglalakad kami papuntang court. Pupuntahan kasi namin si Jake para icheer sa laro nila.

Kahit medyo alangan ay tumango pa rin ako. "A-ah Oo Irish..pagod at inaantok lang siguro ako" Sagot ko naman sakaniya. Pero Sa totoo Lang ramdam ko ang panghihina ko. Pansin ko din kasi nitong mga nakaraang araw ay medyo matamlay ako at para bang nanghihina Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil Lang sa pagod dahil puro bugbog kami nitong mga nakaraang week dahil sa thesis na ginagawa namin.

Naramdaman ko naman na inalalayan ako ni Irish Habang nagpatuloy sa pagka lakad. "Sigurado ka ha?" Muli nitong tanong.

Tumawa naman ako sakaniya. Para naman kasi akong bata eh. "Opo ma'am" Sagot ko naman sakaniya at napatawa naman ito.

Matapos ang ilang oras ay matapos din ang laro nila. Sobrang saya ng buong campus dahil panalo na naman ang team nila Jake. Nakita ko kung gaano kasaya ang itsura Niya, ganon din naman ako sakaniya at alam kong alam Niya na lahat ng gusto Niya nandito Lang ako sa tabi Niya lagging naka suporta.

Natapos ang araw namin ni jake na masayang magkasama. Niyaya niya akong kumaen sa isa sa mga paborito naming restaurant para mag-celebrate.

"Oh, bakit? May problema ba? Dont you like the food? Papapalitan ko baby"  may pagalalang tanong sakin ni jake habang tinitingnan ako.

Ngumiti naman ako ng bahagya para hindi niya mapansin ang pagka walang gana ko. Sa totoo lang kasi pakiramdam ko parang ang bigat bigat na ng katawan ko at sobrang pagod ako.

"H-hindi baby.. I'm just tired lang siguro pero no worries okah lang ako.." sagot ko naman sakaniya.

"Are you sure?"  Muli nitong tanong sakin.

Tumangi naman ako at pilit na ngumiti. "Yes baby.." sagot ko. Ngumiti naman ito at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Oo nga pala baby, ang sabi mo kanina susunod din dito sila tristan? Nasaan na sila?"  Nagtatakang tanong ko sakaniya. Bago pa kasi kami makarating dito sa restaurant ay nasabi niya na kasama daw namin na magcecelebrate ang mga teammates niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling Back AgainWhere stories live. Discover now