Five

41 0 0
                                        

Sa totoo lang wala ako sa sariling bumalik ng nurse station. Ni hindi ko na nga namalayan kung papaano ako nakarating dito. Kahit hindi ko aminin alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. Ramdam ko ang bawat kirot na namumuo sa puso ko na para bang unti unti nitong dinudurog ang puso ko. Aminin ko man o Hindi alam ng sarili ko na hanggang ngayon Hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Alam kong galit siya sa akin dahil sa pagiwan ko sakaniya at tanggap ko yun dahil Ako naman talaga ang may dahilan kung bakit humantong sa ganito ang relasyon naming dalawa. Masakit, sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo. Sa totoo Lang gustong gusto ko siya yakapin at halikan at sabihin kung gaano ako sobrang nangungulila sakaniya at sa pagmamahal Niya.

Pero ano pa ang silbi ng lahat ng iyon kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mapapatawad ni Jake sa ginawa kong pagiwan sakaniya. Gugustuhin ko nalang makalimutan siya para makalimutan na din Niya ako at makahanap siya ng babae na mas nararapat para sakaniya at Hindi ang katulad ko, masasaktan ako ng dove pero pipilitin kong tanggapin dahil yun ang deserve ni Jake. At Hindi ang katulad ko dahil wala naman na siyang mapapala sa katulad ko eh. May sakit ako at alam kong Hindi na ako tatagal dito sa mundo. Kaya't ayaw ko man mas mabuti nalang na mapunta sa iba si Jake kesa naman magdusa at maghirap siya sa piling ko.

Flashback

"Uyyy.." tili nang mga classmates namin ng pumasok ako sa room. Lalong gulat ko na may surpresa sakin si Jake. Punong Puno ng mga red roses ang room namin at may mga balloons pa na nakasabit. Isa isang nagsi tayuan ang mga classmates kong may hawak hawak na banner na isa isang naka sulat ang mga katagang HAPPY 1st ANNIVERSARY BABY tapos sa gitna nun nakatayo ang nagiisang gwapong lalaki sa paningin ko. Si Jake

Hindi ko mapigilan ang tuwa na nararamdaman ko. Isang beses palang may gumawa sa akin ng ganito at si Jake Lang yun dahil siya Lang naman ang naging boyfriend ko. Ewan ko nga ba sa lahat ng nanligaw sa akin si Jake ang pinaka tatanging lalaki na nakakuha ng loob ko. Wala din naman kasi ako masabi sa kabaitang taglay Niya.

Dahang dahang akong lumakad papunta sakaniya sa harapan. Agad naman Niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap at halik sa noo.

"You like it?" Naka ngiti niyang tanong nang makakalas ako sa yakap Niya Habang tinititigan Niya ako.

Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso at tumawa. "Nakakainis ka..akala ko galit ka kaya di k nagpaparamdam..tapos ito madadadnan ko dito!" May konting Tampa kong sabi sakaniya.

Tumawa naman siya at muli akong niyakap. "Ngpapaka busy Lang ako para dito, baby..para magustuhan mo..Hindi naman ako nabigo 'diba?" Sabi nito.

"Kahit na...you made me worried! Akala ko kung ano na nangyari sayo.." sabi ko sakaniya.

Ramdam ko ang mas lalo niyang paghigpit sa pagkakayap Niya. "Ssh..what's important is this..you know I will do anything just to make you happy, my love"

Napangiti naman ako sa Sinabi Niya. Kahit kelan talaga sobrang sweet Niya. Kahit nung mga panahon na nanliligaw palang siya ganyan din siya kasweet sa akin.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I love you, baby...I love you so much" malambing na sabi nito at hinalikan ang mga kamay ko.

Ngumiti naman ako sakaniya. "I love you too!" Sagot ko naman sakaniya at agad Niya akong hinalikan sa labi.

Narinig ko ang malalakas n tilian ng mga classmates namin. Nakaramdam naman ako ng konting kahihiyan. Napakamot nalang ako sa ulo.

End of flashback

"Uy.."Pukaw sakin ni Irish sabay lapag ng hawak hawak niyang mga clipboard sa tabi ko. "..tulala ka na naman Jan?" Sabi nito at natatawa pa.

Ewan ko ba naman kasi bat na naman pumasok sa isip ko yung panahon na yun. Pinipilit ko na ngang kalimutan pero ung UTAK ko pasaway pilit pa rin inaalala ang mga masasayang alaala namin ni Jake. Sa totoo Lang konting Konti nalang iiyak na ako sa skit na nararamdaman ko ngayon. Pero pinipigilan ko.

Umiling ako. "Wala..wala to" maikling saglit ko sakaniya at ibinaling nalang ung tingin ko sa mga papel na nasa harapan ko.

Tumango naman si Irish. "So? Kamusta pagbantay mo Kay Jake?" Tanong naman nito.

Huminga naman ako ng malalim bago magsalita. "Ayun..Walang pagbabago mainit pa rin dugo sakin.." sagot ko naman sakaniya.

"Talaga? Paano pa kaya kung makilala na Niya? Ano kaya magiging reaksyon Niya?" Tanong naman ni Irish na halatang nagaalala din.

Umiling ako. "Hindi ko alam...siguro magagalit siya, eh sino ba naman matutuwa pag isang araw basta ka nalang iniwan ng taong mahal mo ng Walang pasabi 'diba? Sagot ko sakaniya. Kunwari Hindi nasasaktan sa sinasabi ko. Totoo naman eh, alam kong galit sakin si Jake at marami siyang tanong sa isip Niya kung bakit ko siya iniwan nalang ng Walang pasabi.

Huminga naman ng malalim si Irish. "Mara..Bakit kasi Hindi mo nalang Sinabi Kay Jake ang totoong rason kung bakit mo gustong makipaghiwalay..Hindi
Yung iniwan mo nalang siya basta." Sabi nito.

Para ano ba? Eh ganon din naman ang kahihinatnan nun sa dulo, maghihiwalay din kami. Kapag Sinabi ko ba may magbabago ba? Wala naman eh.

Tumawa naman ako ng mahina. "Para saan pa? Kahit sabihin ko pa o Hindi maghihiwalay din naman kami eh..iiwan Niya din ako kaya mabuti nang ako nalang ang mangiwan sakaniya." Sabi ko naman sakaniya. Ramdam ko ang Pamumuo ng mga Luha sa mga mata ko pero pilit ko pa rin itong pinipigilan tumulo.

"Hindi Mara..I know Jake wouldn't do that, I know how he loves you at Saksi ako sa inyo alam kong Hindi ka Niya pababayaan.." Sagot naman Niya sa akin. Paano kung Hindi? Paano kung Hindi Niya ako kayang tanggapin sa sakit ko? Paano na ako?"..you know what Mara, I know god has a plan kaya kayo mulling nagkita ni Jake..maybe this is the right time para masabi mo ang totoo at maipaliwanag mo ang dahilan ng pagiwan mo sakaniya." Sabi ni Irish. Bigla naman akong napaisip, paano nga kung totoo nga ang sinasabi ni Irish? Pero paano kung huli na ang lahat? Paano kung wala nang maaayos? At paano kung Hindi na maaayos? Paano na ako?

bigla naman naputol ang usapan namin ni Irish nang biglang pumasok si ma'am Alice.

"Nurse Mara?" Tawag nito. Agad naman akong tumayo para makasalubong si ma'am Alice.

"Yes ma'am" Sagot ko naman sakaniya.

Agad itong Lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko. "Nako, Mara I'm sorry sa ginawa sayo ni Jake ha? Masyado Lang siguro mainit ang ulo Niya Kaya ganon..pag pasensyahan mo na ha?" Sabi naman nito ng mag pagaalala.

"Okay Lang po ma'am..maintindihan ko po"Sagot ko naman sakaniya.

"Okay. Pero okay Lang ba na ikaw pa rin ang iassign ko sakaniya?" Tanong naman Niya.

Napaisip na muna ako bago magsalita nakita ko pa ang pagtungo ni Irish. "Uhm..s-sige po" Sagot ko sakaniya. Nakahinga naman ng maluwag si ma'am Alice at tinapik ako sa balikat.

"Thank you, Mara" Sagot nito Sa akin.

Falling Back AgainWhere stories live. Discover now