Gumising ako nang parang bang Tamad na tamad. Ewan ko ba? Pakiramdam ko parang Walang magandang mangyayari ngayong araw na ito. Buong gabi akong Hindi pinatulog ng lintek kong isip. Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko yung Sinabi ni daddy tungkol Kay Jake. Hays. Sa totoo Lang Hindi ko na talaga inaasahan na magtatagpo pa ang landas naming dalawa ni Jake. Sinasabi ng isip ko na kalimutan ko na siya, pero yung puso ko sadyang mahirap pasundin. Hindi pa rin talaga Siya magawang makalimutan ng puso ko.
Ano pa ba ang dapat kong gawin? Bakit pakiramdam ko nananadya na sakin ang tadhana. Pilit akong lumalayo sakaniya pero anong gagawin ko kung ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkita kami ulit? Haaay. Sobrang Hirap sa totoo Lang, kainis!
"Huy! Sis..ayos ka Lang ba?.." pukaw naman sakin ni Irish. Napatingin naman ako sakaniya Habang inaayos ang mga gamot na dadalhin ko sa anak ni ma'am Alice. Naalala ko, ako nga pala ang inatasan ni ma'am Alice na magasikaso sa anak Niya. Jusko naman, bakit naman kasi a dinami dami ng nurse dito sa hospital ako pa talaga ang naisipan niyang pagalagain ng anak Niya. Haaays. "..bat tulala ka Jan? Mukhang malalim ang iniisip natin ah? Sino yan? Uyyy Maliligaw ba?" Dagdag pa Niyaz. At talagang nang asar pa talaga ha?
Napa irap naman ako sa kawalan. "Manliligaw ka Jan! Wala!" Sagot ko sakaniya. Narinig ko pa ang tawa Niya. Nilapitan naman Niya ako.
"Mas lalo kang mapapatutulala kapag nakilala mo kung sino ang anak ni ma'am Alice" sabi nito. Kunot noo naman akong agad na napatingin sakaniya. Ano daw?
"Ano? What do you mean?" Tanong ko sakaniya. Umiling naman ito at ngumiti ng nakakaloko.
"Wala. Ang sabi ko pumunta kana sa room ng anak ni ma'am Alice kailangan ka na doon." Sabi nito.
Tumango naman ako sakaniya at kinuha na ang mga gamot na nakalagay sa tray. "Good luck!" Sabi pa nito at sabay kumindat sa akin. Ano bang problema 'nung babaeng yun? Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha ng face mask at sinuot iyon at tuluyan nang lumabas sa nurse station at nagumpisa nang maglakad sa hallway.
Habang naghihintay bumukas ang pinto ng elevator, Hindi ko maiwasang Hindi maisip na naman si Jake.
Haaays, Ano ba? Heto na naman 'yung isip ko, bakit ba kasi pilit pang pumapasok sa isip ko si Jake? Nakakainis Lang,
Ilang sandali narinig ko na ang tunog ng elevator. Kahit papaano'y nakabalik ang isip ko sa katunuan. Please Lang tama na, okay? Ayoko na. Pilit na sinasabi ko sa sarili ko.
Narinig ko na muli ang tunog ng elevator na hudyat na nasa 4th na ako. Kaya't agad na din naman akong lumabas ng elevator. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa kwarto kung saan naka-confine ang anak ni ma'am Alice ay Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla nalang akong nakaramdam nang kung anong kaba. Ramdam ko ang bawat bilis at kabog ng puso ko.
What's wrong with me? Ano ba tong nararamdaman ko?
Pinilit ko nalang kalmahin ang sarili ko at Hindi pinansin ang kabang nararamdaman ko.
Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto, humugot muna ako ng malalim na hinga bago kumatok at tuluyan nang buksan ang pinto.
Laking gulat ko nang wala akong nadatnan na tao na nakahiga sa kama. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto pero wala ang nakikitang tao dito. Nasaan na yun?
"Sir?" Tawag ko dito. Patuloy pa rin ako sa pagtawag sakaniya pero Wala ni sino ang sumagot. Nasaan na ba yun?
YOU ARE READING
Falling Back Again
RomanceWARNING: this story may have mature content and some parts May not be suitable with young readers. I cannot assure you that would not have encounter any typos or grammatical error, so PLEASE READ AT YOUR OWN RISKS. (RatedSPG:18+) --- PROLOGUE: Bakit...