“….tulungan mo ako! Parang awa mo na… Tulungan mo ako!!! Aaaaahhh!!!”
…Jess? Jess?!!! Jessica?”
“AAaaaaAAaahhHHHHhhh!!!!!!!!”
“Jessica?!!!”
Nagulat ang lahat ng pasahero sa loob ng eroplanong iyun dahil sa malakas na pagsigaw ni Jessica.
“Jess… Panaginip lang yan, wag kang matakot.” Niyakap ni Ralph ang kasintahang nanginginig pa sa takot.
“Sir, ano pong nangyari?” ang tanong ng dumating na flight attendant.
“Nothing to worry. Nananaginip lang siya, sorry for the disturbance…”
Napakapit ng mahigpit si Jessica sa damit ni Ralph, “…natatakot ako.”
----------
Lumanding ang eroplano ganap na alas dos na ng tanghali. Magkasabay na lumabas ng airport ang magkasintahang Ralph at Jessica.
Sa labas ng airport ay inabangan sila ng kaibigang si Carolyn na kanina pa excited makita ang dalawa.
“Jess…!!!” Kaagad nasigaw ni Carolyn na may kasamang pagyakap nang makita ang hinihintay.
Napansin ni Carolyn ang matamlay na ikinikilos ni Jessica, “Is everything alright?”
“Oo naman Carolyn, everything is perfectly alright…” ang sagot ni Ralph.
“Jess?”
“Okay lang ako, Carolyn.”
“Tsk. Don’t worry, mag-eenjoy naman tayong lahat dito since kumpleto ang barkada. Let’s go! Kanina pa sa atin naghihintay sina Tristan at Dustin, this is going to be the best summer ever!!!”
----------
Tumutuloy ang barkada sa isang rest house malapit sa beach. Naglabas ng malaking mesa si Dustin at doon hinatag nila ang napaka-heavy na lunch na kanilang pagsasaluhan.
Lumabas mula sa rest house si Nathalie bitbit ang masarap na pasta, siya ang nakababatang kapatid ni Dustin. Ang totoo, sila ang may-ari ng rest house at kasalukuyang sila lang ang gumagamit nito.
Sumunod namang lumabas sina Jana at Gizelle na kapwa may mga bitbit na masasarap na pagkain, mga kaibigan sila ni Nathalie.
“Pare, tingnan mo yung mga kaibigan ng kapatid mo… Look at that!” Ang sabi ni Tristan habang nasasayahan sa kanyang nakikita. Mga naka-suot bikini lang ang grupo ni Nathalie kaya tuloy di na magawang pumikit ang mga mata ni Tristan.
“Manyak ka talaga! Wag ka lang magkakamaling galawin ang kapatid ko, uupakan kita!” mapangahas namang sabi ni Dustin.
BINABASA MO ANG
Summer Murders
HorrorIsang masayang bakasyon ang nauwi sa patayan. Ito ay kwento ng magbabarkadang nakagawa ng isang pagkakamali at ngayon ay binabalikan sila ng krimeng kanilang nagawa. Ano ang lihim sa kanilang nakaraan? Sino ang killer at ano ang koneksyon nito sa ka...