Nakarating sina Dustin at Nathalie sa ospital pasado alas-otso na ng gabi. Dumiretso sila agad sa kwarto ni Jana ngunit wala na siya doon. Walang katao-tao sa kwarto na yun, “Nasaan si Jana?” ang pagtataka ni Nathalie.
Pumunta agad sila sa nurse counter at nagtanong doon si Dustin, “Nasaan na po ang pasyente sa room 24, Jana … Jana…”
“…Jana Mae Montes.” Ang dugtong ni Nathalie.
“I’m sorry pero walang pasyente dito na nagngangalang Jana Mae Montes.” Ang sabi ng nurse.
“Huh? Pero dito namin dinala ang kaibigan naming si Jana, imposibleng wala siya dito…” ang naguguluhang sabi ni Nathalie.
“Si Andrea ang doctor na umaattend sa kanya. Nasaan siya? Alam niya na nandito ang kaibigan namin. In fact, tumawag pa siya para sabihin sa aming gising na si Jana. Nasaan si Andrea, gusto naming makausap siya.” Ang paliwanag ni Dustin, “…Dr. Andrea Ferrell ang buo niyang pangalan.”
“Uulitin ko sa inyo, walang Jana Mae Montes sa ospital na ito, at isa pa, wala kaming doctor na Andrea Ferrell ang pangalan, baka sa ibang ospital ang tinutukoy niyo.”
“What???!!!” ang parehong gulat ng magkapatid.
----------
Tuluyan na ngang nakapasok ang killer sa loob ng bahay. Parehong takot na takot ang dalawa, si Jessica at si Carolyn.
Nilabas ng killer ang kanyang kutsilyo at unti-unting lumapit sa dalawang babae.
“Halika Carolyn, doon tayo sa taas!!!” ang anyaya ni Jessica at hinila niya ang kaibigan at umakyat sila ng hagdanan.
Nang mapansin ng killer na tumatakas sila ay agad siyang kumilos.
Tumakbo siya papuntang hagdanan at nahila niya ang paa ni Carolyn.
“AaaAAaahhhHHhh!!!!!! Jessica!!!! Jessica, tulungan mo ako!!!!!!!!”
“Carolyn!!!!” dumulas ang kamay ng dalawa at hinila ng killer pababa ng hagdan si Carolyn, “AAaaAAahhHHhh!!!!!!!!”
Napahiga si Carolyn sa baba ng hagdanan at pumatong naman sa kanya ang killer.
Hindi nila mahulaan kung sino ang killer dahil sa balot na balot ang katawan nito. Nakajacket ng itim at may bonnet sa ulo.
Mangiyak-ngiyak sa takot si Carolyn, “Huwag please… wag… huhuhu… Hindi naman namin sinasadya ang nangyari… Wag mo akong patayin… parang awa mo na… huhuuuhhu….”
Iniangat na ng killer ang kutsilyo niya at nang isasaksak niya na ito sa dibdib ng babae ay malakas na sumigaw si Carolyn, “WAAAGGGG!!!!!!! Si Jessica!!!! Si Jessica na lang ang patayin mo!!!!!! Siya naman ang habol mo diba???!!!! Siyan naman, diba??!!!!” Napatigil ang killer.
Sabay tumingin siya kay Jessica na nasa gitna lang ng hagdanan…
“Carolyn?!!!” ang sabi ni Jessica at dahan-dahan siyang umaakyat.
“I’m sorry, Jessica…” punung-puno na ng luha si Carolyn.
Pero hindi ineexpect ni Carolyn.
Binigyan siya ng killer ng isang napakalakas na pagsaksak sa dibdib niya.
“AAaaAAaahhHHhhh!!!!!!!!!!!” napasigaw ng malakas si Jessica.
Inulit-ulit pa ng killer ang pagsaksak niya ng kutsilyo sa dibdib ni Carolyn.
Tumalsik na lamang ang mga dugong nanggagaling doon sa katawan ni Carolyn.
“AAaaAhhHhhrrrggg……” Nakabukas ang bibig ni Carolyn at mulat ang mata nito nang mawalan siya ng hininga.
BINABASA MO ANG
Summer Murders
HorrorIsang masayang bakasyon ang nauwi sa patayan. Ito ay kwento ng magbabarkadang nakagawa ng isang pagkakamali at ngayon ay binabalikan sila ng krimeng kanilang nagawa. Ano ang lihim sa kanilang nakaraan? Sino ang killer at ano ang koneksyon nito sa ka...