Nakarating na sina Jessica at Ralph sa airport.
Patuloy na kinokontak ni Jessica sina Dustin ngunit walang may sumasagot.
“Sigurado ka bang nandito sila sa airport?” ang tanong ni Ralph, “…eh, sarado na ito eeh.”
“Umalis sila ng morgue bandang alas tres ng hapon, malamang nandito sila. Pumasok tayo!”
“Sandali! Hintayin mo ako…”
Pumasok ang dalawa sa loob ng airport nang palihim. Hindi sila pwedeng magpadalos-dalos dahil may mga guard na nakabantay.
Umakyat sila sa taas ng second floor.
Muntikan na silang makita ng isang guard ngunit mabilis silang nakatago sa loob ng men’s bathroom.
“Wag kang maingay” ang sabi ni Ralph ngunit biglang sumigaw si Jessica, “AAaaahhh!!! Mmmmm” tinakpan naman agad ni Ralph ang bibig ng babae.
“Bakit ka sumigaw?”
At tinuro ni Jessica ang nakalabas na kamay mula doon sa cubicle ng cr.
Lumapit dito si Ralph at binuksan ang pintuan ng cubicle. Nakita niya ang walang malay na natutulog na si Dustin.
“Dustin! Dustin!!!” lumapit si Jessica, “Oh my God, anong ginagawa niya dito?” ang nasambit niya.
“Dustin! Dustin!”
“Huh?!!!” biglang nagising si Dustin, “…Ralph? Jessica??? A-Anong ginagawa… Bakit ako nandito??!!!”
“Ssshh! Nakita ka lang namin dito sa c.r, kinutuban si Jessica na baka may masamang nangyari sa inyo kaya sumunod kami.”
“Saan si Nathalie?”
Tumayo sina Dustin at Ralph at kaagad tiningnan ni Ralph ang iba pang cubicle.
Sa katabing cubicle lang si Nathalie at sa kabila naman si Shirley.
“Anong nangyari?” ang pagtataka ni Shirley.
“Hindi namin alam Shirley, kararating lang namin dito…” ang paliwanag ni Jessica.
Nang tumayo si Shirley ay inalalayan siya ni Ralph, hinawakan niya ang tagiliran ni Shirley na siya namang napa-aray si Shirley, “Ouch! Ang hapdi naman…”
Nagtataka sila.
Tinanggal ni Shirley ang suot niyang jacket at nakita nilang dumudugo ang damit niya sa bandang tagiliran.
“A-Ano toh???” nanginginig sa takot si Shirley.
BINABASA MO ANG
Summer Murders
HorrorIsang masayang bakasyon ang nauwi sa patayan. Ito ay kwento ng magbabarkadang nakagawa ng isang pagkakamali at ngayon ay binabalikan sila ng krimeng kanilang nagawa. Ano ang lihim sa kanilang nakaraan? Sino ang killer at ano ang koneksyon nito sa ka...