Naalimpungatan si Shirley sa tunog ng t.v sa harapan niya. Nagtataka siya dahil hindi niya naman binuksan ito. Wala rin naman siyang kasamang tao sa loob ng kwartong iyun. Nandoon pa rin siya sa loob ng ospital sa mga oras na yun.
Tumayo siya para patayin ang t.v.
May natabig siyang muriatic acid sa gilid ng kama niya, “Tsk. Naiwan na naman ng mga janitor ito.” Yumuko siya para itayo ang natumbang bote.
Pabalik na siya sa higaan niya nang magulat siya dahil nakita niya si Jana sa tabi ng kanyang kama.
“Sus. Ikaw lang pala yan, Jana… Hindi ba kaibigan ka nina Dustin at Nathalie na nandito rin sa loob ng ospital? Nga pala, dumudugo ang sugat mo. Pumunta ka sa nurse, baka kung mapano yang sugat mo…” humiga ulit sa kama si Shirley, “…sandali. Wala ka namang sugat aah. Hindi ba dinala ka sa ospital na ito dahil sa sunog???”
Ngumiti lang si Jana at kinuha niya ang unan na nasa tabi ni Shirley at mabilis na tinakpan ang mukha ng babae, “Ummmmmm!!!! Ummmm!!!” ang maririnig mo kay Shirley dahil hindi na siya makahinga sa ginagawa ni Jana.
Dinag-anan ni Jana ng siko niya ang unan sa uluhan ni Shirley at kinuha niya ang kutsilyo sa bulsa niya.
Sabay isang malakas na pagsaksak ang ginawa niya sa unan ni Shirley.
Tumagos ito hanggang sa ilalim hanggang pati mukha ni Shirley ay nataman ng talim ng kutsilyo niya.
Tumagos ang dugo sa puting tela ng unan.
Sabay kinuha ni Jana ang kutsilyo niya at tiningnan ang heart beat ni Shirley sa machine. Di nagtagal, naging linya na lamang ito.
----------
“Bilisan natin!” ang nasabi ni Ralph nang makasakay sila ng taxi papuntang ospital.
Hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak si Dustin.
Hindi naman siya masisi ni Ralph dahil maging si Ralph ay naaawa sa kalagayan ng kaibigan, sa walang-awang ginawa ni Jana sa kapatid nitong si Nathalie.
Nakarating sila sa ospital ganap na alas syete ng gabi. Nag-atubili silang pumunta sa kwarto ni Shirley.
Nang makarating sila ay huli na ang lahat.
“F.ck shit!!!” ang nasasabi na lang ni Dustin.
Nakatakip lang ang unan sa ulo ni Shirley ngunit bakas dito ang mga dugong nagpamantsa sa puting unan ng kaniyang tita.
Alam nilang patay na si Shirley dahil wala na itong hear beat.
Napaupo sa sahig si Dustin na nakasandig sa pintuan, patuloy ang pagluha niya.
Kinakabahan naman si Ralph.
Kaagad niyang dinial ang number ni Jessica sa cellphone niya at tinawagan ito.
Kaagad namang sinagot ni Jessica, “Hello?”
“Hello, nasaan ka?”
“Paalis na ako, nasaan kayo?”
“Nandito kami sa ospital… Jess, wag ka nang pumunta… Hello? Hello???” biglang naputol ang linya… “Jessica naman! Shit!”
----------
“Hello? Hello???” tiningnan ni Jessica ang cellphone niya, wala na pala itong battery, “…nice. Ngayon ka pa nawalan ng battery. Ano kayang ibig niyang sabihing wag na? Hmmm… Mabuti pa ngang puntahan ko na lamang sila sa ospital…” kinuha niya ang kanyang bag at umalis na ng computer shop na yun.
----------
Paulit-ulit na tumatawag si Ralph kay Jessica ngunit hindi niya ito sinasagot.
Nangamba si Ralph kaya tumakbo siya papuntang labasan ng ospital, “Dustin, halika sa entrance! Baka pumunta dito si Jessica… Kailangan ko siyang balaan…”
BINABASA MO ANG
Summer Murders
HorrorIsang masayang bakasyon ang nauwi sa patayan. Ito ay kwento ng magbabarkadang nakagawa ng isang pagkakamali at ngayon ay binabalikan sila ng krimeng kanilang nagawa. Ano ang lihim sa kanilang nakaraan? Sino ang killer at ano ang koneksyon nito sa ka...