Ang Pagputok

2.5K 35 11
                                    

Nakatingin lang silang lahat kay Carolyn, tahimik at walang kumikibo.

Maging si Tristan ay natahimik sa sinabi ni Carolyn. Nandoon pa rin sila sa mesa na kanilang pinagkainan at si Shirley ay patuloy na humuhugas ng mga pinggan sa kusina na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Samantala, hindi alam ng lahat na si Nathalie ay nasa taas lamang ng hagdan at narinig ang lahat ng kanilang sinabi.

Umiiyak si Nathalie, hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.

(flashback continues)

Huminto ang kotse sa kalayuan ng nasusunog na bahay. Bumaba mula doon si Jessica at maiyak-iyak na pinagmasdan ang bahay ng mga Martinez na tinutupok na ng apoy.

Bumaba naman si Ralph at inalala ang kasintahan.

“Natulungan pa sana natin sila…” ang nasabi ni Jessica na may kasamang pagluha.

“Wala na tayong magagawa pa, Jess.” Ang sinagot ni Ralph.

“Meron, Ralph! Matutulungan natin sana sila kung hindi tayo umalis…”

“Kung hindi tayo umalis, mahuhuli tayo ng mga pulis…” ang sabi ni Dustin nang bumaba siya ng kotse na kanyang minamaneho.

Bumaba rin si Tristan na nakatingin sa mga kamay niya at takot na takot dahil sa nagawa. Napaupo siya sa lupa habang nanginginig ang buong katawan, “Hi-Hindi ko sinasadya…”

“Tristan, tumayo ka diyan… Alam naman naming hindi mo yun sinasadya.” Ang sabi ni Carolyn nang pagkababa niya mula sa kotse ay nakita si Tristan sa lupa.

“Ano bang kinatatakot niyo sa mga pulis? Hindi nila tayo huhulihin dahil aksidente ang lahat…” ang sambit ni Jessica.

“May mga buhay na nawala dahil sa nagawa natin, aksidente man o hindi… Malamang sa atin ang bintang ng kanilang pagkamatay. Huhulihin tayo ng mga pulis, hindi sila maniniwala sa atin!” ang sabi ni Dustin.

“Hindi tayo nakakasiguro kung namatay nga ang mag-asawa…”ang sabi naman ni Ralph.

Narinig nila ang sirena ng kotse ng mga pulis na dumating sa pinangyarihan ng sunog.

Nakita nila na may kasama itong mga bombero na nagpahina sa apoy. Nang mawala ang apoy ay may pumasok na pulis sa loob ng bahay at nang makalabas sila’y may kasama na silang bangkay, dalawang bangkay na pawing nasunog at naaagnas na ang katawan.

Narinig nila na kumpirmadong patay na ang dalawa mag-asawa at wala ni isang survivor ang nakaligtas sa sunog.

“This is insane!!!” ang mahinang sigaw ni Jessica na mangiyak-ngiyak na sa takot.

“Are we murderers na?” ang tanong naman ni Carolyn na may kasamang paghikbi…

“Anong murder??? Aksidente ang nangyari! Aksidente ang lahat…” ang pilit na sinasabi ni Dustin, “…mas mabuti siguro kung manahamik na lamang tayo sa bagay na ito. Wala tayong pagsasabihan na kahit sino!”

“Sa tingin ko, yun ang makakabuti para sa ating lahat, hindi lang para kay Tristan..” ang comento ni Ralph.

“Paano kung tanungin tayo ng mga pulis?” ang kaagad na tanong ni Jessica.

“Just say no, no… No, no, and no! Wala tayo sa lotte ng mga Martinez. Nandoon tayo sa bahay nina Tristan, nag-over night kasama ang buong barkada…” ito ang utos ni Dustin sa lahat, “…wala namang nakakita sa atin ngayong gabi kundi ang mag-asawa na alam naman nating wala na kaya madali tayong makakalusot. Hindi na muling mababanggit pa ang bagay na ito, wala kayong pagsasabihan o pagkukwentuhan sa nangyari… Ipangako niyo sa buong barkada…”

Summer MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon