Ang Mitsa

3K 37 2
                                    

Patuloy ang tahimik na paghikbi ni Carolyn habang nakapatong ang noo niya sa pagitin ng kanyang tuhod at mahigpit na niyayakap ang kanyang mga paa.

Sa tabi niya ay si Tristan, nakatulala sa kawalan. Habang ang mukha’y napakadungis pa rin dahil sa nangyari at ang katawan ay balisa, nandoon lang sila sa labas ng kwarto kung saan dinala si Jana. Nasa loob sila ng ospital.

Magkasamang dumating sina Ralph at Jessica. Galing sila sa morgue kung saan dinala ang bangkay ni Gizelle.

“Kamusta na si Jana?” ang tanong ni Jessica.

“Hindi pa lumalabas ang doctor…” ang sagot naman ni Tristan.

Maya-maya’y lumabas ang doctor mula sa loob ng ospital.

“Doc!” nagtayuan silang apat mula sa pagkakaupo, “…kamusta ang kaibigan ng kapatid ng kaibigan…eee…kamusta ang kaibigan namin?”

“Mabuti na lang at naagapan niyong dalhin dito ang pasyente. Maraming usok na pumasok sa system niya kaya matatagalan pa bago maka-recover ang pasyente. Unconscious siya for now, hopefully magising siya kaagad. Hintayin na lang ang further result sa kanya.”

“Kawawa naman si Jana, nadadamay nang dahil sa atin…” ang maiyak na sinabi ni Carolyn.

“Carolyn, hindi natin kasalanan ito! Hindi natin ginusto na masunog ang rest house nina Dustin…”

“Pero…”

“Maaari ko bang malaman kung saan kayo ngayon tumutuloy, pati na rin contact number ng bahay na tinutuluyan niyo nang sa gayon ay hindi na kayo mag-abala pa na pumunta dito, kami nang bahalang tumawag sa inyo kapag nagising na ang pasyente… Mukhang lahat kayo ay balisa sa nangyaring sunog… Doctor Ferrell, Dr. Andrea Ferrell nga pala… Pwede niyo akong iaddress ng Andrea.”

Kaagad namang binigay ni Ralph ang hinihingi ng doctor, “Diyan, sa bahay ng tita nina Dustin at Nathalie… Hindi pa kami pwedeng umalis dahil naka book na kami ng ticket at the end of summer, mahahanap mo kami sa address na yan… Salamat Dr. Ferrell. I mean, Andrea…”

“Sige, maiwan ko muna kayo, marami pa akong pasyenteng aasikasuhin.” At umalis ang doctor.

Nang makaalis si Andrea ay nagawang hawakan ni Tristan ng mahigpit ang kamay ni Carolyn, “Ano ka ba?! Gusto mong may makaalam sa nangyari?”

“Ano ba, Tristan… Bitawan mo ako!”

“Tigilan niyo na nga yang dalawa…” ang sabi ni Jessica at pumasok siya kasama si Ralph sa loob ng kwarto. Sumunod naman sina Carolyn at Tristan.

Nakita nila si Jana na mahimbing na natutulog.

“Jana… kasalanan namin ito… patawarin mo kami….” Ang hagulgol ni Carolyn nang makalapit sa kama ni Jana.

“Hindi natin kasalanan ang nangyari, Carolyn. Wala tayong ginawa!” ang galit na sinabi ni Tristan.

“Sapat na ang ginawa natin 9 months ago para mangyari sa atin ito, pati si Gizelle at Jana, nadadamay sila dahil sa ginawa natin!!!” nagsabatan na sina Carolyn at Tristan.

“Tumigil ka na Carolyn, hindi ba’t pinangako ng barkada na hindi na natin ulit babanggitin ang bagay na yan! Walang kinalaman ang nangyaring sunog dati sa ngayon dahil aksidente lang ang lahat! Aksidente lang… Nagpapaniwala ka rin sa isang text message…”

“Tristan, ako mismo, ayokong maniwala sa text message na nareceive ko pero hindi ito basta basta para maging biro…” ang nasabi naman ni Jessica nang sumingit siya sa usapan.

“Jess…” niyakap na lang ni Ralph si Jessica para kumalma ito.

Nanggagalaiti na si Tristan sa galit, maging siya ay natatakot sa mga nangyayari.

Summer MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon