"Break na tayo!"
"Sorry, Break na tayo!"
"Break na talaga tayo!"
It's been two weeks when Yad-El De Arca a sophisticated person, broke up with me. I don't know what came in her mind and she left me behind with no reason? I don't understand her and I'm confused! Why did she let this happened to me? Is there something wrong with me or Is there something I didn't know about her? I felt rejected with the person I loved most and until now I'm still affected.
She had everything. Yes, I admit it! Everybody wants to take her home even her students. Everytime she walked in the room, she got all the eyes but all of those bacame useless when she said "yes" when I courted her but sadly, now It ends. She's now my Ex, My first ever Ex girlfriend.
Well maybe it's because of her pride kaya nagkakaganyan siya?. I know masaya na siya ngayon at malamang napalitan na niya ako? Oh, she's a wild girl and now I know her hidden Identities.
Sa side ko naman, heto pilit na nasasaktan ng sobra-sobra. Sa ngayon, ano pa nga bang dapat kong gawin? I need to move on. Masakit eh especially sa tuwing gabing umiiyak ako mas lalong sumasakit.
Pipilitin ko talagang mag move on kahit mahirap gawin, eh para lang naman 'to sa'kin. Di bale, makakalimutan ko rin siya, makakayanan ko rin habang tumatagal. Lovelife nga naman, so Move on, Move on! Tama na ang pagmumukmok sa kwarto at antayin na lang si "YOU".
By the way, I'm Francoise Fatima. Tawagin niyo na akong medyo badboy but not all the time. Nagmamahal din ako ng seryoso minsan, niloko nga lang, at tsaka minsan mabait din. I'd like to go with adventurous things, I'd like to hangout with friends. Fries? Burgers? Pizza? No, banana que, toron and orange juice na tang are enough for me. Nung 2nd year Hs ako, blue yung favorite color ko pero hanggang tumatagal ay green naman but actually Bluegreen talaga pinaka favorite color ko. I'm an animal lover but except sa snakes. Ang hindi nila alam, Doctors ang weakness ko. Natatakot ako sa mga doctors kasi feeling ko sila yung killer ? Karamihan kasi, doon sa hospital namamatay ang mga tao then shit.. basta just forget about it baka manlumo pa ako dito kakasabi about doctors. Ilan lang yan sa mga details about myself at mamaya na yung iba.
"Coiiiseee.!" Tinig ni mommy. Tama na ang kwentuhan kasi tinatawag na naman ako ni mommy.
"Coming!" Dali-dali akong pumanaog sa bahay namin habang sinusuot ang polo ko.
"Oh my son, sa market ka lang naman pupunta 'bat kaba nagpopolo?" She asked.
"Uutusan mo na naman ba ako mommy?" I mumbled at kinuha niya ang wallet niya.
"Anak, Sige na! Go to the market and buy these. " malamig na wika niya. Binigyan niya ako ng 500 pesos at isang papel. Lists of the things na bibilhin ko. Yan kasi tugon ko sa kaniya, kapag uutusan niya ako na bumili ng kahit ano sa tindahan dapat may listahan kasi kung wala makakalimutan ko yung mga bagay na dapat bilhin. Nung isang araw nga inutusan niya ako na bumili ng Asin pero bitsin yung nabili ko. May differences ba sila? Eh pareho lang naman silang maalat eh. Ayun, pabalik balik ako sa tindahan. Badtrip!
I started walking along to our own street, "Daan ng mga Fatimas" . Sira kasi yung bike ko kaya naisipan kong maglakad na lang. 10 minutes bago ako nakarating medyo may kalayuan din ang market pero okay lang kasi naaaliw ako sa mga bahay na nadadaanan ko. Kung nasa bahay lang sana si papa eh ginamit ko na sana yung sasakyan niya. Palagi kasi siyang aligaga sa company namin. Si mommy? For sure Balik aligaga na naman yan sa trabaho tomorrow at maiiwan na naman ako sa bahay with Freaky Yaya. Pinapakealaman ba naman mga gadgets ko. Kainis!
YOU ARE READING
"My Future Ex"
RomancePaano na kaya kung darating na ang panahon na yung taong mahal mo ay bibitaw na sa'yo? Pero ang masaklap magiging Ex mo nga siya in the future pa nga lang.