Ilang araw at gabi na ang nakalipas ay nasa Gubat pa rin kami ni Franc. Pansamantalang naniraham dito sa munting kubo na 'to. Dito kami natutulog, kumakain at tinitiis ang mga pagkaing sa gubat lang namin makukuha.
Habang tumatagal ay mas lubos ko pang nakilala si Franc pero ang hindi ko alam ay ang tungkol sa kanyang mga magulang.
Nung minsan ay tinatanong ko siya kung nasan mga magulang niya pero ang tanging sagot lang niya ay 'work'. Tutok daw sila sa trabaho. Buti nga siya't may mga magulang pa siya eh sa'kin? Ewan ko kung buhay pa ba? Nakakalungkot mang isipin pero umaasa pa rin ako na makikita ko sila balang araw.
~*~
Olivia's Pov.
Ang boring ng life! Parang ilang araw ko nang hindi nakikita ang dalawa ah? Na'san na kaya sila my bes asheen and si Papa 'Eeefffranké'. Slang na ako ngayon. Chaar! Hmm Mapuntahan nga. Baka nasa loob lang sila at hindi lumalabas."Ibiang asan kana naman pupunta.?" Nakapamewang na wika ni Madam Elaida, nanay kong napaka commander.
"Magpapahangin lang po saglit nay." Sabi ko habang kinakalot ang ulo.
"Mahangin naman dito sa loob ah? Naku ayan kana naman anak, pupuntahan mo na naman bespren mo no? Diba ang sabi ko sa'yo na kung mas mabuting wag ka munang pumunta roon baka anuhin kapa ni Melano!!!."
"Nay, sa labas lang naman ako ng bahay nila eh, sisilip lang!."
"Hindi!"
"Ay, Miss ko na si bestfriend, yung bestfriend kong pumupunta dito dati para tulungan ako sa mga 'Gawaing Bahay'!! Tapos ngayon wala na, nawalan na ako ng gana, parang napapagod na ata akong gawin ang tinatawag nilang Household Chores. Tsaka ,tsaka baka maging tamad na ako!" Wika ko habang tinitingnan ang mga kuko ko. Uyy para-paraan si Ibiang kaya nga proud ako sa sarili ko eh.
"Oh sige, sige sige! Payag na ako, lumayas ka na baka mag drama kapa dyan anak! Balik ka kaagad ha!" See? Story telling lang ang daan 'tungo sa pagbabago ng Isip. Hahaha.
"Yeeey, I Love you ma, you are the best talaga ahahaha." Oh ayan, first time akong nag I love sa mama ko ha haha dapat lang para maganahan din siya minsan na payagan akong pumunta 'kela Asheen.
Nag simula na akong maglakad patungo sa bahay nila bes. Napag isipan kong baka nandoon si Manong Melano kaya sa likod na lang ng bahay nila ako dumaan.
"Woaoahoah." Tumatalon talon yung boses ko kasi nakaapak ako ng isang bagay. "Muntik na akong matumba doon ah!? Teka, Ano naman 'to?" Tanong ko sa sarili ko.
"...Isang bote?" Pinulot ko iyon at inihagis hagis, wala lang! Para malibang yung kamay ko, Trip ko lang! Bakit may problema ba 'don?
Sumilip ako sa loob ng bahay nila asheen habang inihagis hagis ko pa rin yung bote ng hindi ito tinitingnan.
"Parang wala namang tao eh? Baka may pinuntahan lang?... Araaaaaay yung ulo ko!" Napaaray ako. Epekto ng paghagis kaya nabukol ang ulo. Habang hinihimas ko yung bukol ko ay muli kong tiningnan ang bote sa lupa na wala ng takip at may napansin akong isang papel sa loob nito.
Tiningnan ko ito at binasa.
▪▪▪
Dear You,
First of all, I wanna say Hi to you! Whoever recieved this letter I wanna let you know that YOU'RE MINE NOW! This simple letter will change your life so what are you waiting for? I can't wait for you, See yah!
YOU ARE READING
"My Future Ex"
RomancePaano na kaya kung darating na ang panahon na yung taong mahal mo ay bibitaw na sa'yo? Pero ang masaklap magiging Ex mo nga siya in the future pa nga lang.