Chapter 4

106 16 4
                                    

~*~

Françoise's Pov.

"Asheen!!!" Sigaw ko habang inaalalayan ko si asheen sa pagkakahiga niya sa sahig.

"Yan ang napala mo Asheen!!!" Usisa ni mang Melano. Nakakarami na talaga si Mang melano ha. Hindi ba siya naaawa?

"Wala po kayong awa Mang Melano! You're such a cracked sir!"


Nakikita ko ang katawan ni Asheen na nanlulumo at duguan ang mukha. Ano ang gagawin ko? Ano? Wala akong alam sa mga gan'to! May mga... mga dugo! Wala akong ibang nagawa kundi hubarin yung sando ko't itapat sa duguan at basag na mukha niya. Naku po! Ang daming dugo! May mga bildo pa sa sahig at baka masugatan kami. Isang bagay ang naisip ko.


"Huy lalaki--uk! San mo dadalhin si Asheen huh?--uk" Pasid-ok sid-ok na wika ni Mang melano habang akay-akay ko si Asheen. Parati na lang talaga siyang lasing! He doesn't cared to his daughter. Hindi na nga niya anak ay pinapahirapan pa niya.

"I'm so sorry Mang Melano but I need to let her away from you!!!"

"Anong sabi mo--uk?"

Dali dali kong binuhat palabas ng kanilang bahay si Asheen at iniwan si Mang Melano.

"Bumalik---uk---kayo---ditoo---uk!."

Ang tanong, saan ako pupunta? Gusto kong ilayo si Asheen dito sa lugar na'to. Sa kabila ng ginawa ng babaeng 'to sa'kin ay yun pala ay dahil lang sa kanyang ama-amahan. Nasa gubat na naman ako with Asheen. Sa mga oras na'to ay gabi na kaya mapanganib na loob ng gubat.

I heard mang Melano's voice na papalapit sa'min at parang hinahabol at sinusundan kami.

Hindi naman gaano kabigatan si Asheen kaya ang dali-dali lang para magmadali.

"Galingan niyong magtago, mahahanap ko rin kayo!!!!" Sigaw ni mang melano out of nowhere at sinundan ng mga putok ng baril.

"Oh lord, guide us!"

Yung braso ko'y punong puno na ng dugo ni Asheen.
"Konting tiis na lang Asheen. Konte na lang!" Bulong ko sa kanya. Namumutla na talaga siya pero anong gagawin ko? Hindi ako maaasahan sa mga gan'to!!Yung tsinelas ko malapit nang maputol dahil sa malubak na daang aking tinatahak. Ang sakit ng mga batong aking tinatapakan.

Sa di kalayuan ay nakita ko yung ilog. "Tsk, bahala na nga!" Mataas ang tubig ngayon so yung mga batong tatapakan ay di ko na nakikita kasi nasa kailaliman na.

"You can do this Franc, Yes You can!" Lumusong ako sa ilog nang akay-akay si Asheen. Napapaaray ako dahil sa sugat ko sa binti. Yung sugat na nadaplisan ng kahoy nung gabing sinundan ako ni asheen dito sa gubat. Nung nakatawid na kami, nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kahit saan.

Makalipas ang mahigit dalawa't kalahating paglalakad, sinong hindi mapapagod? Sa tingin ko malayo-layo na rin ang narating ko at tiyak na nakalayo na kami kay mang melano. Naramdaman ko na pati ako ay nawalan na ng lakas, natumba na lang din ako bigla kaya nabitawan ko si Asheen pero sinalo naman kami ng lupa.

***

May naramdaman akong mga patak ng tubig sa mukha ko. I opened my eyes and there, I saw the dark skies above. Umaga na ba? Tingin ko Oo. Masama na naman ang panahon, as always!

I looked around at may nakita akong pweding masilungan sa di kalayuan. Kinuha ko yung sando ko mula sa sugat niya at isinuot kahit na may dugo niya. Tinapik ko si Asheen pero hindi siya nagising kaya binuhat ko na lang siya. Eksaktong nakapunta kami doon ay sa mga oras na iyon ay bumuhos na talaga ang ulan.

"My Future Ex"Where stories live. Discover now