Chapter 6

41 9 0
                                    


"Ahh siya nga pala anak, We have a good news for you." Masayang-masayang hinarap ni Tita Elaida ang kanyang anak.

"Good News po ma?"

Yes, may dala talaga kaming good news para sa'yo Olivia. Haay, malapit na din tayo maging schoolmate olivia at makikita na kita araw araw sa skwelahan. Sa wakas may new inspiration na naman ako.

"Si Don Suarez na lang ang magsasabi anak ha." Tumingin si Olivia kay daddy at inaantay ang sasabihin.

"Well Olivia iha, You will transfer into another school and It's all set. Ako pa rin mgpapaaral sa'yo!" Very well said daddy.

"Po? So hindi na ba ako mag aaral sa Chao Sung High? ... eh saan ho ako mag aaral?"

"Aztec University, In my School!" Tumingin si Olivia sa'kin at parang gulat na gulat. What a relief!

"A...Aztec University? In your School Ian? Nay, ayaw ko ho don!" Aba, siya pa tong pinapalipat sa mas maganda at mas mahal na skwelahan tapos siya pa tong ayaw? Ano ba ang gusto ng babaeng ito? Eh ang cheap nga nung Chao Sung High na yun! Private nga, kulang naman sa facilities!

"Diba anak, gusto mo naman mag aral sa pang high class na skwelahan? Diba gusto mo yun? At tsaka total malapit lang naman doon ang bahay ng papa mo. Doon ka na lang muna mag stay!"

"Oo nga Olivia, Di kapa nun? Nandito naman ako eh, Araw araw na tayong magkikita sa school at babantayan kita doon!" I said habang nakataas ang nguso ko.

"Eh nay, alam na ba to ni tatay Lutcho? di ko po gusto magkalayo tayo nay at tsaka paano na si Bes Asheen? Maiiwan siya mag isa sa Chao Sung High? Di ako papayag!" Uhhh ang sweet naman! Mabuting anak at kaibigan pala tong si Olivia ah. Idadagdag ko'to sa diary ko. My Ideal Girl: Loving daughter and bestfriend. Oo may diary ako sa house and It's all about Owwwlivia. Ako lang siguro yung lalaking may diary dito sa earth? Hahaha well don't mind me, patay na patay kasi ako dito kay Olivia eh. Killer siya!!!

"Ibiang anak, alam na ni tatay mo ito at wala na tayong magagawa! Mas magiging maganda pag aaral mo dun, tsaka wag mo nang isipin sa Asheen may marami ka pang makikilalang mga bagong kaibigan doon. Diba Ian?"

"My Future Ex"Where stories live. Discover now