~*~
Asheen's Pov.Habang tumatagal ay lumalakas na ang ulan, naamoy ko na ang pagka-alingawngaw ng paligid at ang mga daanan ay nababalot na ng mga putik. Ang malas malas ko talaga ngayon, maliligo na nga lang ako ng ulan. Tinitingala ko ang iba't ibang direksyon at patuloy pa rin sa paghahanap kahit na nababasa na ako.
"Tulooong!!" Nanindig balahibo ako nung may narinig akong Boses ng isang lalaki sa di kalayuan. Baka si Mr.Unknown na ata yun? Sana siya na nga yun. Sinundan ko ang boses pero habang napapalapit ako sa sumisigaw ay mas lalo pang dumilim sa parteng iyon, halos wala na nga akong makita.
"Psst." Sumitsit ako.
"Ahhhh!" Sigaw niya ulit.
"Psst." Ang dilim kasi ng paligid kaya hindi namin nakikita ang isa't isa.
"Wh..who are you?" Tanong niya habang nanginginig ang boses niya.
"Ahh I'm Asheen, remember?! Mr. Unknown Ikaw ba yan?"
"Can you just please help me?"
Aba, nagdabog pa siya ha!"Eh Na'san ka ba?"
"Sundan mo boses ko babae!"
"Ayaw!" Pagtatanggi ko.
"Huh? but why? I'm needing a help, babae"
"Pahard to get po ako, Sir." Haha. Nakaganti rin ako. Imagine, nung time na nagnakawan kami?
"I'm begging you, babae!"
"Hinding hindi talaga kita tutulongan hanggat hindi mo sinasabi name ko, lalaki."
"Help me,... Urgh! Help me, Asheen!"
"....." A moment of silence. Tinikom ko kasi ang bibig ko kasi may inaantay akong isang word.
"....Please?" Haha yan naman pala eh.
"Okay, sige, sige Oh nasan ka ba?" Still nag-uusap pa rin kami sa gitna ng dilim.
"Sundan mo boses ko asheen."
Sinundan ko boses niya habang siya'y parang nag ma-mic test upang sa ganun ay mabilis ko siyang malapitan pero ang nagulat ako sa kanyang ginawa.
"Kung wolooo ka ng, makapitan ..."
"Hoy loko, nasa gubat tayo, baka may makarinig na engkanto sa boses mo." Pabulong na wika ko. Akalain mo nga naman, Kumanta pa ang loko, Naku!
"...Kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitowon..." Imbis na tumigil ay nagpatuloy pa siya sa pagkanta.
"Gago kang lalaki ka. Tumahimik ka nga." Dahan dahan ko na siya nilalapitan. Nararamdaman ko yung mga nadadaanan ko na maputik na talaga. Kada tapak ko parang nilalamon ng lupa ang mga talampakan ko.
YOU ARE READING
"My Future Ex"
RomancePaano na kaya kung darating na ang panahon na yung taong mahal mo ay bibitaw na sa'yo? Pero ang masaklap magiging Ex mo nga siya in the future pa nga lang.