We stopped by to a grocery store in BGC to shop some goods, vegetables and meat. Aniya'y hindi pa siya nakapaggrocery ulit kaya naman sinamantala na namin ngayon.
"Nagpapasama ka ba kila Korina tuwing naggogrocery ka?" Tanong ko habang nakahilig ang mga braso ko sa cart, pinagmamasdan siya habang binabasa niya ang nutrition facts sa likod ng cereal na gusto niya.
"Oo, minsan. Pero madalas kong kasama si Rikki." aniya, nakatingin pa rin sa produkto.
Hmm, Rikki? Her bestfriend?
Umayos ako ng tayo. "I assume that you can drive?"
Doon ko nakuha ang atensyon niya. Napatingin siya sa akin habang nilagay niya naman ang cereal sa cart.
"U-Uh yes. Pero kapag kasama ko siya, pinagdadrive kami ng... uh... kaibigan nya."
Kaibigan? That boy?
Tumango ako, wala ng sinabi.
It's 3 P.M. when we arrived in our home. Sinalubong kami ni Cruzita at Korina para sa mga groceries na aking bitbit.
"What's Mama and Papa's favorite food, Gio?" Tanong ko habang sinusundan siyang sinusundan din ang aming housemaids.
Tumingin siya sa akin ng patalikod.
"H-Huh?"
"What are their favorites?"
"Uhm..." aniya nang marating namin ang counter ng kusina. "U-Uh... my mom loves pork Kare-Kare while dad loves Pinakbet, especially with bagoong." aniya habang tumutulong nang mag-arrange ng mga goods.
I sighed. She loves helping our housemaids. I am glad she became close to them.
"Alright. I'll cook that. You staying here?"
Natigilan siya sa tanong ko at napatingin sa akin.
"Tatapusin ko lang ito at saka na ako magpapalit."
Tumango ako.
"I'll go to the study first to check on some papers that I did not arrange earlier.""Okay, do your thing." aniya at bumalik sa ginagawa.
Pumunta naman na ako sa study para matignan ang iilang papeles. Nang matapos ako ay tinawagan ko naman ang maintenance para humingi ng update tungkol sa renovation ng opisina ni Gio.
"If you can finish it today, finish it. But please monitor every work. I don't want to disappoint my wife if something in the design is not followed." I said.
"Noted, Engineer."
Tumango ako at binaba ang tawag.
Niluwagan ko ang necktie ko para tuluyang tanggalin iyon. I unbuttoned two buttons of my dress shirt then I stood up.
Bumalik ako sa kusina at nakitang wala na roon si Gio. Tanging si Korina lang na naglilinis.
"Where's Gio?" Tanong ko.
"Nasa kwarto n'ya po, nagbibihis."
I clenched my jaw when I remember again that she's staying in a different room, and not in our room.
Tumango ako at pumanhik na sa kung saang kwarto siya pumasok. I knocked twice.
"Gio," I called, enough for her to hear.
"U-Uh yes? Come in."
Tumikhim ako bago malawak na binuksan ang pinto para makita ang kabuuan ng kanyang kwarto.
It has the same color blend as the master's bedroom but that's more comfortable and relaxing than this room. Maliit ang kama dito kumpara sa aming kama.
BINABASA MO ANG
The Girl I Married
Romance"The moment I knew I will be married to her, I really didn't care at all. I just accepted my parents' plans for the benefit of what it may gave us. For the business's sake. But the day came when she caught my attention, unintentionally. I started ch...