6th #TGIM

128 8 0
                                    

The next days, we became busy for the appointments we cancelled. Napag-usapan naming ihahatid ko siya at susunduin din sa kanyang opisina sa mga araw na iyon. She's okay with that. Tatawag siya kung may pupuntahan mang meetings. Kung may ginagawa akong importante at hindi ko maipagliban, ipagmamaneho siya ni George, isa sa mga bodyguard na ibinigay ko sa kanya. Ngunit sinabi kong driver niya lang dahil alam kong hindi niya magugustuhan iyon. She's very vocal about how she hates having a bodyguard.

Dumating ang biyernes. Tanghali at nagkita kami para makapaglunch ng sabay.

"Gusto ko sanang umuwi ng mas maaga. Maghahanda pa tayo para sa pagdating ng mga kaibigan mo, Colin." Si Gio.

"I don't have any appointments after this, how about you?"

Ngumuso siya.
"Mayroon pa akong isang meeting."

Ngumisi ako.
"I can hang around your office and wait 'til you finish."

Napalitan ang pagnguso niya ng ngiti.
"Is it okay with you?"

"Of course."

Matapos naming kumain ay nagpasya rin agad siyang bumalik sa kanyang opisina. Pinasabay ko na siya sa aking kotse at binigay kay George ang susi ng kotse ni Gio.

"Who's in the meeting?" Tanong ko.

"Uhm, a local actor, actually. Humingi siya ng appointment for his condo unit."

Natahimik ako ng ilang saglit.

"His," I uttered after.

"Uh, yeah."

"Okay. It's good I decided to come with you." Binulong ko ang huling pangungusap.

But, what? Why did I say that?

Madali lang din naman ang byahe. Binigay ko kay George ang susi ko at saka na kami dumiretso ni Gio sa loob.

Panay muli ang bati sa amin ng mga empleyado na tinatanguan at binabati ko rin pabalik.

Pagkarating sa tamang palapag ay sinalubong siya ng kanyang sekretarya.

"Ma'am, the client has already arrived. Nagpapark palang sa baba. Good day, Engineer." Bati naman niya sa akin.

Tumango ako. Tumango rin si Gio. "Sa opisina ko mo na siya ipadiretso."

"How about the conference room, Ma'am?"

"It's open for other meetings." Sagot niya.

"Noted, ma'am. What do you like, Engineer?"

"Black coffee will do."

Tumango siya.
"Excuse me." And she dismissed herself.

Dumiretso na kami sa opisina ni Gio. Pumunta siya sa kanyang mesa at ako nama'y naupo sa isa sa mga sofa dito.

"You usually do your meetings in the conference room?" Tanong ko nang napansin ko sa paraan ng pagtanong ng kaniyang sekretarya kanina.

Kinukuha nya ang iilang folder kaya nama'y tumayo ako para salubungin siya at ako na ang nagbitbit ng mga folders.

"Oo. Well, meetings should be hosted in conference room pero kahit kasi short meetings, doon pa rin. I'm not comfortable na dito sa opisina ko magmeeting." aniya.

Tumango ako. Nilapag ko ang mga folders sa coffee table.

"Then are you okay here? Now that you change your meeting place? Are you comfortable?"

"W-Well, you're here that's why I changed my meeting place. I'm comfortable." She chuckled.

I smiled. "Then it's good I came here."

The Girl I MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon