Chapter 15

3.6K 114 0
                                    

Sophie's POV:

Tsk.. porket nakasagot lang sya ng mahaba eh!

Kung makapalakpak sila, akala mo nanalo! Tsk lang talaga!

Hay nako! Bayaan mo na nga yun! Ano bang gagawin mo dito sa CR?

Tsk.. magdadrama lang naman ako dito eh. Balik nalang ako sa room. Wait, di ba ko haggard?

Okay lang naman ako eh. Maganda pa rin naman eh😉

Haisttt.. ano na? Balik na ko sa room.

Pagkalabas ko ng CR, may narinig akong mga putok ng baril. Hala?! San galing yon?

Alam kong delikado, pero, kailangan malaman ko kung ano yun!

Tsk.. saan ba?

A-Ayun! Dapat pala di na ako pumunta dito eh. Kung hindi ko gustong makita toh, edi sana di na ako pumunta. Tsk.

Kadiri lang talaga! Nakikita ko ngayon kung paano inii-slice ng killer ang ulo ng isang lalaki na parang pagkain lang ito. Yuck!

Pero, ang mas ikinadiri ko is kung paano nya ito lamunin! Zombie ba toh? Adik masyado sa blood!

Tsk.. ano na? Lalapit ba ako? O back out nalang? Balik nalang kaya ako sa room?

Unti palang na hakbang ang nagagawa ko nang tawagin ako nung killer.

"Hey, Ms. Yummy!" Tawag nya sa akin. Alam kong ako yung tinatawag nya kasi ako lang naman yung babaeng nandidito. Kami lang nandito.

Hindi ako lumingon.

"Are you deaf?" Tanong nyang muli.

"W-what do you want?" Tsk.. bakit mo pa tinanong? Alam mo namang sabik na sabik yang hinayupak na yan sa dugo eh! Pero, di ko kayang tanggapin na kukunin nya yung dugo ko nang ganon ganon lang. Hindi pwede!

"What do I want? Well, gusto ko yung lamang-loob mo, yung dugo and especially... your heart." Bigla akong napatingin sa kanya. Isang ngisi mula sa kanyang labi ang sumalubong sa akin.

"Y-you can't take it!" Akmang tatakbo na ako nang maramdaman ko ang pagtayo nya.

"I get what I want, Ms. And there's nothing you can do now." Naririnig ko ang footsteps nya papalapit sa akin kaya tumatayo lahat ng balahibo ko.

"S-stay away from me." Matapang kong sabi. Ayokong ipakita sa kanya ang kahinaan ko.

"Why? What would you do? Call a police? Call a friend? Teacher? Or... use your power?" Napalunok ako sa sinabi nya. Ano bang pwedeng gawin? Wala akong dalang phone ngayon. Tapos, wala pa akong power. I'm useless! Powerless!

"I-I'll fight you!" Nakafighting position na ako. Narinig ko ang mahina nyang tawa.

"You're nothing compared to a mutant like me!" Sabi nya sabay takbo papalapit sa akin. It's beginning.

Habang tumatakbo sya papalapit sa akin, nagiiba itsura nya. He's turning into a... lion na wolf?!

Literal akong napanganga. Half wolf half lion? Sya?! Nananaginip ata ako eh.

Tss.. enough with this non-sense! Kailangan kong lumaban! Kailangan kong ipakita sa kanya na I'm something compared to him!

Kakalmutin nya na sana yung kamay ko nang umiwas ako at sinipa ang sikmura nya. Dun ko lang naalala na nakaheels pa pala ako. Kaya ayun, bumaon yung takong sa sikmura nya. Yuck!

Dun ko lang narealize na patay na pala sya. Unti-unting bumabalik yung anyong-tao nya. Huh? Anong nangyayari?

Maya-maya, may nagsidatingang mga tao. Tss.. mga late! Kung kailan tapos na dun pa dadating! Tsk.

"What happened here?" Gulat na tanong ni Ma'am sa akin habang pabalik-balik ang tingin nya sa akin at sa lalaking butas na ang sikmura ngayon.

"Another incident? Friday again?' May mga pulis rin palang nagsidatingan.

Nagsilapitan mga kaibigan ko.

"Sophie, okay ka lang?" Tanong nila sa akin. Hindi ko sila sinagot. Tulala pa rin ako sa lalaking butas na ang sikmura. Nakakadiri! At, nakakatakot pa!

Nakakadiri? Kasi kitang kita ang butas.. kitang kita mga lamang-loob nya. Yuck lang talaga! Nakakatakot? Kasi, patay na sya.. pero, nakadilat pa rin ang mga mata nya. Diba? Nakakatakot?

"Sophie! Magsalita ka nga!" Pangungulit ni Mary at Joycie.

"Uhmm.. Ms. Sanchez, can we talk to you?" Napatingin ako sa police officer. Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

"Ano po bang nangyari dito, Ms. Sanchez?" Tanong ni Police Officer Roger. Kuya Roger nalang daw itawag ko sa kanya.

"Patayan po." Maikli kong sagot.

"Ano bang ginawa nyo? Pakikwento nalang po yung nangyari." Utos sa akin ni Pol--Kuya Roger habang naglalabas ng notebook. Isusulat nya siguro.

"Pumunta kasi akong CR. Pagkalabas ko, may narinig akong mga putok ng baril. Kaya sinundan ko yung tunog hanggang sa mapadpad ako dito. Nakita ko yung lalaking yan na inii-slice yung ulo nung isang lalaki na para bang pagkain ito. Tapos, nilamon nya pa. Kaya nandiri ako, kaya naglakad ako palayo. Kaso, nakita nya ako. Tapos, gusto nya daw ng dugo ko.. tapos sabi ko bawal. Eh sya nagpumilit, kaya hinabol nya ako. Kakalmutin nya sana yung kamay ko nang makaiwas ako tapos sinikmuraan ko sya. Eh di ko namalayan na nakaheels pala ako kaya bumaon sa sikmura nya." Pagkwekwento ko. Sabi kasi ikwento ko daw eh, kaya kinwento ko na ng buo. Baka mabitin eh😂

"Okay po. Kilala nyo po ba yung lalaking yon?" Tanong ni Kuya Roger sabay turo sa lalaking pugot ang ulo.

"Hindi po eh. Kahit po yang lalaking yan di ko rin kilala." Sabay turo ko sa lalaking butas ang sikmura.

"Ahh.." Patango-tango nyang sabi habang may sinusulat sya sa notebook na hawak nya.

"Uhmm.. may tanong pa po ba kayo?" Tanong ko kay Kuya.

"Kailan naganap?" Tanong nito.

"Kanina lang po.. siguro 8:30 po or maybe lower than that. Di ko po alam eh." Sagot ko. Sya naman, nagsulat lang ulit sa notebook.

Sinusulat nya ba yung bawat salitang sinasabi ko? Mapagtripan nga!

"Tapos, nung pumunta po akong CR, umihi ako. Tinanggal ko po yung..."

"Okay okay.. tapos.. wait. A-ano toh?!" Hahaha.. sinulat nya rin! Hahaha

"Sinusulat nyo po kasi yung bawat salita na binibitawan ko eh."

"Para lang makapag-investigate lang kami. Kailangan kasi namin ng full information, kahit na maliit na impormasyon lang ang maibigay sa amin, malaki na ang tulong nito. Kaya, thank you." Nakangiti nyang sabi saka umalis. Kaya pala..

Investigating.. gusto kong matuto non! Diba sa Criminology rin yun? Makikinig na nga ako!

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now