Chapter 41

2.2K 58 2
                                    

Sophie's POV:

"Oh.. well, hi.. Marisa." Nakangiti kong bati sa kanya.

"I'm your 'tita' for your information. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mong gumalang?" Aniya at nag-quote sign sa word na tita.

"Tinuruan. Pero, hindi ka kasi kagalang-galang." Sambit ko at ngumiti ng mapangasar.

"Oh, you're making me angry." Nanliliit ang kanyang mga mata.

"Good. Because I'm just getting started." Mapanghamon kong sabi sa kanya.

"Well, fine. If you want to fight, then I'll give it to you." Sinugod nya na ako. Syempre, di ako nagpatalo.

Nagtagpo kami at nilabas namin ang aming sandata. Nagsimula na kaming maglaban.

Nahaharang ko yung espada nya gamit ang pamaypay ko. Kaso, nasugatan nya ko sa balikat. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Ugh!" Sigaw ko na syang ikinatawa nya.

"Yan ang dapat sa mga taong gusto kaming kalabanin." Tawa nya.

Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa sakit. Pero sinubukan ko pang tumayo.. and I did it. Nagulat sya at nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita nya kong tumayo.

"Shocked?" Nakangisi kong tanong. Kahit na masakit pa rin ang balikat ko, kinaya ko pa ring makipaglaban sa kanya. Mas naging mabilis ang mga galaw namin. Isang kamay lang ang gamit ko dahil hindi ko masyadong magalaw yung isa.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pa namamatay, hayop ka!" Sigaw nya sa gitna ng paglalaban namin.

"A-At h-hindi r-rin ako b-bibigay n-ng b-basta-basta." Hinang-hina ako habang sinasabi yun.

"Well, tingnan natin." Kumibit-balikat sya at binitawan ang espada. Napakunot ang noo ko sa ginawa nya. Is she surrending? Gusto ko sanang isipin yun pero imposible. Imposibleng sumuko sya.. pero, kung hindi sya susuko, anong ginagawa nya? "Confused?" Mapangasar nyang tanong.

Hindi nalang ako sumagot. Tiningnan ko syang mabuti. Gumagawa sya ng malaking bilog.. palaki ito nang palaki. At dun ko lang narealized yung ibig nyang gawin.

She's doing negative! Gumagamit sya ng kapangyarihan! Ha! Tingin nya hindi ko kayang gamitin kapangyarihan ko? Dun sya nagkakamali!

Binato nya sa akin yung bola.. buti nalang at nakailag ako.. kaso, biglang sumakit ulit yung balikat ko. I need to cure this!

Tumakbo ako papunta sa puno, sa likod ng puno ako sumandal. Hingal na hingal ako. Ginamit ko na yung earth power ko at pinagaling yung balikat ko. Maya-maya, unti unti kong ginalaw yung balikat ko. Magaling na!

"Princess Sophie, come out come out whereever you are!" Sigaw nya. Luh? Ginagawa nya ba kong bata? Tss.

Sa boses nya, malapit na sya sa pwesto ko.

I faced her ng buong tapang. Nagulat sya sa biglaan kong appearance.. pero, agad ring ngumiti.

"Akala ko patay ka na. Sayang, dapat tinuluyan ka na. Haha!" Mapanuya nyang sambit sa akin.

Hindi ako nagsalita.

"Naging pipi ka na ba simula nung natamaan ko yang balikat mo?" Taas-kilay nyang tanong. Hindi ko sinagot yung tanong nya at binitawan ang pamaypay ko. Napakunot ang noo nya.. ha! Buti nga sayo.. you're confused.

"Shocked? Confused?" Mapanuya kong tanong dahilan para magalit sya.

"Wag mo kong subukan!" Sigaw nya.

"Actually, I already did." Sambit ko at gumawa ng isang tornado. Malaki ang tornado na ito.. itinama ko ito sa kanya.. at nilipad sya.

Tumama yung ulo nya sa puno kaya napahawak sya.

"Cursed you!" Sigaw nya.. infairness, naririnig ko pa yung nanghihina nyang boses ah. Sabagay, naglilinis kasi ako ng tenga.

Napangisi ako.. pero, mas lalong lumaki ang ngisi ko ng nakita syang tumayo at lumalakad papalapit sa akin. Aba! Lumalaban ah!

Gumawa ulit sya ng bola.. narealized ko na ice pala ang power nya. Itinama nya ulit sa akin yung bola. Buti nalang at tinamaan ko yun ng apoy. Natuyo bigla yung ice at naging tubig.

"Boom!" Proud kong sambit.

"Tss.. don't worry. I have few more tricks." Aniya. Naalala ko tuloy yung Theo. Ganyan rin yung sinabi nya sa akin noon!

"Let's see." Mapanghamon kong sambit.

Gumawa ulit sya ng bola, pero this time, malaki na. Binato nya sa akin yun, nakailag ako, kaso, biglang may tumama sa likod ko. Napadapa ako, ang lamig ng likod ko.. ugh! Nahihirapan akong huminga!

"Nahihirapang huminga? Buti nga! Nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo, kaya nyang balutin ang lungs or heart mo." Natatawa nyang sambit sa akin.

Ugh! A-Ang h-hirap huminga! Unti-unti akong tumayo kaso na-out of balance ako. Ubo ako nang ubo. H-Hindi ako masyadong makahinga.

"Sophie!" May sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako sa tumawag, at sya yun.

Lumapit sya sa amin and then he faced Marisa.

"Sino ka naman? Isa sa mga close friend ng loser na yan?" Mapanuyang tanong ni Marisa.

"You know, you speak like a normal student. But sad to say, you're not normal. Abnoy!" Mapangasar nyang sambit.

"Tss, whatever." Sabi nya. "Pag hindi ka umalis dyan, I'll kill you!" She cursed.

"Do it!" Mapanghamon na sambit nya.

"W-Wag T-Trey! D-Don't do this." Sigaw ko sa kanya kahit na nahihirapan na talaga akong huminga.

"I'm sorry, Sophie." Yan nalang yung huli kong narinig. Narinig ko nalang yung mga tunog ng espadang nagkakabangga.

Maya-maya, may tumalsik sa akin na dugo. May narinig rin akong sigaw.

S-Sigaw yun ni Trey!

Kahit na hindi ko na masyadong maimulat ang mga mata ko, at napapahiga na ako, sinubukan ko pa ring dumilat. Nagulat ako nang makita ko si Trey na nakahandusay!

"Trey!" Paiyak kong sigaw.

"Tss, ang hina pala. Wala tuloy thrill." Bored na sambit ni Marisa.

"Hayop ka! Wala kang puso! SO MERCILESS!" Iyak pa rin ako nang iyak.

"Buti alam mo." Patawa-tawa nyang sambit.

Naiiyak ako, pero sa loob-looban ko, may namumuong galit. Nakakainis!

"Hindi mo alam kung sinong binabangga mo!" Dire-diretso kong sambit.

"Oh really?" Mapangasar nyang tanong.

Unti-unti akong tumayo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi nanaman ako makahinga. Alam ko.. alam ko na ilang segundo nalang ang buhay ko. Kaya kailangan ko nang gumalaw!

Matalim ko syang tinignan. Hindi ko na kaya! Arghhh!!!

Dahil sa sobrang galit ko, nakagawa ako ng malaking bolang apoy. Na-out of balance ulit ako kaya naitapon ko ang apoy. Biglang sumigaw si Marisa kaya doon ko napagtanto na natamaan ko sya.

"Ugh! Nasusunog ang puso ko! Ugh!" She cried.

Yun nalang ang narinig ko, at tuluyan na kong nawalan ng malay.

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now