Chapter 7

4.6K 145 3
                                    

Sophie's POV:

Haisttt.. nakakapagod naman! Kakagaling lang namin ng lunch, diretso kaagad sa field.

Yun daw kasi yung nasa class schedule namin. After ng lunch, punta sa field.. para makapaglaro ng tennis, soccer, basketball etc.

Tapos, ang panghuling subject namin is Action. Hindi siya Theater Arts. Ang ituturo sayo dun is, kung paano maghawak ng baril, paano bumaril, paano---hay nako! Basta puro tungkol sa patayan!

Sa ngayon, nakaupo ako sa bench sa field. Ang sarap ng simoy ng hangin.. ang hangin. Malamig.

Lumabas nalang kasi ako ng train, kasi yung mga magagaling kong kaibigan at si Ma'am, iniwan ako. Ewan ko kung saang lupalop ng Demon University sila pumunta.

Maya-maya, may nakita akong anino sa peripheral vision ko. Sino naman kaya toh?

Unti-unting lumalapit ang anino sa kinauupuan ko habang palakas naman ng palakas ang hangin. Shete! Natatakot na talaga ako!

Dahan-dahan kong nilingon ang likod ko.. wala namang tao. May multo kaya dito? O baka namamalikmata lang rin ako.

Naisipan ko na bumalik nalang sa train. That shadow gives me creeps.

Pagkatayo ko, may nakita akong black na sobre. Kanina, wala namang kabasu-basura dito ah. Saan naman kaya nanggaling toh?

Kinuha ko ito.. nabitawan ko ang sobre dahil sa gulat nang makita kung anong nakalagay dun.

Sino toh? At bakit?

****

Joycie's POV:

Hi!!! Joycie here... nasa train kami ngayon. Nagchichikahan lang with Ma'am.

"Nakita nyo ba si Sophie?" Tanong ni Ma'am. Oo nga.. nasan na kaya siya. Kanina pa siya wala eh.

"Nako.. baka naglaboy lang yun Ma'am." Nakangising sagot ni Shawn.

"Laboy?! Eh di niya pa nga kabisado ang mga direksyon dito eh! Kailangan natin siyang hanapin!" Pagpapanic ni Ma'am at agad na tumayo. Mabilis siyang maglakad.

Oo nga noh? Bakit naman maglalaboy si babaita eh di niya naman alam ang mga direksyon dito sa university. Ano kayang pumasok sa isipan ni Shawn at yon pa ang naisip na isagot?

Naghiwalay kami. Kaming tatlong girls ang nasa labas habang yung tatlong boys, nasa loob ng school.

Kinakabahan ako. Sana walang mangyaring masama kay bes. Pag meron, papatayin ko yung gumawa non. Kahit na maliit na sugat lang yon o galos!

Hindi ko alam pero, kusang gumalaw ang paa ko at dinala ako sa field.

Wow! Ang hangin naman! Natutuyo na tuloy mga pawis ko! Hahahaha.

Natigilan ako nang may nakita akong babaeng nakahandusay sa sahig. Agad kong tinawag sila Ma'am.

"Sophie?!" Sigaw ni Joshua.

"Kailan natin siyang dalhin sa Demo-Nic (Demon+Clinic) Para masigurado natin kung okay lang siya!" Agad na binuhat ni Joshua si Sophie.

Nagpahuli kami nila Ma'am.

"Ma'am! Ano po ito?" Tanong namin kay Ma'am. Inabot namin sa kanya ang sobreng itim na nakita lang namin kanina.

Halatang nagulat si Ma'am. Parang natataranta siya.. ano bang meron sa sobreng yan?

"Saan nyo toh nakita?" Tanong ni Ma'am. Kitang kita sa mga mata niya ang pagkataranta.

"Nakita ko po yan sa tabi ni Sophie bago siya binuhat ni Joshua." Pagpapaliwanag ko.

"Ano po bang meron dyan, Ma'am?" Tanong ni Mary. Siguro, nahalata niya rin yung pagkataranta ni Ma'am.

"Don't ever open this! Itapon nyo na toh!" Inabot ni Ma'am sa amin yung sobre. Agad niyang tinuro ang basurahan na nasa tabi lang ng pintuan.

Agad namin itong tinapon. Bumalik kami sa upuan namin at agad na tumingin kay Ma'am.

"Ma'am, ano po ba kasing meron don?" Inis kong tanong kay Ma'am. Di ko na kasi siya maintindihan dahil sa mga galaw nya na pinapakita sa amin.

"Black Envelope. Nasa kapahamakan siya ngayon." Tulalang sabi ni Ma'am.

This time, mas lalong kumunot ang noo ko. Di ko siya maintindihan. Ano bang meron sa sobreng yon? Tsaka, sino yung tinutukoy niya?

"Still don't get it?" Tanong ni Ma'am sa amin. "Kailangan hindi nya ito marinig. Tara. Labas muna tayo." Tumayo na si Ma'am at lumabas na ng kwarto.

Nagtinginan muna kaming 5 bago sumunod kay Ma'am.

Nakita naming nakaupo si Ma'am sa bench na nasa labas ng Demo-Nic.

"Now, please tell us. What's with the black envelope? Tsaka, sino po yung tinutukoy niyo?" Dire-diretsong tanong ni Trey.

"Black Envelope. Simbolo ng kamatayan ng 'Black Dragons'. Nakabantay lang sila kay Sophie. Malamang, pag pinabayaan natin si Sophie, magkaroon sila ng pagkakataon na patayin siya." Explain ni Ma'am.

"Bakit si Sophie? May iba pa naman dyan ah. Tsaka, kakalipat lang namin dito kahapon ah. Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Joshua.

Pansin ko lang.. parang kanina pa siya nag-aalala kay Sophie. Something's fishy.

"Kailangan lagi natin siyang bantayan." Yun ang huling katagang na lumabas sa bibig ni Ma'am bago tumayo at naglakad palayo.

Simbolo ng kamatayan? Black Envelope?

Bakit si Sophie pa? Bakit isang inosenteng tao pa ang dinamay nila? Bakit nila gagawin toh kay Sophie? Mabait naman si Sophie, kaya bakit?

Shit! Ang daming bakit ang lumalabas sa utak ko. I want to ask them those questions. But, asking them right now is not the right time. I think I'll wait for the answers.

****

Sophie's POV:

"Mom! Wag po! Ako nalang! Wag siya! Please po... nagmamakaawa ako!" Pagmamakaawa ko sa mga hindi ko kilalang tao.

"Don't worry. Ikaw naman ang isusunod namin eh. Kaya wag ka nang maingay." Mahinahong sabi nung tarantadong lalaki na yun. Wala ba siyang awa? Merciless nga naman!

"Anak, bago ako mawalan ng hininga, remember this ah." Nakangiting sabi ni Ma'am. "Always smile even if it's not worth smiling for. Don't show them your true emotions."

Biglang nakita ko yung lalaki na may nilabas na espada at tinutok ito sa leeg ni Mommy.

"I'll always love you. Don't ever forget that!" Sigaw niya bago dumilim ang aking paningin.

Weird.

Anong meron don at yun pa ang napanaginipan ko?

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko ang puting kisame at mga pader. Nasan ako?

Naagaw ang atensyon ko nang makita sila. Napangiti ako.. I knew it! They'll never leave my side.

"Morning!" Pabirong sabi ni Trey.

"Where am I?" Agad kong tanong habang nililibot ang aking tingin.

"Sa clinic ng school which is 'Demo-Nic'." Pagsagot ni Shawn sa tanong ko habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Bakit? May nangyari ba sa akin?" Ang naalala ko lang ay biglang may pumukpok ng matigas na bagay sa likod ko kaya napahiga ako sa grass.

"Meron. Pero, don't worry. Okay ka lang naman daw sabi ni Nurse Fe." Nakangiting sabi ni Joshua.

Napatango nalang ako at nginitian rin siya. I'm so lucky to have him... to have THEM.

Maya-maya, bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Mom.

Always smile even if it's not worth smiling for. Don't show them your true emotions.

Napangiti ako. I hope I can do it...

I love you too, Mom.

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now