Chapter 34

2.7K 71 0
                                    

Sophie's POV:

Habang nakatingin ako kay Sir Zack, para akong nakatingin kay Jake.

Pareho silang matangkad, maputi, maamo ang mukha.. sa mata at bibig, parehong-pareho sila. It's like I'm looking at Jake's twin.

"Okay, students. Please, listen to HM." Utos ni Ma'am Rizza. Malakas ang boses nya.. ganyan ata kalakas ang boses nya kapag nagsasaway sya eh.

"Uhmm.. thanks, Riz." Pagpapasalamat ni Mama. Umayos ng tayo si Mama at nagspeech.. it's about the Activity Month at sa war na magaganap between Powerfliers and Dark Clouds.

Meron pa ngang rules na kailangang sundin eh. First, pag may war na, we can use powers and weapons.. pero while we're doing the Activity Month, we're just going to use weapons.

Pagkatapos ng speech ni Mama, pinakilala ni Mama ang mga magulang ko. Nagulat ang mga estudyante nang nakita sila.

"Wow! Ang ganda pala ni Princess Chloe!" -Classmate 1

"Oo nga! Kamukhang-kamukha ni Sophie!" -Classmate 2

"Ang gwapo ni Sir Cooper! Myghaddd!" -Classmate 3

Yan yung narinig ko sa mga kaklase kong nasa gilid ko.

"And... meet my granddaughter.. Sophie." Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako kay Mama na ngayo'y nakatingin sa akin. Actually, lahat na sila ay nakatingin sa akin. "Sophie, please come here." Pagtawag muli ni Mama sa akin.

Medyo nailang ako dahil lahat ng atensyon nila ay nasa akin na. May pagka-shy type pa naman ako!

Lumapit na ako kela Mama at nakipagbeso beso kay Mama. Biglang lumapit si Mama sa tenga ko at bumulong, "Hug your parents."

Nagdalawang isip pa ako kung iha-hug ko nga sila.. pero naunahan na nila ako. Sabay nila akong niyakap.. agad naman akong yumakap pabalik. Ganto pala yung feeling na mayakap ang magulang mo.. ang saya.. nakakarelax.

"So today, we're a whole family again!" Tuwang-tuwang sabi ni Mama at inakbayan ako.

Naghiyawan at palakpakan ang mga estudyante.

"Okay.. you may now go to your respective trainers." Nakangiting sabi ni Mama bago binigay ang microphone kela Ma'am.

"Sophie, anak." Napatingin ako kay Prin---Mom na tumawag.

"Po?" Tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

"Please call us Mom and Dad." Nagulat ako sa pagpi-please ni Mom. Pero, agad naman akong tumango.

"Opo.. M-Mom." Hindi ako sanay. Parang ganto rin yung nangyari sa akin nung time na nalaman kong lola ko pala si HM.

Napangiti sya nang narinig ang salitang 'Mom' mula sa akin.

"Uh, Sophie, call your friends. Kami ang magtuturo sa inyo." Sabi ni Mama kaya bumaling sa kanya ang aking tingin.

"Kayo po?" Di makapaniwalang tanong ko.

Natawa si Mama. "Yes.. me, Chloe, Cooper, Gina, Zack, Rizza, Jelly, Dave and Kean." Nakangiting sagot ni Mama. Napatango nalang ako at nagpaalam na tatawagin na ang mga kaibigan ko.. and syempre, kasama na yung Black Dragons.

Pagkalapit ko sa kanila, napatingin sila sa akin at nagsitaasan ang kanilang kanang mga kilay. Wow! Sabay sabay pa sila ah...

"Tara na daw. Sila Mama ang magtuturo sa atin." Anyaya ko na syang ikinakunot-noo nila. "Sila ang magtuturo sa ating 10 so let's go." Pagulit ko at sinubukang hilahin sila Joycie at Mary. Good thing at nahila ko na sila.

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now