Chapter 16

3.7K 116 10
                                    

Sophie's POV:

Bigla akong nilapitan nila Mary.

Si Mary, napahawak sa leeg ko. Si Joycie, chinecheck yung reflexes ko. Si Ma'am, may dalang stethoscope at chinecheck yung paghinga ko. Luh? OA lang?

"Guys, I'm fine. Kaya there's nothing to worry about." Pagpapahinahon ko sa kanila.

"Fine? Eh may galos nga yang right arm mo eh!" Inis na sabi ni Mary sabay turo sa braso ko.

OMO! May galos nga! Bakit hindi ako nakaramdam ng sakit? Bakit parang walang hapdi?

"Tsk.. we need to bring you to the Demo-Nic." Sabi ni Ma'am. Tumango nalang ako.. wala akong magagawa eh. Tatlo sila, isa lang ako. San pa ko?

Inalalayan nila ako sa pagtayo saka ako dinala sa Demo-Nic.

"Nurse Fe, pacheck po si Sophie. Make sure she's fine!" Utos ni Ma'am. Kaya, agad agad na chineck ako ni Nurse Fe.

"Oh my.. t-this is d-dangerous." Kabadong sabi ni Nurse Fe pagkatapos i-examine yung braso kong may galos.

"W-what do you mean?" Kitang kita ko sa mga mata ni Mary na nag-aalala sya sa akin. Actually, nakikita ko sa mata nilang tatlo.. akala ko wala nang taong may pakialam sa akin. Meron pa pala ^___^

"This is a scratch from a mutant. Kapag nasugatan ka ng mutant, posibleng malason ka or maging mutant ka rin. The nails of a mutant is full of poison." Explain ni Nurse Fe dahilan para kabahan kami lalo.

"May magagawa pa ba kami?" Tanong ni Joycie.

"There is one thing."

"W-what is it?" Kinakabahan kong tanong.

"The dragon's blood. It has a powerful blood that can treat any kind of pain." This time, si Ma'am na ang sumagot.

"And, it's dangerous." Dagdag pa ni Nurse Fe.

Lahat sila napatingin sa akin. Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga tingin nila..

"I don't care if it's dangerous. I need to get that blood." Matapang kong sabi.

"It's not that easy, Sophie." Napatingin naman kaming lahat sa pintuan kung saan nakatayo na pala si HM doon. "There are guards, the dragons. They will do anything to protect their mother's blood."

Mother... naalala ko tuloy si Mommy.

Nakaramdam tuloy ako ng awa. Tsk.. bakit kasi yung dugo lang ng dragon ang choice eh?! Wala na bang iba?!

"What now?" Tsk.. pati tuloy sila Mary, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.

"Wala akong paki! I need that blood.. and, I NEED IT RIGHT NOW!" Madiin kong sabi. Lahat sila napaatras.. natakot siguro sa inasal ko?

"If you're going, then we'll go too." Pagpepresinta ng dalawa.

"I'll go. Para may nakakatanda rin kayong kasama. Ayoko rin kasing mapahamak kayo." Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am. My second mom. :)

"Sasama rin ba sila babe?" Tanong ni Mary. At, alam ko kung sino tinutukoy nya.

"If it's okay with them." Nakangiti kong sabi.

"Of course it's okay with us." Lahat kami napatingin sa kanilang tatlo na nakatayo na sa pinto. "For our friend--err. Best friend rather." Natawa naman kami sa inasal ni Trey. Kahit kailan, joker sya!

"Thanks guys. I owe you big." Sabi ko habang binibigyan sila ng malaking ngiti.

"Syempre. Ikaw pa ba? Eh malakas ka sa amin eh." Sabi ni Joshua sabay gulo ng buhok ko. Para sa akin, kuya ang turing ko sa kanya.

Napatingin naman kami kay Shawn na hanggang ngayon di pa rin nagsasalita.

"Luh? Problema mo bro?" Nakakunot-noong tanong ni Joshua at Trey sa kanya.

"Uhmm.. s-sige. P-punta na ako sa train para makapagready na ako." Nauutal kong sabi. Pucha! Bakit nauutal ako?!

"Wait. Sophie, can we talk?" Napatigil lang ako sa paglalakad at tumango nang hindi humaharap sa kanya.

Lumabas na ako at hinintay ko sya.

"S-Sophie.. I-I think I c-can't do it." Nauutal nyang sabi.

"Tingin mo ba ako rin? Tingin mo ba kinaya ko rin yung sitwasyon natin? Halos di na nga ako makatulog dahil sa sinabi mo. Dahil nahirapan ako. Shawn, nahirapan ako." Pakiramdam ko, iiyak na ako habang sinasabi yun.

"I-I'm sorry, Sophie." Sabi nya saka nya ko niyakap.

"I-It's okay. Basta, magpansinan nalang ulit tayo ah?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang sya. "Kasi, isang araw na di mo ko pinapansin, isang araw akong walang buhay." Nakapout kong sabi.

"H-Huh? A-Anong pinagsasasabi mo? Pakidiretso nga." Sus! Akala mo di ka halata? Alam kong alam mo kung anong ibig sabihin ko!

"M-mahal na ata kita, Shawn." Nakangiti kong sabi. Ngayon lang akong nagtapat ng nararamdaman mismo sa mahal ko.

"Okay na sana eh.. kaso nga lang nakisingit si 'ata'." Malungkot nyang sabi. Ang sarap tuloy pisilin ng pisngi nya.. ang cute!

"Gusto mo ulitin ko?" Tanong ko. Tumango sya kaagad-agad. At syempre, natawa ako sa itsura nya. Hahaha..

"Please, Sophie." Pagmamakaawa nya sabay puppy eyes.

"Okay, Shawn. Shawn, I. Love. You." Nakangiti kong sabi. Bigla nya naman akong niyakap saka binuhat ako.

"I love you too, Sophie." Natigilan naman ako sa narinig ko. M-mahal nya ko?

"A-Ano? Tama ba yung narinig ko?" Tanong ko sa kanya.

"Yes." Maikli nyang sambit.

"What now?" Tanong ko. Baka kasi wala syang balak gawin eh.. tutal nagkaaminan na rin naman kami.

"I'll court you. Pero, wag ka nang magpaligaw pa sa iba. Akin ka lang. Remember that." Paalala nya saka ako hinalikan sa noo ko.

"Yes, Sir." Sabi ko sabay salute. Pareho kaming natawa.

"Ipapaalam ba natin sa kanila?" Tanong nya.

"Hmm.. maybe mas maganda kung tayo muna ang nakakaalam. Pag sinagot na kita, dun nalang natin sabihin." Suggest ko.

"Sige. Sabi mo eh." Aytt.. bait naman. ^___^

"Tara? Magpapalit na ako eh." Aya ko. Muntikan ko nang makalimutan na may pupuntuhan pa nga pala kami.

"Sige, hatid kita." Sabi nya. Inalalayan nya pa ako. Tsk.. wala akong sakit. Nakakailang tuloy!

"Hintayin kita ah." Sabi nya sabay upo sa grass.

"Sige. Hintayin mo ko ah!" Nakangiti kong sabi.

Nagmadali akong pumunta sa room namin saka naghanap ng pang hiking na damit.

Ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal rin pala sayong tao. Hindi yung simpleng mahal lang, yung mahal na mahal ka nya. Forever...

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now