Chapter 44

2.6K 69 11
                                    

A/N: Back to school na mga bes! Malas nga naman, hahaha ^_^ Mga bes! Thank you for reading my story ah? Last chapter ko na toh. Epilogue na yung next mga bes! Natapos na rin yung story ko! Thanks for voting and reading my story. Lovelots :-*

♡♡♧♧♧♡♡♡♡♡♧♧♧♡♡

Sophie's POV:

Pagkagising na pagkagising ko, wala akong makita. Oo nga pala, sinara ko yung ilaw kagabi. Hay, tanga-tanga ko talaga.

Napatingin ako sa katapat kong kama, walang natutulog doon. Nasaan kaya si Shawn? Di kaya hinihintay nya kong magising sa labas? Macheck nga! Para sure.

Dali-dali akong tumayo at bi-nun nalang yung buhok ko. Dire-diretso akong lumabas at walang tao. Para bang deserted yung train namin.

Kinuha ko yung jacket kong mahaba na lagpas tuhod. Naka-shorts at sando lang kasi ako eh. Lumabas na ako. Bakit parang pati yung school deserted? Wala kasi akong nakikitang mga estudyanteng naglalakad eh. Maglaboy nga muna.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa mapunta na ko sa hallway. Maya't-maya may biglang nagsalita.

"Princess Sophie, punta ka sa gym. Queen's orders." Kilala ko yung boses na yan ah! Si Joycie ba yun? Aba't feel na feel nya yung speaker ah! HAHAHA.

Pupunta na ko sa gym. Nakakaboring kasi maglaboy, parang ako lang yung tao dito. Parang horror movie. Yung biglang magbubukas sara yung ilaw tapos may lilitaw na multo. Tsaka, nagmumukha akong tanga eh. Kaya, pupunta nalang ako.

Naglakad ako nang mabilis hanggang sa maabot ko yung gym. Hahakbang pa sana ako papasok kaso biglang may nagtakip sa akin ng panyo sa mata ko. Kidnapper ba toh?

Biglang may humawak ng kamay ko tapos dahan dahan akong hinila. I think papasok na kami sa gym. Bakit kaya nakapiring ako?

Napagtanto kong nasa loob na ako ng gym nang may marinig akong music. Pero, bakit birthday song? Sinong may birt---

OMG! Birthday ko nga pala ngayon! Bakit nakalimutan ko pa! Tsk tsk, ulyanin na ata ako. Grabe ah? Naghanda talaga sila para sa birthday ko? O baka naman music lang ang inihanda nila? -_-

Gusto ko nang tanggalin yung piring ko kaso biglang may nagpigil.

"Don't take it off, bae. Not now." Sexy nyang bulong sa akin. Automatic akong napangiti. Bakit ba ang lakas ng epekto ng isang Shawn Denver Xavier? Bigyan nyo nga ako ng sagot! Maliban lang dahil mahal ko sya, HAHAHA.

Okay, parang nabobored na ko kasi ilang minuto na akong nakapiring baka nga umabot na ng isang oras eh! Bigla nalang akong hinila ni Shawn at pinaupo. Dahan-dahan akong umupo. Sana naman tanggalin na tong piring sa mata ko! Gusto ko nang makita yung mga nangyayari sa paligid ko!

Maya't-maya, may naramdaman akong nagtatanggal ng piring sa mata ko. Agad akong nakaramdam ng excitement. I can't wait to see what's going on!

Pagkatanggal ng piring sa mata ko, agad ko silang nakita sa harap ko. Maski ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko ay kasama doon.

Nagsimula na silang kumanta.

"Happy birthday to you,
Happy birthday to you,
Happy birthday, happy birthday...
Happy birthday, Sophie!" Nagpalakpakan sila.

"Thank you, guys ah!" Mangiyak-ngiyak kong sambit. Grabe na tong ginawa nila. Hay, parang ito yung pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.

"Look at your left, anak!" Sambit ni Mom. Napatingin tuloy ako sa kaliwa ko.

Wow! Ang dami namang regalo. Grabe ah? Effort na effort sila ah. Ang sisipag pala nila? Lalo na si Joycie! Akala ko yung pagtawag nya lang sa akin yung gagawin nya, tumulong rin pala sya! ^_^

Demon University (COMPLETED)Where stories live. Discover now