"... Isang buwan mo nang napapanaginipan?" tanong ni Lance"Oo nga. Paulit-ulit tayo?" sarkastikong sagot ko
Nasa living room kami ngayon at ikinuwento ko sa kanya iyong panaginip ko.
"hmmm... sa tingin ko..." sambit niya with 'kunwari nag-iisip nang mataimtim' expression.
"Ano? Ano?!" tanong ko
"... sa tingin ko. Masiyado ka lang nanunuod ng movies about angels at tsaka masyado ka nang nahuhumaling kay Castiel! Hmp! May Dean ka na tapos may Castiel ka pa. Paano naman ako?" Nagdabog sabay pout pa 'yan.
"Hays. Para kang bata." iritang sambit ko
Parang aning talaga 'tong isip-bata na 'to.
"Masyadong nakakabahala naman kasi. Isang buwan ko nang napapanaginipan. Paulit-ulit. Tapos iyon pang lalaki kanina sa simbahan... Ang weird kung anu-ano ang sinasabi ukol sa mga anghel na kesyo naniniwala raw ba akong..." bigla akong huminto sa pagsasalita. Ang awkward kasi kung sasabihin ko pa.
"Naniniwala kang ano?" tanong ni Lance
"Wala."
"Ano nga?"
"Wala nga."
"Tss. Ano nga sabi? Sabihin mo na huy!
"Wala nga sabi. Ang kulit."
"Ano nga? Ano nga?" Paulit-ulit niyang tanong habang hawak ang dalawa kong balikat at inaalog-alog ako.
"Hays. Oo na. Oo na. Ang kulit mo."
Dahil sa kakulitan nitong si Lance ay napilitan akong ikwento sa kaniya iyong mga nangyari kanina sa simbahan.
"...hi-hinawakan ka niya?" Tanong niya
"Oo nga. Ang weird ng mga tanong niya no-"
"-Saan ka niya hinawakan?!" Seryoso at medyo aligagang tanong ni Lance.
"Di-dito sa braso ko. Bakit?" Nagulat ako noong itinaas ko ang braso ko nakita kong parang may kung anong marka rito. Pulang marka.
"A-anong nangyari dito?" Pagtataka ko.
Tinignan lang ako ni Lance na animo'y may takot sa kaniyang mga mata. Nakita ko iyon. Nakita kong para siyang nag-aalala.
Umalis siya sa kinatatayuan niya at agad-agad na sinarado ang mga bintana at siniguradong naka-lock ang mga pinto.
Ako naman parang tangang mangiyak- ngiyak. Hindi ko kasi maintindihan ang mga nangyayari.
YOU ARE READING
Te amo, mi ángel
FantasyA story about angels, a love story of a human and an angel. Tagalog 'to beshy. 'Di ka mano-nosebleed. Pinasosyal lang 'yong title haha