Luna POV
Nagising akong ganoon na naman ang panaginip. Nakakabaliw. Nakakastress. Paulit-ulit nalang kasi. Isang tanong lang ang laging naiisip ko matapos kong muling mapanaginipan ito. "Ano?" Ano ang nais ipahayag nitong panaginip... kung mayroon man.
"Luna, anak. Ulam sa ref. Baon mo nasa ibabaw ng ref. Kikitain ko lang bagong trabahador natin para may makatulong sa farm. Labyu, anak."
Sulat ni mama, kaya pala walang bumubunganga sa'king gumising na. Umalis pala si mudrakels nang maaga.
"Good morning, Luns. Ingat sa pagpasok sa school. H'wag na h'wag ka nang makipagusap sa hindi mo kilala huh. Have a nice day ❤" -Lance
Aba'y bago 'to ah. Ni minsan 'di nagtext si Lance sa'kin. Gusto niya laging personal, kung mayroon man siyang sasabihin. Kahit 'Good morning' pa 'yan. Aba'y ewan ko kung bakit siya ganiyan.
"Perstaym 'to ah. Anong meron?" Reply ko.
" haha 'di ako makakapunta diyan nang 2 weeks. 😞 may inaasikaso akong importante. Gusto ko lang ipaalala na h'wag ka na ulit makipagusap sa hindi mo kilala. Kahit sino." Reply niya
"Possesive naman nito. Bakit bawal ba?" Reply ko.
"Oo. Nagseselos ako." Reply niya
Aba puta. Lakas naman nito. Bossy much huh.
"Possesive mo naman. FRIEND" Reply ko
"Ouch." Reply niya
Bago pa man ako malate eh di ko na nireplyan si Lance. Lunes ngayon at bawal ang late. Agad-agad akong naghanda para sa pagpasok sa eskwela.
--
Boring. Puro mga display lang sa school. Puro pagpapaganda, nagpapakaganda sila sa mga walang kabuluhan. Masiyadong revealing ang mga suot animo'y nasa fashion show. Iyan ang labanan dito. Kapag maganda ka, aba'y sikat ka. Fckboys everywhere. Sa cr, sa room, sa hallway, sa canteen. Sa lahat ng sulok ng eskwelahan may mga mapupusok na kalalakihang mabulaklak na salita ang panlaban na siyang makakapagpalambot sa matigas mong puso.
Kaya ayoko sa school e. Maraming plastik. Hindi mo maalaman kung sino ang totoo at hindi. Kaya't oo alone ako. Alone sa school. Op as always. Nabubully ng mga walanghiyang fckboys.
Pauwi na ako nang makita kong nakaharang na naman sa dinadaan ko iyong mga bully'ng fckboys na di pa nakuntento't hanggang pauwi ng bahay e binubuwisit ako.
"Hey, hey bro. It's her." sambit no'ng isa na siyang naging dahil nang paglingon ng iba. Putcha talaga.
"He-heyyy Luna." Sambit naman no'ng isa pa na may tonong pangaasar.
'Di ko sila pinansin at patuloy lang na naglakad, nang humarang sa harap ko iyong parang lider nila.
"Do you want to go out with me?" Sambit nito. Ini-snob ko lang siya at magpapatuloy na sana nang hawakan niya ang braso ko.
"Come on, Lun-ouch. What's that?"
Nakita ko iyong pagkagulat sa mga mukha nila- maski ako. Iyong braso ko na may parang marka na hinawakan niya eh animo'y nagliyab. Parang umapoy mismo 'yong marka. Gets niyo? Basta gano'n.
YOU ARE READING
Te amo, mi ángel
FantasyA story about angels, a love story of a human and an angel. Tagalog 'to beshy. 'Di ka mano-nosebleed. Pinasosyal lang 'yong title haha