2

155 2 0
                                    


"Naniniwala ka ba sa mga anghel?"

Nagulat ako sa biglang pagpigil niya sa akin at sa pagtanong ng bagay na iyan. Pero ang mas ikinagulat ko ay iyong mukha niyang seryoso na halos ikalaglag ng panty ko dahil sa sobrang guwapo.

"A-ano?" wala akong maayos na naisagot dahil sa gulat

"Kung naniniwala ka sa mga anghel... Kung maniniwala ka ba kung sabihin kong natutunan ka nang mahalin ng guardian angel mo?" Tanong nito

Mas lalo akong naguluhan. Ngumiti siya ng kaunti pero 'di pa rin mawaglit sa isip ko iyong pahayag niyang tila may laman.

"Mahal ako nino?" Tanong ko

"Noong kung sinoman ang iniisip mo." diretsa at seryoso niyang sagot

Nakaramdam ako ng takot sa mga sinabi niya. Bukod sa paraan ng pagkakasabi niya at dahil na rin saktong iyon ang ang iniisip ko- iyong anghel sa panaginip ko.

"Hahahahahahahaha..."
Tumawa ako sa pagbabasakaling nagbibiro lang siya. Sa pagtawa ko'y nanatiling seryoso ang mukha niya. Tawa with hampas effect pa 'yon sa braso niya ah pero wala- seryoso pa rin siya.

"hahaha... haha...ha.. ha..."
Puta ang awkward. Sa pagkakatong iyon nais kong lamunin nalang ako ng tiles ng simbahan.

"Luna!" Pagtawag sa'kin ni mama.
Lumingon ako sa direksyon niya at nakita kong kasama niya si Lance at ang pamilya nito. Si Lance na kababata ko at sa kamalas-malasan ay nais niyang mapangasawa ko. Jusq kaya pala ipinasuot niya sa'kin itong blusang puti.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko kanina ngunit pagkaharap ko dito'y wala na siya. Parang bula, ang bilis mawala.

--

"... si Sally 'yong imaginary friend ni Sam. Tapos si Dean mo inaagaw na ni Darkness. Hala ka! Baka maunahan ka ni Amara...blah..blah.. blah.."
Pagkukuwento ni Lance na halos 'di ko na pinapansin dahil sa pag-iisip ko sa mga nangyari kanina sa simbahan.

"Huy! Nakikinig ka ba?" sambit nito sabay tapik sa balikat ko.

"H'wag ka muna kasing makulit, may iniisip ako." iritang sabi ko kay Lance

Pinagmulatan ako ng mata ni mama dahil sa inasal ko sa harap ng hapag-kainan at sa harap nila ng mga magulang ni Lance. Syempre ayoko namang bungangaan ako ni mama kaya-

"Lance..." pagkaharap ko sa kaniya eh para siyang batang naka-pout.

"Huy! Lance!" ayaw akong pansinin

"Lance... Huy!"

"Lance... Naniniwala ka ba sa mga anghel?" tanong ko

Para siyang batang lumiwanag ang mukha noong narinig ang tanong ko. Alam kong mahilig siya sa mga ganitong paksa. Mga supernatural, fantasy, etc. etc.

"Oo! Oo!" sabi niya with tango effect pa 'yan. Akalain mong 18 years old na 'yan pero parang bata kung umasta.

Sina mama at ang mga magulang ni Lance naman ay tuwang-tuwa sa kakulitan niya.

"Oh sige, sige. Relax... Ma? Tita? Tito? Puwede po bang sa living room kami magkuwentuhan?" Tanong ko

Tumango lang sila bilang pagsang-ayon.

Te amo, mi ángelWhere stories live. Discover now