4

114 1 0
                                    

"Umupo ka lang, h'wag kang umiyak." Medyo takot na sambit ni Lance

"Puta ka kasi! Ano bang nangyayari?"

Maririnig sa tono ng boses ko ang sobrang pagkatakot. Aligaga kasi niyang sinarado ang mga bintana at pinto. Tapos nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na parang may mali. Iyong pang pulang marka na parang paso o rashes na di maintindihan sa braso ko. Isa sa mga dahil na nakapagdagdag sa kaba ko.

Yumuko lang si Lance. 'Di niya sinagot ang tanong ko. Kaya't lalo akong kinabahan, para kasing may kung anong mali sa mga sinabi ko kanina sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.

"Put- huhuhu ano ba?! Lance! Tangina." Naiiyak na talaga ako sa sobrang pagtataka at takot.

Maya-maya habang nakayuko siya nakita kong tumaas-baba ang balikat niya kasabay ng isang hagikhik at pagtawa.

"Haahhahahahahhahahahahahaha..."

Tumawa siya nang tumawa, parang baliw. Natulala ako at nagtaka sa inasal niya, nang bigla kong napagtanto ang isang bagay.

"Tangina talaga eh. Ang lakas ng trip mo eh nuh!" Gigil much ako niyan besh.

"Hahahahahahahhahahahahaha" tawa pa rin siya nang tawa.

"Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Hayup ka!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Hahahaha wooooh... Teka... Hihinga lang ako saglit."

Hayup talaga 'tong lalaking 'to. Kung minsa'y isip-bata, minsan naman parang isang aktor sa galing umarte para lang makapagtrip ng tao.

"hoooohh *inhale* *exhale* ok na ko. Ok na." Nakangiting sambit ni hayup.

Hindi ako umimik. Pabebe mode, kunwari galit.

"Haha kung nakita mo lang talaga ang itsura mo hahahahaha." Natatawang sambit nito.

"Ok na? Ok na? Masaya ka nang paglaruan ang feelings ng iba?" sarkastikong sabi ko

Mula sa pagtawa'y natahimik siya. At seryosong sinambit ang mga pahayag na ito-

"Paglaruan ang feelings ng iba? Ni minsan 'di ko naisipang gawin 'yan... lalo na sa'yo."
Jusq kung may bgm lang sana ito parang nasa telenovela na ang peg niya.

"Tss. Change topic? Para 'di kita masaktan kang buwisit ka? 'Kala mo ganun-ganun nalang 'yon? Aba hindi!" Kasabay nito'y hinagis ko sa kaniya lahat ng unan sa couch tapos di pa nakuntento at pinaghahampas ko siya ng unan.

Lance POV

'Di niya alam na napakahirap sa'king tumawa kahit alam kong may mali sa mga nangyari. Ayokong mag-isip siya nang kung anuman at matakot.

"Iyan? Hahahhaha baka rashes lang 'yan. Kung anu-ano kasi ang kinakain mo. Ang taba mo na nga eh. Tsk. Tsk." pagpapaliwanag ko.

"Tse. Hays. Baka nga rashes lang." sambit niya habang nakatingin sa braso niya.

"Pero iyong itsura mo talaga kanina eh." Pagbibiro ko para h'wag na niyang isipin pa iyong pulang marka sa braso niya. Iyong pulang markang pamilyar sa akin. Sa mga pagsasaliksik ko ukol sa mga bagay na ito. Mula sa kakilala kong mayroon ding ganoong marka- alam kong may kakaiba rito.

Isang malutong na hampas ang tumama sa likod ko. Ramdam ko iyong sakit na di na alintana sapagka't sa kaniya naman galing. Kahit hampas lang ang matanggap ko, kung galing sa kaniya'y walang anu't ano'y... bukas kong tatanggapin.

Te amo, mi ángelWhere stories live. Discover now