1

263 3 0
                                    

"Kriiinggg... Kriiinggg... Kriiiinggg..."

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko na sa hula ko'y kanina pa tumutunog. Linggo ngayon, nakagawian na namin ng aking ina na magsimba tuwing araw ng linggo. Sa totoo lang, si mama naman talaga 'yong may nais na magsimba kami. Ako? Mas gusto ko pang matulog at magpagulong-gulong sa kama ko. Kapag ganito namang pagkakataon, sermon at hampas ang nakukuha ko kay mama. Eh komo maka-DIOS ang aking ina, kaya't ganoon na lamang kung ako ay pilitin niyang magsimba.

"Nako Luna, pasaway ka talagang bata ka! Male-late na naman tayo- beng! beng! ratatatatat- weeeeeeee boooooom!!! *reload* bang! bang! bang! ratatatat!"

Iyan ang bungad niya pagkababang-pagkababa ko ng hagdan. Tulad ng nakagawian, pasok sa kaliwang tainga labas sa kanan.

"Opo. Opo ma. Relax... hays sarap naman ng almusal ko pinirito at nilagang sermon." pabirong sabi ko

"Aba'y sumasagot ka pa?! Nako Luna Faye Hoechlin! Hindi ko maintindihan kung bakit gan'yan pa rin ang gawi mo gayong linggo-linggo naman tayong nagsisimba!?"

Kapag ganiyang buong-buo na binabanggit ni mama ang aking pangalan aba'y galit na 'yang tunay. Pahinga lang siya saglit magbubunganga na naman 'yan.

"Kayo talagang mga kabataan..."Oh ayan nadamay na mga kabataan."...hindi ko kayo maintindihan. Ganiyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Noong panahon ko'y hindi kami ganiyan-"

Oh ayan magto-throwback na naman si mama.

"Disiplinado kami at marunong kami gumalang sa nakatatanda- bang! bang! ratataatat weeeee boooommm!!"

Ganiyan lagi sa bahay, world war 3 ang peg. Buti nga at wala kaming kapitbahay na binato na sana kami kadadakdak ng aking ina. Pero kahit gan'yan si mama, love na love ko 'yan. Nagpapasalamat akong dito na kami naninirahan sa isang farm sa texas. Itong lupang kinatatayuan ng aming tahanan ay pagmamay-ari ng aking lolo na pinamana n'ya sa yumao kong ama.

---

"Jusq! Bilisan mo ang lakad mo Luna! Kung maglakad eh parang nasa prusisyon."

"Ma naman kasi, itong pinasuot n'yo sa'kin para akong dadalo ng kasalan."

Realtalk mga besh. Iyong pinasuot niya sa'kin ay 'yong blusang puti na siya mismo ang nagburda ng disensyo. Mahalaga raw kasi itong araw na ito.

"H'wag ka na magreklamo. Oh ayan na, malapit na tayo sa simbahan, bilisan mo na."

Pagkarating namin sa simbahan umupo agad ako sa harapan. Habang si mama naman ay nakikipagkwentuhan sa mga kakilala niyang madre at sakristan. OA talaga ni mudrakels, maaga pa nga kami ng bente minuto e.

Dahil wala akong magawa at 'di pa nagsisimula ang misa. Iginala ko ang aking mata, pinagmasdan ko lang lahat ng nasa simbahan. Iyong lamesa ng pari, iyong mga gamit ng simbahan, at iyong mga rebulto.

Hanggang sa tumama ang aking mata sa rebulto ng anghel sa gilid ng simbahan. At sa pagkakataong iyon ay biglang bumalik sa ala-ala ko ang panaginip na halos dalawang buwan ko nang napapanaginipan Sa panaginip ko, ako'y tumutugtog ng piano na siyang ipinagtataka ko gayong 'di naman ako marunong tumugtog ng kahit ano mang instrumento. Tapos mula sa musikang nililikha ko ay umiral at lumabas ang isang tao, isang taong may pakpak ng isang anghel. Iyong anghel na napapanuod natin sa pelikula? Anghel nga ata iyon. Hindi ko naman makita ang kaniyang mukha sapagka't sa sandaling haharap na iyon eh nagigising na ako.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang nakatingin sa direksyon ng rebultong anghel.

"Ayos ka lang?"

tanong nito habang iwinawagayway ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"Ay oo, ayos lang ako. He-he Pasensya na, may iniisip lang."

Isang makisig na lalaki ang nasa harap ko ngayon. Kilala n'yo si Derek Hale ng teen wolf? Ganoong-ganoon ang itsura nitong lalaki.

"H'wag mo nang pagkaisipin pa 'yon. Natitiyak kong mahal ka no'n." seryosong sambit nito

"Ay hahaha sana nga." biro ko

Sa galing niyang magsalita ng tagalog natitiyak kong bagong salta pa lamang s'ya rito. Normal na rito sa lugar namin na makasalamuha ng Pilipino pero itong mukhang banyaga na sobrang galing magsalita ng tagalog? Ay aba iba 'to.

"Ang sabi sa'kin niyong babaeng nakasuot ng mahabang damit ay palipatin daw kita ng upuan dahil may uupong bisita rito sa harapan." sambit nito na animo'y mangmang sa mga bagay-bagay sa simbahan

"Ahhh iyong madre ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

"Uhmmm.. Iyong babaeng may lambong ang ulo." sabay turo sa isang madre

"ahhh 'yong madre nga hahah" 'di ko alam kung binibiro lang ako nito or what-

"Kung nais mong umupo roon sa harapaan malapit sa rebulto niyong anghel-"

"Nako ayoko. H'wag na, doon na lamang ako sa likod." pagputol ko sa kaniya.

Tumayo ako at akmang lilipat na sana nang hawakan niya ang braso ko at-

"Naniniwala ka ba sa mga anghel?" seryosong tanong nito.

Te amo, mi ángelWhere stories live. Discover now