Chapter 1

575 11 3
                                    

A/N: And after a million years, nakapag-update na rin ako ng chap 1 XD

Hello po :) Sana suportahan nyo po tong story na to. Please hahahaha, dejk lang. Please feel free to vote and comment. 

Babala: Ang unang chapter na iyong matutunghayan ay naglalaman ng isang buhay na puno ng kadramahan ng isang babaeng nagngangalang Charity (Wag kayo mag-alala dahil sa umpisa lang yan XD).

---
First

-

Isang araw, nagising na lang ako sa isang kalabog. 10 years old palang ako nung time na yun. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita kong umiiyak ang mama ko.

"Ma, bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari?" tanong ko. Nakita ko sa sahig ang mga basag na salamin at mga pinggan namin.

"Yang papa mo iniwan na tayo! Sumama na sa malanding kabit niya! Napaka manloloko!" patuloy lang si mama sa pag-iyak. Naiyak na din tuloy ako.

"Ma, tama na po." pagpapatahan ko sa mama ko kahit na umiiyak din ako.

"Kaya kung ako sayo Charity, wag na wag kang magpapaloko sa mga lalaki kung ayaw mong magaya ka sakin....Kung alam ko lang sana na ganyan siya, de sana hindi ko na siya pinakasalan pa." sinubsob ni mama yung ulo niya sa mesa at patuloy sa pag-iyak.

"Pinagsisishan niyo rin po bang pinanganak nyo ko?" walang patubali kong naitanong sa kanya.

Umiling iling lang si mama. Naawa talaga ko sa kanya. Iniwan kami ni papa para sa kabit niya. Nung mga oras na yun, galit lang ang naramdaman ko sa papa ko. Galit dahil sa panlolokong ginawa niya kay mama. At galit para sa pang-iiwan niya samin.

Simula nung nangyari yun, hindi na talaga bumalik si papa. Ilang buwan na din ang nakalipas, at ang mama ko? Sobrang na-depress kaya napabayaan na niya ang sarili niya. Umabot pa nga sa point na hindi na siya kumakain.

Pinipilit kong maging matatag. Pero dahil bata pa nga ko nun, hindi ko na rin talaga nakayanan na makita ang kalagayan ng mama ko kaya umalis muna ko samin.

Hindi naman siguro masamang maglakad-lakad at magpahangin. Sa daan, nakakita ko ng isang babaeng umiiyak habang nagmamakaawa sa boyfriend niya na wag siyang iwanan. Bata pa ko nun pero naiitindihan ko na talaga ang mga bagay na katulad nun. Na ang mga lalaki, manloloko. Iiwan ka lang nila pag ayaw na nila sayo.

Bumalik na din ako sa bahay pagkatapos kong maglakad-lakad.

--

One and a half years have passed.

12 years old ako nung lumipat kami sa isang village. Tahimik at maaliwalas ang paligid.

Medyo naka-move on na rin si mama kaya bumalik na siya sa dati. Iniintindi na niya ulit ako at ngumingiti na rin siya palagi. Pero kung ikukumpara sa dati, malaki na rin talaga yung pinagbago niya.

Unang araw ng pagpasok ko sa school bilang grade 6 student sa bago kong school. 

"Hello! Bago ka dito? Ang cute mo naman hehe. Let's be friends?" tanong sakin ng isang lalaking kaedad ko lang.

"Ayoko." ayoko lang talaga. Ayoko sa lalaki.

"Ang sungit naman nito." saad niya.

Nagpakilala kami lahat sa klase. Buong klase, sa teacher lang ako nakikinig at wala akong pakiilam sa mga bago kong kaklase.

Nung uwian, lahat ng sinungitan kong lalaki ay niresbakan ako. Kasama pa yung mga babaeng nang-iirap sakin pagpasok ko palang ng school.

"Transferee ka palang pero maarte ka na?" sabi sakin nung matabang babae.

"Ang sungit mo kanina, bakit maganda ka?" sabi naman sakin nung isang lalaking nagpakilala sakin pero hindi ko na inalala pa ang pangalan niya.

"O ano? Bakit di ka makasagot? Takot ka pala samin e!" sabi naman nung isang babaeng kasama pa nila.

"Hahahahahaha ayaw sumagot oh? Takot hahahaha." sabi nung isang lalaking hindi ko rin natandaan ang pangalan.

Sinabunutan ako nung isang babae. Hindi ako makalaban kasi hawak ako nung dalawang lalaki. Puro sabunot at kalmot ang inabot ko sa kanilang lahat.

Umiyak na lang ako pagkatapos nun.

Puro sugat at kalmot ako sa braso, tuhod at mukha.

Naglakad ako pauwi samin at pinangako sa sarili ko na hindi na ko babalik sa school na yun.

Galit ako sa kanila.

Habang naglalakad, ang sakit sakit lang talaga nung katawan ko sa inabot ko sa mga bago kong kaklase. Mga bwisit! Ano ba mahirap intindihin sa ayaw kong makipagkilala sa kanila? Kailangan talaga bawian nila ko at ganituhin?

Hayyy. Gusto ko na talagang magpahinga at umuwi sa bahay kaso baka magalit si mama pag nakita niya yung itsura ko ngayon. Mukha akong batang gusgusin.

Sa di kalayuan ay nakarinig ako ng isang batang may kausap. Feeling ko sa playground yun.

"O ayan baby girl, it's tea time! Bongga!"

"O ikaw uminom ka na ng tea dahil lalamig yan." lumapit ako sa lugar kung saan ko narinig yung boses na yun.

Sa may pinaka dulo ng playground kung saan madamo at maraming talahib ay nakita ko ang isang batang babae (babae nga ba?) na naglalaro kasama ang mga barbie dolls niya.

Kahit nangihihina na ko, lumapit pa ko ng tuluyan sa bata at...

"Oh my G! Multo! Alien! Ahhhhhh!" sigaw nung batang babae.

nawalan na ko ng malay.

Pagkagising ko, may mga band aid na ko sa katawan ko. Naka-braid na rin yung mahaba kong buhok pero medyo may dugo pa din yung damit ko dahil nga sa inabot ko sa mga kaklase kong pangkakalmot at pangsasapak.

"Oy girl, inumin mo na yung tea na ginawa ko. Hayy, akala ko multo ka kanina. Hihimatayin ako sayo." hawak hawak niya yung maliit na baso na ginagamit niya sa mga barbie dolls niya at pinainom sakin.

"Pwe! Tubig pala, akala ko tea."

"Arte mo naman, hindi talaga tea yan, water lang hehehe."

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa damuhan. Tinignan ko ang paligid. Nasa sa may dulo kami ng playground kung saan walang mga batang naglalaro.

"Sorry kanina, natakot yata kita." sabi ko sa  batang babae.

"Naku hindi no. Mapapatay mo lang ako sa takot hahahahaha!" tapos tumigil din siya sa pagtawa at sumeryoso na ang mukha niya. "Okay lang yun. Hinimatay ka kanina tapos napansin kong puro ka sugat. Buti girl scout ako at may dala kong first aid kit. Gusto ko kasing maging nurse someday."

Pero may kakaiba sa batang to dahil parang hindi siya mukhang babae. Parang lalaki e.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti.

"O girl? Bakit kung makatingin ka sakin wagas! Ang ganda ko no." sabi niya.

"Para kasing.... wala." sabi ko naman.

"Hayyyy. Ang inet inet naman. Kalurkeyyy." at nabigla ako nung tinanggal niya yung wig niya.

Tinanggal niya yung wig niya.

Tinanggal niya yung wig niya.

Tinanggal niya yung wig niya.

Bakla pala siya?!?

Nung mga oras na yun, wala akong ideya na siya pala ang magpapasaya at magpapawindang sa madrama kong istorya.

---

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon