Chapter 8

315 10 1
                                    

Eighth

--

So ano ba ang ginagawa pag retreat? Aalis ka sa bahay niyo for 3 days at makakasama mo ang mga kaklase mo para mangilin at isipin ang mga kasalanan at nakakalungkot na pangyayari sa buhay niyo.

Nakaupo kami ngayon sa isang bilog at kinukwento yung mga painful pasts namin. Natapat sakin at di ko maiwasang ikwento sa kanila yung nangyari sa family ko. How my dad had an affair, how my mom desperately cry over him, how I'm affected more than anyone else in the family. At some point nung papatapos na kong magsalita, di ko napigilang maluha. After all the painful things that happened to me, I'm still here, the strong Charity Jane, telling my story to them. Marami ring naiyak dahil sa kwento ko. Pati na si Alexander Kai. He's such a soft hearted young man.

Nagkwento rin siya. On how his life was full of facade and lies. I'm the only in the group who knows what's he's hiding.

"I have a secret that I don't want my parents to know kasi alam kong masasaktan sila..."

Naiyak siya habang nagkwekwento. Walang masyadong umiyak. And I know the very reason why they don't cry that much... hindi nila naiitindihan si Alexander. At dahil ako lang ang nakakaintindi, ako ang naiyak. I know how badly he wants to show his true color to others. But he is who he is. Si Alexander Kai Domingo na cute guy sa school. Kaisa isang lalaking anak ng mga Dominguez. He can't just risk his beautiful life for his secret.

Marami pa kaming activities na ginawa. I'm glad hindi nagkasama sa kwarto si Alexander at Polan. Yung teacher lang kasi yung nag assign. Ang bilis lang pala ng mga araw. Sa kwarto tatlong araw naming magkakasamang magkakalase ay nakilala ko sila ng lubusan. Nagkaroon kami ng time para magbonding. And I realize na masarap magkaroon ng maraming kaibigan, mapababae pa o lalaki. There's no need to be mad with the world. Afterall maswerte pa ko dahil meron pang mas mabigat ang problema sakin. Sa huli kasi naming activity bago lumisan sa lugar na ito, pinasulat samin yung mga problema namin sa cards. Isusulat mo sa card yung problema mo at isa-shuffle ito kasama ng mga cards ng mga iba pa. Pinabunot kami isa isa. Nabunot ko yung isang card na pagmamay ari ni Eunice, ang malaprinsesa sa ganda sa classroom, namatay yung mga magulang niya nung grade 2 siya at yung tita niya na nagpalaki sa kanya ay hindi siya magawang bigyan ng pagmamahal. And I was really shocked kasi palangiti siya pero may ganun pala siyang problema. Bawal namin sabihin sa kahit na sino kung sino yung nabunot namin. Tapos sinabi samin nung host sa retreat house,

"Lahat ng sinulat niyong mabigat ng problema kanina ay sinulat natin sa cards, tama? Then hinayaan ko kayong bumunot ng problema ng iba. Nagustuhan niyo ba yung problema nila? Mas magaan bang problema yan kesa sa problema niyo? Kung nagagaanan kayo sa problema na nakasulat sa nabunot niyong card, sa inyo na yan. At kung sino mang mas pipiliin pa ang sarili niyang problema kesa sa nabunot niyang card ay pumunta rito sa harapan at ibalik sa box ang card." lahat kami ay tumayo para pumunta sa unahan at ibalik ang card na nabunot namin kanina.

"What's the lesson? Bakit ko pinagawa sa inyo to? Gusto ko lang ma-realize niyo na hindi dahil mabigat ang problema mo ay magaan na ang sa iba. Akala mo okay lang si ganito tsaka si ganyan pero kung titignan mo ang dinadala niya, malalaman mo na mas magaan pa pala yung dinadala mo. We all experience pain. And we all have problems. But the problems we have were given to us because God knows that we can handle it. And don't you ever compare yourself to others. You don't know how lucky you are. Can I get an Amen?"

"Amen!" sigaw naming lahat.

Natapos ang tatlong araw ng retreat namin. I feel enlightened. Para bang bagong tao ulit ako. Ang saya talaga. Umuwi na kami pagkatapos at ang una kong ginawa ay yakapin si mama at magpasalat sa kanya sa lahat lahat.

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon