Chapter 2

425 13 4
                                    

Second

-

Sabi ko na nga ba e, may kakaiba sa kanya. Hindi kasi siya mukhang babae.

Napanganga na lang ako nung tinaggal niya yung wig niya. Pero in fairness naman sa wig niya, parang totoong buhok talaga niya.

"Oy anyare sayo diyan babaita?" tanong niya sakin.

"Bakla ka?" 

"Ay hindi, babae ako. Haler! Hindi ba halata. Kalurkey." at pinunasan niya yung noo niya na para bang na-stress siya sa tanong ko.

"E bakit kailangan mo pang magsuot ng wig?"

"Para mukha na talaga kong girl. Duhh?" 

"Arte mo naman." bigla kong sabi.

"Wow ha. Tinulungan na nga kita tapos inii-stress mo pa ko ngayon. Naku girl, kalurkey ka." umirap siya.

Ngayon lang ako nakakita ng isang batang lalaki na ganito. Kakaiba siya. Ayoko sa lalaki, mapabata pa yan o mapamatanda (pwera kay lolo at sa isa kong tito) pero bakit yung isang to hindi man lang ako naasar sa kanya. Actually, medyo nakakaasar siya kasi maarte pa siya sa babae pero ewan ko dahil natutuwa rin  ako sa kanya.

"Sorry naman. Nagtatanong lang ng maayos e." sabi ko.

"Okay girl, it's okay." tapos bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko na bahagyang ikinagulat ko. "Kwento mo naman sakin kung bakit ka nagkaganyan. Don't tell me.....na-rape ka?!?"

Tinanggal ko yung mga kamay niya sa mga kamay ko.

"Hindi no! Pinagtulungan lang akong bugbugin nung mga kaklase ko kaya ko mukhang ganito."

"Omg pinagtulungan ka talaga nila? Dapat sa mga yun, kalbuhin! Mga asar sila! Kawawa ka naman girl, ang pretty pretty mo pa naman. Sayang beauty! Puro ka na tuloy pasa at sugat." bulalas niya.

"Mga bwisit yung mga yun. Pero hayaan mo na, ganito talaga ang buhay." nalungkot ako nung sinabi ko yun. Wala e, ganito na talaga ang buhay.

"Awww." nag-pout siya. "Bakit ka ba nila pinagtulungan?" tanong niya.

"Transferee lang kasi ako sa school na yun tapos may mga nakikipagkilala sakin. Ayaw ko lang silang pansinin at kilalanin. Ayoko lang talaga e, pero ayun niresbakan ako."

"Ang sungit mo yata e kaya ka ginanyan. Naku girl, bakit ba kasi ayaw mo sa kanila? You can be friends with them naman ah. Pero mali pa rin naman yung ginawa nila sayo kaya dapat sa kanila kalbuhin." biglang lumungkot yung mukha niya.

"Ayoko kasi sa lalaki." then bigla kong naisip na lalaki din pala tong kausap ko ngayon.

"Ayaw mo sa boys? Like me? Pero syempre girl na nga pala ko. Bakit naman ayaw mo sa kanila?"

"Wait ang dami mo namang tanong. Malalaman mo na yata yung buong buhay ko e hindi pa nga tayo magkakilala."

"Ay oo nga no. By the way, my name is Sandra Kyla Dominguez." ngiting ngiti siya. 

"Weh?" alam ko kasing hindi yun yung totoo niyang pangalan, nagfi-feeling lang siya.

"Okay ito na nga, Alexander Kai Dominguez. Ang pangit no! Gusto ko Sandra Kyla para bongga di ba?"

"Hmm, hindi naman pangit yung name mo ah."

"Basta, ayoko nun. O ano na ba name mo girl?"

"Charity Jane  De Leon. Charity na lang." pagpapakilala ko.

"Wow ang ganda naman ng name mo. Charity, nice name huh. O magkwento ka na, magkakilala na tayo ngayon e."

"Ano ikukwento ko? Hindi nga tayo magkaibigan e. Close lang?" 

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon