Chapter 9

270 11 5
                                    

Ninth

--

A few weeks after nung bugbugan incident...

Nandito kami ngayon sa playground ng village namin at nakaupo sa swing.

"Okay na kami." pilit siyang ngumiti sa harap ko.

"Weh? Tanggap ka na nila?" tanong ko.

"Hindi yun. Okay na kami kasi pinangako ko na magiging lalaki na talaga ko."

Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan nung narinig ko yun wohooooooooo!!!

"Talaga?!? So gagawin mo nga yun? Magiging tunay na guy ka na? Ha? Ha?" Excited kong tanong.

"Ba't parang excited ka?" inirapan niya ko.

"Sorry naman hahaha! Seryoso nga Alexander? Hindi ka na magiging bading?"

Napatingin samin yung nagdaang nagtitinda ng sorbetes at bahagyang tinitigan si Alexander. Napansin yun ni Alexander. Omg! Narinig yata ako.

"Tunay na lalaki naman talaga ko!" sigaw ni Alexander. "Di ba may crush na ko? Ikaw."

Biglang tumigil yung mundo ko sa sinabi niya.

Ha? Totoo ba yun?

Para bang nakalimutan ko ng nakaupo ako sa swing. Feeling ko kasi lumulutang ako ng mga oras na to.

Tuluyan na ngang umalis yung nagtitinda ng sorbetes habang nakangiti.

"Joke lang yun ha?"

Tumigil na naman yung mundo ko.

Joke lang daw. Joke as in biro! Hindi totoo!

Bakit?

"Ikaw kasi, narinig ka nung mamang sorbetero. Isipin pa nun bading ako."  paliwanag niya.

"Okay!" Sagot ko kahit na sa totoo lang umasa ko. I expect that things might change pero ganun pa rin pala.

"Hahahahahahaha bakit ka namumula Charity? Anyare sayo?" natatawang tanong niya. "Yieeee ikaw ha. May lihim ka palang pagtingin sakin." pang aasar niya.

"Eeeewww! Kadiri ka naman. Never talaga kong magkakacrush sayo." Sabi ko kahit na ang totoo kabaligtaram nun ang gusto kong sabihin.

"If I know Charity gusto mo maging guy na ko. Hahahahahahahaha! Yieeeeee!" grabe siya mang asar! Imbis na maasar ako kinikilig ako ngayon eh.

"Yuck! Hahahahahahaha!"

"Nevermind na nga naaning na naman tayo." sabi niya.

"Oh matanong ko lang. Gagawin mo ba talaga yung gusto ng parents mo?"

"Ayoko talaga pero..." pumikit siya at ginamit ko ang sandaling nakapikit siya para pagmasdan pa ng mabuti ang mukha niya. Grade ang gwapo pala talaga ni Alexander.  "...susubukan ko."  Dinilat na niya yung mga mata niyang kasing ganda ng mga bituin sa langit. Nginitian niya ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis, sobrang lakas.

Ito yung feeling ng unang pag ibig. Ang saya pala. Masaya kasi nakakasama ko siya ngayon. Pero kahit malapit siya sakin ngayon. Kahit pa kaming dalawa lang ang magkasama, parang ang layo layo pa rin niya.

Mayroon kasing distansya na naglalayo sakin sa kanya: yung agwat ng pagkakaibigan.

"Pero Charity parang di ko kaya." nag-pout siya. "Imbyernabells naman kasi. Can't they just accept me for who I am?" (*imberynabells=nakakaasar)

Parang teary eyed siya. I don't wanna see him like this.

"Don't cry. Masisira beauty. Bahala ka mas maganda na ko sayo pag umiyak ka." sabi ko.

"Charity naman eh. Ang feeler mo talaga." bahagya siyang natawa.

"Alexander, ibahin mo ko. I accept you for who you choose to be. Kaya kahit sino ka pa, ayos lang."

"Ang gulo kasi Charity. It's like their forcing me to stop breathing. Parang ganun yung feeling."

You know that thin line between wanting him to be who I want him to be and the person I want himself to be.

Kahit ako nahihirapan pumili. All I ever wanted was to see him happy and to know that he's really happy with what he chose to be.

"Kung saan ka masaya, dun ka. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo sa buhay. Lagi lang akong nandito for you. Tandaan mo yan." sabi ko. But there's this part of me na gustong bawiin yung sinabi ko. Natatakot kasi akong piliin niyang maging bading na lang forever. Pero sinabi ko pa rin kasi... mahal ko siya.

Yeah I guess this is really love. Tanggap ko na kasi siya. Kahit bading pa siya. I accept him for who he is. He doesn't have to change himself.

"Thank you bessie. You're the bestiestest friend ever. I love you." ang sarap namang pakinggan nun.

"I love you too." sabi ko. Kahit pa pang kaibigang 'I love you' lang yun. Masaya na ko. Atleast alam kong mahal niya ko.

"Charity, alis na muna ko ha. May laro pa nga pala kami nila Polan." ngumiti siya. Tuwing sinasabi niya kasi yung 'Polan', iba yung ngiti niya. Halata mong may sparks.

So that's what you choose to be.

I accept it.

"Sige." ngumiti ako.

Di ba sinabi ko naman na kung saan siya masaya, dun siya. Kasi kung saan siya masaya, masaya na rin ako.

But it still hurts. This feeling. Parang feeling ko pinakawalan ko siya.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang unti unti itong lumalabo sa paningin ko.

Ang blurry na kasi...

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumulo na palang mga luha mula sa mata ko.

--

Author's Note:

Guys, pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Super busy lang kasi sa school. Pero thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa nito. At dun sa nagmessage pa sakin para sabihing maghihintay siya na mag-update ako. Thank you! :) ~~~

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon