Chapter 7

280 11 0
                                    

Seventh

--

Retreat namin bukas at super excited na ko. 3 days and 2 nights kaming magkakasamang magkakakaklase. At makakasama ko rin si bestfriend. Bwahahahahaha!

Kaso kinakabahan ako...

Baka kasi magkasama sa isang kwarto si Alexander at Polan! Noooooooo! Maling mag-isip ng masama pero syempre alam niyo na, crush na crush ni Alexander si Polan. Bruhang yun!

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sakin. Ito pala yung feeling ng may crush. Inspired pumasok at mag aral ng mabuti. Ang problema, kahit kailan hindi siya magkakagusto sakin. I think this is my karma. Ayaw ko sa mga lalaki noon. Ngayong nagkagusto ko sa isang lalaki, lalaki rin ang gusto niya.

Kalurkey di ba?

Hayyyy. Walang pasok ngayon (buti naman). Mag-isa lang ako sa bahay dahil nasa trabaho si mama. Inaayos ko na yung mga gamit ko para bukas.

Pagkatapos nun ay napagpasyahan kong pumunta sa terrace para magpahangin (at para makita si Alexander kung sakaling nandun man siya). And then there I found him. Nakatayo siya at hinahangin hangin yung buhok niya. Grabe. napaka gwapo talaga niya kung hindi lang talaga siya naging girl at heart.

De tumayo rin ako at nagkunwaring nagpapahangin at hindi siya nakita (kahit obvious namang nakita ko siya dahil magkatapat na magkatapat lang kami ng bahay).

"Charity!" tawag niya.

De tumingin ako sa kanya at nagkunwaring nun ko lang napansin ang presensya niya.

"Hello Alexander!" bati ko.

"Ano ginagawa mo?" tanong niya.

"Wala naman, tamang tambay lang sa bahay." sagot ko.

"Gusto mo gala tayo?" jeeeezzzzz! Sige sige, I want!

"Sige!"

Bumaba na ko at lumabas ng bahay. Lumabas na rin si Alexander.

"Wala rin akong magawa sa bahay e." saad niya.

"Bakit wala ba parents mo diyan?"

"Wala. Nasa trabaho pareho." ngumiti siya pero parang may lungkot sa mga mata niya. "Tara Charity, magfoodtrip tayo!" buong sigla niyang sabi at bigla niya kong inakbayan.

bigla niya kong inakbayan.

bigla niya kong inakbayan.

bigla niya kong inakbayan.

Duggg dugg duggg dugg duggg dugg duggg dugg duggg

"Wag ka nga!" sabi ko tsaka umalis sa akbay niya.

"Oopps." saad niya.

"Pag inakbayan mo ko, baka isipin ng mga tao na tayo." bulong ko.

"Eeeewww." sabi niya.

Eeeewwww?!? Nakakadiri ba ko?!?

Ang sakit naman nun!

"Maka eeeewww ka diyan. For your information Alexander, hindi tayo talo." ismid ko.

"Talagang hindi." sagot niya.

Awwww.

Napagpasyahan naming "secret" bestfriends na kumain sa turo-turo, tinadahan ng halo-halo, tindahan ng hamburger, at bumili ng sorbetes nung may nagdaang nagbebenta nun.

Alam niyo yung feeling na sobra yung nararamdaman mong kaligayahan kasi kasama mo yung crush mo? I feel like I was literally walking on air. Ang gaan sa pakiramdam.

Pero syempre ang tingin niya lang sakin ay isang kaibigan na nakakaalam ng malaking sikreto niya. Yun lang yun at wala ng iba.

Pagkatapos naming maglalakad at kumain sa kung saan saan ay napagpasyahan naming pumunta sa playground.

Umupo kami sa swing at inugoy iyon. Palakasan pa nga kami ni Alexander e. Tuwang tuwa siya at grabe ang sarap niyang panuoring tumawa. Kinikilig ako... sobra.

Tumigil din kami sa pag ugoy ng swing at nagsimulang magkwentuhan.

"Sandra Kyla." tawag ko sa kanya.

"Ssshhh, baka may makarinig." sabi niya.

"Wala namang naglalaro ngayon dito. Wow, dati gustong gusto mong tawagin kita ng ganun. Hindi naman kaya..." OMG he's back to being a boy? Sana, sana, sana.

"Hindi no! Baka lang kasi may makarinig."

"Okay okay. Bakit nga pala hindi mo na nilalaro yung barbie dolls? Nakatago pa rin ba yun sa dulo nitong playground?" oo medyo tumigil na siya sa paglalaro nun ilang buwan na rin ang nakalilipas.

Nagiging lalaki na kaya siya? Gusto na ba niya ngayon ng superman figures?

Naku Charity! Syempre malabo yun dahil hanggang ngayon crush pa rin niya si Polan so it means bading pa rin siya.

"I just feel like, kailangan ko ng magdalaga. I mean, malapit na tayong maghighschool kaya tama na ang paglalaro ng mga ganun. Pero nakatago pa rin yun sa dulo ng playground na to." siguro kung may iniinom lang ako ngayon, panigurado nabuga ko na yun sa kanya.

"Ah, sabagay."

"Tignan mo nga, ikaw dalaga na kasi you know nagkaron ka na."

Siguro kung ibang lalaking kaklase ko to, mahihiya yun sakin magsalita tungkol sa mga ganyan pero dahil bading siya, he is open to these kind of things.

"Pag may ganun dalaga na agad? Hindi pa nga ko isang teen eh. 12 palang kasi ako."

"Kailan ka ba magte-thirteen?"

"Sa March 16 pa."

"Feeling ko graduation yata yun."

I shrugged.

"Kailan ba birthday mo Alexander?"

"Ako? Sa March 13. Magte-thirteen na rin ako. 3 days lang agwat natin." he smiled. Feeling ko meant to be kami kasi magkalapit lang kami ng birthday ni Alexander Kai!!

"Charity, ikot mo naman ako oh."

"Huh?" tumayo siya at iniikot yung swing ko tsaka niya binitawan. Then umikot ikot ako at namangha sa langit. It is swirling. Everything around me is swirling.

Nung matapos ako, tumayo ako at iniikot naman ang swing niya.

Masayang masaya ai Alexander. Tumingala siya at tila ba ineenjoy niya ang tanawin kahit na umiikoy ikot ito sa paningin niya.

Habang pinapanood ko siya, sumasaya na ko. At alam ko na talaga sa sarili ko na...

gusto ko na talaga siya.

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon