Chapter 4

331 10 1
                                    

Fourth

-

Nakalipas ang ilang araw at normal naman ang buhay ko sa klase. Infairness, nagtagal ako rito na walang nakakaaway ni isa sa mga kaklase ko. Ang saya kasi nilang kasama. Ang sarap pala ng feeling kapag mababait ang mga bago mong kaklase sayo at welcome na welcome ka sa kanila.

Si Valeen medyo nawiwindang na niya ko dahil oras oras binubulungan niya ko ng,"My gahhdd Charity, ang gwapo talaga ni Alexander."

Syempre, tatango na lang ako at dadamay sa kilig na nararamdaman nya kahit na alam kong bakla si Alexander. Minsan nakaka-guilty na rin kay Valeen pero hinahayaan ko na lang nga dahil lilipas din naman ang feelings niya para kay Alexander.

So ito na nga, walang pasok ngayon dahil sabado. Naalala ko na pinapupunta nga pala ko ni Alexander sa may dulo ng playground kasi maglalaro kami.

Nagpaalam ako sa mama ko na paalis na ng bahay dahil magtatrabaho na siya sa office. "Ma, punta lang po ko ng playground. Maglalaro lang po."

"Sige Charity, grade 6 ka na pero naglalaro ka pa, basta bumalik agad dito sa bahay at i-lock mo yung pinto. Okay?"

"Opo."

Pumunta na ko sa playground at nakita ko yung mga laruan na lalaruin namin ni Alexander kaso wala naman siya roon.

Kinuha ko muna yung barbie doll niya at sinuklay suklay ko.

"Lalalalalala." kumakanta ko habang sinusuklay yung barbie. "Lalalalalala."

"Ang ganda mo talaga barbie kaso hindi ka totoo. Meron kayang totoong girl na nabubuhay sa mundo na kagaya mo?" kinakausap ko yung barbie doll kahit alam kong hindi naman sasagot yun.

Biglang may dalawang kamay na sumulpot mula sa likuran ko dahilan para matakpan nito ang mga mata ko.

"Aaahhhhhhhh!!!" sigaw ko.

Natigilan din ako sa pagsigaw dahil narinig kong humagikgik sa tawa yung taong nagtakip ng mata ko ngayon.

"Hay naku Alexander!" saad ko.

Tahimik pa rin ang pagtawa nya habang tinatakpan pa rin ang mga mata ko.

"Alam mo kasi Charity," panimula nya. Agad na rin nyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko. Pumunta siya sa harapan ko. Lumapit pa sya lalo kaya magkalapit na magkalapit ang mukha namin. "kahit hindi totoo si barbie. Meron namang babae sa mundo na kahawig nya. Alam mo kung sino yung tintukoy kong kahawig nya?"

Nagkatitigan kami.

*dugg dugg dugg dugg

"IKAW."

Napakabilis ng tibok ng puso ko. Posible palang buhay pa rin ako kahit na feeling ko sasabog na talaga yung puso ko.

Tumawa siya bigla at lumabas na naman ang dimples nya sa magkabilang pisngi.

"Well syempre joke lang yun Charity hahahahaha! Ako kaya yung kahawig ni Barbie."

Bigla ko siyang binatukan. "Napaka mo! Asa ka Sandra Kyla."

"Aray ko naman. Asar much ka!" hiniltak nya ng mahina yung buhok ko.

Hiniltak ko rin yung buhok niya pero hindi ko sya masyadong nasabunutan.

"O ano? Di ka makaganti kasi super ikli ng hair ko no? Hahahaha!" tawa sya ng tawa sakin.

"Oo na!" ismid ko.

"Tama na nga yan Charity. Laro na tayo, game." sabi nya.

Nakalatag na sa damuhan yung isang malaking cloth para malinis yung maupan namin.

Ang saya saya namin kasi naglaro kami ng tea party kasama yung barbie dolls nya. Pinagtripan din namin yung buhok ng mga barbie nya.

Nang matapos kaming maglaro, bigla siyang nag-lean ng ulo nya sa shoulders ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba to?

"Hayyy, kahawig ko naman talaga tong barbie na to di ba Charity?" hawak hawak nya yung barbie habang pinaglalaruan ang buhok nito.

"Ilusyunada." pang aasar ko.

"Kung naging girl lang sana ko. Hayyy." bumuntong hininga sya.

Kung naging pusong lalaki ka lang sana Alexander...

"Kailan mo nga pala nalaman na bading ka?" tanong ko.

Nag-isip pa siya sandali.

"Nung grade 3 kasi ako naglalaro kami ng habul-habulan ng mga kaibigan ko sa ground ng school. Nataya ako ni Polan, yung katabi ko ngayon sa klase, si Paul Anthony Atienza, kaya Polan kasi yun yung nickname nya. Nataya niya ko at dumampi yung kamay niya sa balikat ko at bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung tipong biglang nag-slow mo yung paligid at feeling mo siya lang yung taong nandun kahit pa ang rami rami niyo." tinignan ko siya at mukhang kinikilig pa sya habang naka-lean sa shoulder ko.

"Nung una akala ko wala lang yun pero nung nag-grade 4 kami, si Valeen yung katabi mo na madaldal. Nakaramdam ako ng kirot ng puso ko nung nalaman kong crush nya si Valeen. So yun na, that's the time na nalaman kong bading pala talaga ko. First heartbreak ko si Polan lalong lalo na nung nagalit siya sakin nung Valentine's day kasi inamin ni Valeen na crush niya ko kaya 1week kaming magkagalit ni Polan kasi nagselos siya sakin pero nagkaayos rin naman kami." dagdag niya.

Biglang kumirot yung puso ko. Ito ba yung selos? at nagseselos pala talaga ko kay Polan?

Hindi...hindi maaari.

"O ayan ang dami mo ng alam tungkol sakin. Secret lang yun ha. I trust you that you will keep all of my secrets. Uhmm Charity..."

"Hmm?"

"Can we be bestfriends?"

"Oo naman, best--friend!" sagot ko.

Tumayo na kami at niligpit na yung mga gamit at laruan. Tinabi na ulit yun ni Alexander sa taguan nya.

"Charity, dala ko yung bike ko. Tara angkas na."

"Sige."

Sa sandaling oras na nakaangkas ako sa bike ni Alexander, dun nagslow mo ang paligid.

Napakabilis rin ng tibok ng puso ko.

GUSTO KO NA NGA TALAGA SIYA.

Lucky I'm inlove with my gay friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon