Ok! Hmp! Here comes the most antipatikong tao sa school. Kesyo mayaman, gwapo at…mayaman!!!
Super hambog ever! Natapunan lang ng ice cream yung t-shirt niya parang halos papatayin na ako. At may sinabi pang dapat bayaran ko daw ang masyadong mahal niya na t-shirt. Di na daw siya sikat sa mga girls and he hates ice cream?
Huh? OA ha!!! When I asked him magkano napabulaga na lang ako….26,000?!!!
What?!!! Ok!
He must be bluffing!
“ You better pay me or you’ll be dead. I want the payment tomorrow” galit niyang sabi. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Tinatakot lang ako nun. Neknek niya, saan ka makakakita nang ordinary looking shirt na ganun kamahal? Duh! Forget it! Kaya ko naman sigurong iwasan ang lalakeng iyon. Hindi rin naman siya siga sa school. He’s just a rich brat who happens to own the school. Ah no! his family owns the school pero parang sa kanya ata ipapamana tong school na to. Yan ang tinatawag na SWERTE!!!
“Hoy Girl may data na kami dun sa damit” wika ng BFF ko. “According to sources sa England daw galling yung t-shirt kaya mahal dito, mga sobra pa ng 26,000 kung iko-convert eh” napanganga na lang ako. Oh no! what to do?!
