Ayokong kasama si boss ngayon. Nakakatakot siya, alam ko na may pagka-sadista at matalas na dila si boss but I never expected the harsh words he said a while ago.
Kahit nga itsura niya ngayon nakakatakot rin. Tatakbo na sana ako kaso hinila ako ng lalakeng ito ngayon eh. Naku! Sana wala siyang balak na patayin ako in replacement for my cousin noh. Naku!!! Sabagay naiintindihan ko naman kung bakit siya ganyan ka bad trip noh, kahit ako naman siguro sa sitwasyon niya.
Ano bang pwede kong gawin para at least mawala ang bad trip nito? Hmmm..isip..isip!!!
Tama!
ICE CREAM!!!!
HMM… sige nga ma-try natin… “Boss ice cream tayo?” sabi ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang titigan niya ako ng masama. Ano problema nito.
“You know I hate ice creams” sabi niya na nakataas ang kilay. Patay! Oo nga pala noh. He hates ice cream. Remember our first meeting? Sayang, ice cream pa naman ang isa sa mga gusto ko lalo na kung bad trip ako. Very effective siya pag hindi maganda ang araw ko. “ Pero sige” matipid na sabi niya. Napangiti na lang ako. I know the perfect place.
*******************************************************
Tahimik lang siya habang kumakain ng ice cream. Dinidibdib niya siguro yung nangyari kanina. Siyempre noh masakit din yun sa kanya. Halata din naman din kasi kung gaano niya pinahalagahan yung pinsan ko. Yun nga lang wala akong masabi para i-console siya ngayon. Natatakot ako na baka kung anong masabi ko…mas masaktan pa siya.
“Ngayon lang ako hindi ako nangdiri sa lasa ng ice cream” seryososng sabi niya. Huh? Ano daw?
“Grabe ka, nangdiri talaga? Ang sarap kaya nito. Depende kasi yan sa flavor.” React ko sa sinabi niya. Ang OA talaga nito. Ganito ba talaga pag broken hearted?
“ Ice cream ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng pagkain. Nakakadiri.” Nakakainis to ah. Insultuhin ba naman ang favorite food ko. Bahala nga siya. Mabuti pa iwanan ko na lang to para makapagluksa man lang. hmp!
“Eh di itapon mo” magwo-walk out na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko. At ang weird. I feel electricity? Eeeehhhhh…? Ang cheesy naman pakinggan!
“Di ba sabi ko hindi ako nangdidiri ngayon?” ewan ko sa kanya.
“Epekto lang siguro yan dahil broken hearted ka” sabi ko. Napatulala siya. Napakagat-labi na lang ako. Tama ba naman ipaalala ko sa kanya. Pero sige na nga since nagpag-usapan na siya.
“Pero seriously boss-” napatigil ako sa sinabi ko. Ngumingiti siya ngayon pero may mga luha sa mga mata niya. Oh no! masakit nga siguro talaga. Masakit siyang tingnan ngayon. Parang hindi siya. “ I think you should go home. Kung iiyak ka lang…umuwi ka na…wag mong ipakita sakin kung gaano ka kahina. Ikaw na nga ang nagsabi di ba? She’s not worth it?!” nagulat siya sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din kung bakit yun ang nasabi ko sa kanya. Makaalis na nga lang. Baka hindi ko kayanin.
Pag talikod ko, dumagundong naman ang mga luha sa mga mata ko.
It hurts to see him cry. But what’s worst is na realize ko lang naman….MAHAL KO NA PALA SIYA.
![](https://img.wattpad.com/cover/12402789-288-k924b63.jpg)