Ok! So…officially he’s not my boss na. I’m relieved from my duty as his lady guard. And for now, he just happened to be my cousin’s boyfriend. And yes, yes let’s just be happy na lang for them. Naka-usap ko na nga din pala si insan, sabi niya she just wanted to change for the better daw.. And somehow di ko man lang mapaniwalaan. Pero malay naman natin totoo di ba?
Sige na nga lang let’s be considerate here. Hahaitz. Ang weird lang kasi ng combination nila. Brat turned into romantic and sossy chick turned ito a demure angel. What is really happening here? Ako lang ba ang hindi naman ata nagbago?
**************************
“Ang bait-bait mo ata ngayon?” tanong ko sa kanya while helping me clean the science garden as a sanction ko. In fairness naman sa lalakeng ito, nag volunteer! Talk about HIMALA!!!
“Bakit ayaw mo?” pangiti pa niyang sabi sakin. At ewan ko ba, lumakas ang pintig ng puso ko. Napatulala na lang ako. Ang gwapo pala niya kapag nakangiti. Nakakahawa, para siyang anghel. Parang nakaka-inlove…
HUH? Erase! Erase! Erase! Duh! Ano bang pinagsasabi ko.
“Hindi mo na kailangang magpalakas pa sakin noh, hindi naman kasi ako isa sa mga factors na nagpapasaya kay insan. Wala akong effect sa kanya” pagkasabi ko nun tumawa siya ng malakas. Problema nito?
“Ano ka ba, bumabawi lang ako sayo, lalo na sa mga panahong nasungitan kita. At saka..ahmm…na-miss ata kita eh” huh? Oh no! Uminit ang pisngi ko dun ah. Siya ba talaga to? Di kaya sinapian? Bumabait na ba talaga to o nangti-trip lang. hmmm…. Anong problema niya?
As we were cleaning, one realization hit me. MY COUSIN INFLUENCED HIM!!! He’s in love na nga talaga . nagagawa nga naman ng pag-ibig oo. Pero…pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Nakakapanghinayang at medyo masakit sa dibdib? It feels like he’s near me pero yet so far away. Kung wala ba si insan? May possibily kaya kami? Hmmm….asaness!! sa sama ng ugali niya?! Nah! Pero what if talaga? Arggh! Ayoko tong ganitong feeling na nagwi-wish na sana kami o sana close pa din ako sa kanya palagi. Nami-miss ko yung dating siya. Yun kasi ang nakasanayan ko eh.