6- Emote lang?

1 0 0
                                    

               Napapadalas ata ng communication nitong dalawa ah? Not that I’m against it or what ano pero kasi BOSS doesn’t have any idea about my cousin. Ang maldita at spoiled kaya niyan. Even si BFF ay nagtataka. Ano daw nakain ni pinsan at nang mapakain din sa ibang mga brats diyan sa school.

               Tinitigan ko si pinsan habang pa-sweet na kinakausap si BOSS. Bakit kaya siya ganyan? Maka-usap nga to minsan. Kaso di kami close nito eh. Duh! I don’t like her nga di ba kasi maldita? At saka parang masaya ata sila…?

               Sabi nga ng iba sila na daw two days ago pa. Pero wala pa namang nababanggit si BOSS. Pero kung sila na nga, ang bilis naman ata. Talk about my cousin being demure kung ganon. Sana man lang nagpakipot siya. Anu ba yun. Dapat may magturo kay boss na dapat lahat ng bagay pinaghihirapan. Naku kung sa akin siya mangliligaw naku mahihi- wait! Ano na bang pinagsasabi ko dito? Imposible mangyari yun ok! Ha? Ako? Bitter? No way noh! O sige kung sila na nga, eh di mabuti, advantage pa nga para sakin yun eh. At least I don’t need to be around this guy all the time para lang bantayan siya. Dapat nga binabayaran ako nito eh.  I really don’t want to be around this crazy moody guy. Kala mo kung sino, antipatiko, hambog, bully, brat, mayaman, cute, sometimes caring naman, matalino- wait! Ano ba tong pinagsasabi ko, I’m supposed to insult him.

               Pero seeing him like that with my cousin parang…argggh! Ayaw ko nang ganitong feeling.EMOTE!!!!

You Protect MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon