8- Always a Brat

1 0 0
                                    

As I have said a brat is a brat.

Change would be welcomed but never inevitable.

Yang pinsan ko pa. Napagod na siguro sa kaka-pretend.

Kahit naman siguro ako, araw-arawin ba naman.

Minsan nga nakakasuka na siya pag Maria Clara lang ang show niya eh. Di bagay!!!

               “I don’t understand her, bakit siya ganyan! It seems not like her. She changed! May nagawa ba akong mali? Does she hate me?”

hearing all his litanyas, make me want to roll my eyes.

So not like him. Hmm…pero again frustrated siya so  intindihin na lang natin. Sabi ko na nga ba, di din sila magtatagal eh.

I know my cousin, madaling magsawa sa relasyon yun.

Pero ano bang mali kay BOSS? Very caring naman siya sa kanya.

He  seems to treasure her so much like a fragile diamond. He can be mabait when he want to.  Gwapo din naman ito.

Mayaman at matalino rin. Nako-kontrol na din niya ngayon yung temper niya.

All thanks to her. Why did she break up with him? Ano kayang nangyari?

“Baka naman nang-babae ka?” tanong ko.

               “Huh? Babae? What the heck!!! Ikaw lang naman ang babaeng nilalapitan ko aside from her” huh?

Ako lang ba?

Oh cmon, don’t tell me pinagseselosan ako ni insan?

Do I look like a threat to her? Feel ba niya talaga ay may something samin ni boss?

Nah! I doubt it. Ni fondness nga wala to sakin eh.

                                      *********************************************************

“Nagsawa lang talaga ako sa kanya. Paki mo ba?” malditang sagot sakin ng pinsan ko. Ang sama talaga ng ugali ng isang ito eh. Ang sarap sampalin ah.

               “Anong sabi mo? Yun lang ang rason mo for breaking up with him?!” aba talaga itong babaeng ito. Sumosubra na siya ah. Ang kapal talaga ng mukha!!!

               “Yes,yun lang naman ang rason ko. Sinagot ko siya because he’s cool but then nung naging kami na he started to be corny and boring. Dun ko lang na-realize na boring na mga tao lang rin pala ang makakasama ko if I pursue this gullible act of mine. So..tinigil ko na.” sinabi niya yan sa as a matter of fact na tono. How  dare she!

               “Kung alam mo lang kung gaano ka niya inalagaan. He treasured you!!! Kung alam mo lang kung paano niya pinilit na magbago para lang ma-protektahan ka while all along you were just pretending! Ang kapal mo!!! Di mo ba alam na kay daming babae ang gustong pumalit sa pwesto mo tapos pakakawalan mo lang siya basta-basta?! Sa ganyan pa kababaw na rason?” galit na wika ko. Ok! OA na kung  OA ang pangit lang kasi ng sagot niya eh. Super nakakairita ha.

               “I know that, and I think isa ka sa mga babaeng iyon” naka ngisi niyang sabi. Ok! Nabwiset na talaga ako dito! Sasampalin ko na sana siya ng may pumigil sa akin. Nang Makita ko kung sino yun…sumakit ang dibdib ko. Si BOSS. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman niya ngayong mga oras na ito.

               “Stop it” sabi niya lang.

               “Wag mo kong pigilan. She deserve a slap” galit kong wika “Narinig mo ba ang sinabi niya kanina? She said na ang rason lang naman kung bakit ka niya i- “

               “I said stop it!” nagulat ako sa pagsigaw niya. O more like natakot ako. First time kong makita siyang ganon sumigaw. Napatameme tuloy ako. Ni hindi nga ako nakagalaw kahit nung nilapitan na niya si insan. Nagtitigan sila…and it hurts to see both of them. Tumalikod na lang ako, ayokong makita nag eksenang ganito.

               “You’re not worth it” wika ni boss kay insan.

               “What?”

               “You’re not worth it, lahat ng pinakita ko sa yo… you’re not worth it. BITCH” napanganga ako sa sinabi ni boss kay insan. Nang tingnan ko si insan, kahit siya nagulat sa sinabi ni boss. We were  both speechless.

You Protect MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon