3- Protecting you for the first time

1 0 0
                                        

Aba! Mga lokong estudyante to ah. Pagtulungan ba naman yung isang estudyante. At ang super nakaka-bad trip nito ay sa teritoryo ko pa talaga. Ang iingay!!! Kainis!!!

               “Hoy! Tigilan ninyo yan or else isusumbong ko kayo sa prefect” matapang kong sita sa kanila. Lumingon sila lahat at sinuri ako ng mataman. And heck! Ang mamanyak nilang tumingin.

               “Uy! Pare maganda” wika ng isa na hinawakan pa ang balikat ko. How dare he!! Huuuuuu…..relax girl. Breathe!!!

               “Alisin mo yang kamay mo or else you’ll regret it” matigas kong sabi at pinagtawanan lang talaga nila ako. Aba! Tingnan natin ha. I’ve been into a simple family pero bata pa lang ako tinuruan na ako ng martial arts ng papa ko. In case of… argggh! I don’t want to remember it!! Basta ang alam ko, I’m at my limit na.  Malas  lang   nila dahil secluded ang area na’to and this is my territory. Trespassers should be punished.

               Ang sisiw naman, couldn’t it be any harder? Nilingon ko yung lalakeng binu-bully. Nakayuko lang siya. Mukha pang weirdo, may pahood-hood pang nalalaman. Mukha nga siyang lampa. I pity him, can’t seem to defend himself. Tsk! Tsk!

               “Magsumbong ka sa Dean ninyo or sa prefect para hindi ka na nila gambalain, in the first place hindi ka nila dapat binubugbog inside school premises” sabi ko sa kanya. Nakayuko pa din siya. Wala man lang bang thank you? Well duh! “Oh! And one more thing. Malaman ko lang na nadawit ako dito sa storyang ito, ikaw na ang susunod sa mga lalakeng iyan. Don’t even dare to mention about me. Sabihin mo na lang na ikaw ang nagbugbog sa kanila.” Yun lang at umalis na ako.

               Sayang nga lang at late ko na na-realize that I should have looked at him more longer para na-recognize ko ang hitsura niya. Para alam ko, in case. Haist! Bakit naman kasi naka-hood pa siya eh. Pero sige lang, matatakot naman siguro yun siya sa banta ko.

You Protect MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon