Gawa agad book 2 ay!
Ganyan ako kaadik! >__<
----------------------------------
After 2 years
Julia's POV
"Sh*T lang Julia! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Ang putek lang Julia! Ako yung boyfriend niya.. Diba dapat ako yung kampihan niya? Pero bakit ganun yung reaksyon niya Julia? Sh*T grabe! Kabadtrip.. Nagseselos lang naman ako a.. masama ba? masama bang magselos ang boyfriend? Nakakainis talaga! KaBV!" mahabang himutok ni Arvin sabay tungga ng alak..
Nandito siya sa bahay ngayon..
Alam nina mama at papa na naglalasing dito si Arvin..
Pinayagan naman siya..
Kainuman niya kanina si papa pero isang bote lang siya..
Pinatulog na ni mama eh..
may trabaho pa daw bukas..
Niyaya pa nga ako maglasing..
Yoko nga maglasing.. =___=
"Alam ko ang nararamdaman mo.. Oo nandun kana nagsesloos ka.. Pero sana hindi mo na lang sinuntok si Charles.. Sana kinausap mo na lang si Priscilla.."
Pero tinungga niya lang ulit yung bote ng alak..
Nakakalimang bote na siya..
"Gago talaga yung Charles na yun.. Sabi na nga bat may pagnanasa siya kay Priscilla.. Mantakin mo sinundan niya pa sa University.. B*llsh*t! Gusto ko siyang patayin.. Nagseselos ako Julia.. Natatakot kasi ako na baka hanggang ngayon patay na patay parin si Priscilla sa kanya.." sabi niya habang nakatihaya sa sala namin..
Kung iba lang ang makakarinig sasabihin na wala siyang tiwala sa gf niya..
Pero bestfriend niya ako..
Naiintindihan ko siya.
saksi rin naman ako sa pagkabaliw ni Priscilla kay Charles..
At kahit ako na bestfriend niya hindi ko alam kung may gusto pa ang bruha kay Charles..
"Halika na nga.." sabi ko saka inalalayan siya..
"Manang,, Manang.." tawag ko sa katulong namin..
"po?"
"Manang patulong naman po kay Arvin.. Dalhin natin sa guest room.." sabi ko..
Agad naman akong tinulungan ni manang..
Pagdating sa kwarto..
"Hai! Tss.. Tong lalaking to ang bigat.. O sige manang iwan na natin yan dito.." sabi ko..
"A eh.. Hindi ba natin lilinisan? Amoy alak o?"
Napatingin ako kay Arvin..
"Bhei.. bhei.." tawag niya kay Priscilla.
Bhei ang tawagan nila..
Naawa ako sa bestfriend ko..
"Hayaan mo na yan.. Malaki na siya.." sabi ko saka kami lumabas..
Pagkalabas ko nilinis ko yung mga alak na ininom ni Arvin..
"Ako na po jan.." sabi nung katulong namin..
hinayaan ko na siya maglinis..
Tinawagan ko naman si Priscilla..
(Hello??)
"Hello Pris.."
(O Julia bakit? Napatawag ka?)
"Nandito boyfriend mo.."
(O?! PUSTAHAN SINABI NIYA NA SYAO ANG NANGYARI..)
"Yup! And guess what he did.."
(What?)
"Naglasing.." walang kagatol-gatol kong sabi..
(WHAT?!)
"Puntahan mo dito.. Mag-usap kayo.."
(Pero lasing diba?)
"Hindi naman.. Makakausap mo pa naman.."
(Pero.)
"Walang pero-pero.. Kailangan niyo agad linawin at tapusin to.. Aba.. wag mong intayin na kung kelan di na siya lasing tsaka mo siya kakausapin.. lam mo naman na hindi ka kakausapin nun.. kaya ka nung tiisin pag di lasing yun.." mahabang paliwanag ko sakanya..
(Sige na nga..)
----------------------------------------------
"Asan ang magaling kong boyfriend?" salubong sakin ni Priscilla.
"Nandun.. Sa loob ng washing machine.. Ang baho na eh.."
"Sana inintay mo ako.. Ako na sana ang nagpaligo.."
"HAhahaha! Manyak mo! Nandun sa loob ng guest room! Sige paliguan mo.."
Baliw talaga.. =_____=
Dire-doretso ang bruha sa guest room..
Naupo ako sa sala ay nagbasa-basa ng magazines..
2 taon na ang nakakalipas..
Saksi ako kung paano naging sila..
Kung paano sila magkatampuhan..
At kung paano sila magsuyuan..
Minsan nga naiinggit na ako sa kanila..
Dalawang taon na rin kasi ang nakakalipas..
Dalawang taon mula ng umalis ang boyfriend ko papuntang America..
We keep our connection via internet..
Naalala ko nga nung 18th birthday ko last February he send me 18 roses and a letter
kahit pa nalanta na yung iba sa tagal ng padala..
Di ko natiis ang dalawa at sinilip ko sila sa kwarto..
Nakita kong nakayakap si Arvin kay Pris habang nakadagan naman ang bruha sa kanya..
Hindi ko mariniig ang pinag-uusapan nila..
I find it so sweet..
They are so lucky they reach each other..
Nakakapag solo..
Nayayakap ang isa't-isa..
samantalang ako..
Bigla na lang akong napaiyak..
I felt something inside of me..
Sobrang namimiss ko na siya..
Sobrang namimiss ko na si Kumag ko..
kumag talaga yun..
Gusto ko na siyang bumalik eh..
Gusto ko na siyang mayakap ulit,,
makasama..
Miss ko na yung mga pang-aasar niya..
mga lambing at mga bagay na ginagawa niya sakin kahit walang special sa araw na yun..
Bumalik ako sa sala..
Kinapa ko yung kwintas na binigay niya sakin 2 years ago..
When we celebrate our first valentines in the hospital dahil naaksidente siya sa motor niya..
sana..
Sana bumalik kana..
Miss na miss na kasi kita..
------------------------------------------------------
kamusta naman yun
gawa agad ng first chap..
hahaha..
[>INFATUATED CHICK<]

BINABASA MO ANG
[>The Reason book 2<] No One Else Come Close (completed)
Teen FictionSa relasyn.. hindi maiiwasang maghinala.. lalo na ang masaktan.. pero paano pag ikaw ang naging dahilan ng mga luha niya per alam mo namang wala kang kasalanan sabihin na nating hindi mo sinasadya.. papairalin mo ba ang pride sa paulit-ulit na sorr...