Chapter 4: tour

131 2 13
                                    

wala ako magawa... =_____=

-----------------------------------

Julia's POV

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Ynna..

Siya kasi ang katabi ko dito sa loob ng tricycle..

Kasama din namin si Dominique kaso nasa likod siya..

"Malapit na tayo.." 

Kanina pa siya nagsasabi ng malapit na pero hanggang ngayon wala parin..

"Tingnan mo.. Yan yung simbahan namin dito.. Ang laki no?"

"Oo nga.. Tsaka parang bago pa.." komento ko

"Bago? Tingnan mo nga tinutubuan na ng mga halaman sa gilid yan.. Tsaka hindi yan bago.. Panahon pa ng kastila yan dito.."

O? talaga?

"Malinis att maayos lang kasi ang pagkakaalaga.."

Ahh..

"Tapos yan.. Dati daanan namin yan nung mga maliliit pa kami papunta dun sa lake jan.. Kaso ginawa nang resort yan eh.. Nung isang taong lang.. Yun hindi na kami nakakaligo jan.."

"Anong nilalaro niyo dito sa probinsya?"

"Marami.. Minsan habulan sa dagat o kaya sa ilog.. Minsan piko.. tumbang preso.. Luksong tinik.. Minsan nga paunahang umakyat sa puno ng niyog eh.."

"Ha?! E diba mataas yun?"

"Oo.. Pero nung maliit pa kami walang mata-mataas samin.. Kahit ako tong babae samin hala sige akyatan kami.. Pero simula nung mahulog si Kuya James sa puno ng niyog pinagbawalan na kami.. Pagnahuhuli kaming umaakyat pinapalo kami ng kawayan.."

"Ha? Kawayan? Diba maskit yun?"

"Masakit talaga.. hindi lang latay ang makukuha mo.. pasa at bugbog pa.."

"E si Lolo Rode. Bakit siya nabulag?"

"A yun.. Noon malabo na talaga mata nun.. E napabayaan.. Ayun nagising na lang na bulag na.."

Nalungkot naman ako sa narinig ko..

"O ayan nandito na tayo.." sabi niya..

Hay sa wakas.. =____=

Bumaba kami..

NAglakad kami papasok ng eskinita..

Akala ko ba..

Ok akala ko lang yun.  =_____=

"Mula dito Kay Lola Helen na to.."

Napatingin ako sa paligid..

Tsaka ko lang narealized..

Huwaw!

Malalaking puno ng niyog.. nakakalula! >___<

MAy nadaan kaming mga baka at kambing..

Maya-maya nasa taniman naman kami ng pinya..

Ganito ba kalaki ang pagmamay-ari ni Lola Helen??

Ang yaman naman niya kung ganun..

Maya-maya nasa harapan kami ng isang malaking pader..

umakyat si Ynna sa kahoy na hagdan..

Nakakatakot naman tumulay dun..

Saka siya tumalon sa kabilang bakod.

"Akyat na.."

[&gt;The Reason book 2&lt;] No One Else Come Close (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon