Nandito kami sa dalampasigan ng Cabanatuan, pinapaligiran ang isang bonfire. Katabi ko si Aubrea kasama ang aming mga ka-grupo. Nagkukwentuhan habang pinapanood ang lumalagablab na apoy na kasing init ng pagmamahal ko kay Aubrea.
Tinanggap ko na noong isang gabi na wala na talaga akong pagasa kay Aubrea kahit pa siguro magpakamatay ako. Ngunit sa isang iglap, nang makatabi ko siya, parang gusto ko nang bawiin lahat ng pangako ko sa aking sarili. Hindi ko yata kaya na mawala siya sa aking piling. Hindi ko yata kaya na hindi ko siya mahalin.
Si Anna ay nakaisip ng magandang gawain.
“Pips, maglaro kaya tayo ng dugtungan kwento? You like?”
Umoo lahat ng ka grupo namin
pati si Aubrea.
Ako, hindi na lamang ako umimik
Anna: may isang babae na may gusto sa isang lalake
Jason: Pero hindi mahal nung lalake yung babae
Aubrea: Ginawa nung babae ang lahat mapansin lamang siya ng lalake
Anna: Ngunit walang epekto ang lahat sa lalake.
Aray ang sakit! Patama ba sa amin lahat ni Aubrea yun. Este sa akin lang pala. Muntik ko nang makalimutan na one sided love affair lang ang aming istorya.
Sa walang kadahilanan, ako’y tumayo at umasa na tignan ako ni Aubrea. Kahit man lamang sa ganoon, alam kong concern siya sa akin. Ngunit mali ata ako ng tantiya. Nagsitinginan lahat sa aking anyo ang aking mga ka-grupo.
Totoong maraming tao ang namamatay sa maling akala.
Nadismaya ako.
Napahiya din ako, ang masakit sa aking sarili.
Hindi ko alam kung anong pilit na nagpapagalaw sa aking kalamnan. Eh hindi ko nga alam na nagumpisa na pala akong maglakad papalayo sa bon-fire. Ang paglalakad na ito ay bagamundo, wala akong pakialam sa tatahakin kong daan. Mali pala, ako ang bagamundo dahil wala akong pakialam sa iisipin ng aking ka-grupo. Tama diba? Hindi naman kasi ako bihasa sa tagalog.
Ang gusto ko lang naman ay mapag-isa.
Nag over-react naman ata ako sa laro namin. Mas balat sibuyas pa ata ako sa isang babae. Sana walang maka-alam ng dahilan sa aking pag wa-walk-out.
Kung tutuusin, wala talaga akong dahilan
Ang alam ko lang, hindi ko na kayang kasama pa si Aubrea dahil patuloy ko lamang sinasaktan ang aking puso.
May matutuwa ba sa ganitong paliwanag?
Pag karaan ng ilang minuto, ng naramdaman ko ang pagod habang ang hangin ay bumubulong mula sa katahimikan ako ay umupo sa buhanginan. Ito ang hudyat na malayo na ako sa digmaan. Malayo na ako kahit kanino pa man.
Ipinikit ko ang aking mata at humimlay sa kadiliman ng may biglang..
May nagsalita na parang si wonderwoman..
Si Aubrea pala!
“Bakit ka umalis sa bon-fire? “ Ako’y napadilat niya nanaman. Siya lang ang may kayang mag manipula ng aking mga mata at ng aking damdamin.
“Wala lang. Gusto ko lang mapagisa. Ikaw, bakit mo ako sinundan?”
Umaasa ako na ang sagot niya ay magbabago sa aking pananaw.
Umaasa rin ako na sabihin niyang may pag-asa ako sa kanya
Na may gusto siya sa akin
At mahal niya rin ako
Yun lang naman ang mga posibleng dahilan ng aking pag-iisip, kung bakit hahabulin ng isang babae ang isang lalake.
Tama ba? Sana.. dahil ako’y napasaya niya
“Baka magtaka si maam kung bakit wala ka, ako pa naman ang lider”
Nadismaya nanaman ako
Napahiya nanaman ako sa aking sarili
Marami talagang namamatay sa maling akala
“Alam mo bang nawawala na tayo?” Itinanong ni Aubrea. Buti na lang wala itong koneksiyon sa pinaguusapan namin kanina.
“Hanggang andiyan ang Polaris hindi tayo mawawala.” Ginamitan ko siya ng agham. Ang aking Hokus-pokus.
“Polaris yung constellation?”
“Hindi yun constellation, bituin yun sa big dipper. Laging nasa hilaga yun. Dahil nasa silangan yung camping, puwede nating gawing basehan ng direksiyon yun.”
“Yun, anong yun? Ang Polaris?” Naparami yata ang yun ko, kasi kinakabahan ako, napatanong tuloy si Aubrea.
Ako’y tumango, at matapos ay tinignan ang maganda niyang mukha. Nakita ko ang bakas ng ngiti sa kaniyang labi. Masaya kaya siya? Misteryo pa rin yan sa akin.
Umupo siya sa aking tabi.
Ako ay pumikit muli.
At saka ko naisip na ang Polaris tulad ng pagmamahal ko kay Aubrea ay hindi magbabago.
BINABASA MO ANG
PAALAM
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa one-sided love affair? Si Matthew ay mayroong minamahal ngunit hindi siya kayang mahalin pabalik nung babae. Gayunpaman, ang pagibig ni Matthew ay hindi mawawala gano man siya masaktan. Mapaibig niya kaya pabalik si Aubrea? o k...