2. Sa Ika-limang Palapag

82 0 0
                                    

Naging responsibilidad ko siya, bilang tutor ni Aubrea ako ang nagging partner niya sa aming proyekto sa Physics.

Sabi ni Ms. Abrenica na bawal mabasag ang itlog.

Sinisigaw ng utak ko na pagbaliktarin man ang daigdig hindi maaring mangyari ang nais ni mam kung walang himali na mangagaling sa itaas. Ang tao nga namamatay pag nahulog mula sa ika-limang palapag ng gusali patungo sa lapag. Paano pa kaya ang inosenteng itlog na hawak-hawak ng aking kamay.

Maraming minuto na ang nasayang namin ni Aubrea sa pag-iisip ng paraan upang hindi mabasag ang itlog. Nakaupo kami sa marmol na sahig sa ika-limang palapag. Sa sahig ay nagkalat ang

Gunting

Scotch Tape

Yarn

At Diyaryo.

Anu kaya ang magagawa naming mula sa mga gamit na ito?

Hindi gumagana ang aking utak.

Lalong-lalu na katabi ko si Aubrea hanbang nakaupo sa malamig na sahig.

“May naisip ka na ba?” Kaniyang itinanong.

Alam kong umaasa siya sa akin. Ako ang pag-asa niya upang makakuha ng mataas na marka sa Pisika. Ayoko rin mabigo siya at ayokong mapahiya sa kaniya.

Ngunit hindi talaga ako makakonsentreyt.

Pinikit ko ang aking mata…

Naisip ko ang iniisip ko kanina. Ang taong mahuhulog mula sa ika-limang palapag ng gusali patungo sa lapag. Hindi himala ang kailangan niya. Parachute ang kailangan niya upang mabuhay.

Dumilat ako…

“Naisip mo na ba?” Tinanong ni Aubrea.

Ako’y ngumiti.

Nginitian niya din ako. Alam niyang alam ko na ang sagot. Ang paraan upang hindi mabasag ang itlog. Nagkatinginan kami sa mata at nang bigla akong may nadama. Parang may kumukuryente sa aking katawan. Alam ko na ang tawag dito. Ito ay kilig.

“Naalala mo ba yung tinuro ko sa yo tungkol sa parachute?” Ako naman ang nagtanong sa kaniya.

“Oo, a one meter of drag will decrease the gravitational pull.” TAMA. Ako ay natuwa sa kaniyang sagot. Natuto siya sa akin. Sana natutunan niya din akong mahalin. “anu naman ang kinalaman nun sa itlog?”

Ako’y ngumiti ulit. Hindi niya pa rin nahinuha. “Kung lalagyan natin ng parachute ang itlog., babagal ang pagbagsak nito.At kung bumagal ang bagsak niya-“

“Hindi mababasag ang itlog pagbagsak sa lupa.” Kaniyang tinuloy.

Nagumpisa na kami gumawa…

BINALOT NG DIYARYO ANG ITLOG…

PUMUTOL NG ISANG PARIS NG DALAWANG YARDANG HIBLA

NG YARN…

DINIKIT ANG BAWAT HIBLA SA DALAWANG GILID NG

BINALOT NA ITLOG GAMIT ANG SCOTCH TAPE.

ANG DULO NG BAWAT HIBLA NG YARN NA HINDI NAKAKABIT

SA BINALOT NA ITLOG AY IDINIKIT SA DULO NG ISANG

BUONG PAHINA NG DIYARYO (ito ang nagsilbing parachute) GAMIT

ANG SCOTCH TAPE: ISANG DULO NG YARN AY SA KANANG

DULONG PAHINA NG DIYARYO AT ANG ISANG DULO NG YARN AY

SA KALIWANG DULO NG PAHINA NG DIYARYO…

At sa wakas ay nagawa na naming an gaming proyekto. Ang itlog na may parachute…

Pumunta kami ni Aubrea sa bintana kung saan mayroong tatlong paris ang nakapila, hinahanda ang kanilang kaluluwa upang matanggap ang anumang resulta.

Masaya man…

Malungkot man…

Sa gilid ng unang paris, nakatayo si Ms. Abrenica. Kami ni Aubrea ay pumila sunod sa ikatlong paris.

Naghulog na ng itlog ang unang paris.

Tapos ay may sandaling katahimikan…bigla may tinig na umalingawngaw mula sa baba.

“BASAG!”

Sumunod ang ikalawang paris.

… “BASAG!”…

At ang ikatlong paris…

… “BASAG!”…

Ito na. Kami na ni Aubrea. Lumakas ang pintig ng aking puso.

Nang biglang.

“Sinong gumawa niyan?” Winika ni Ms. Abrenica.

“Kami po” Aking sinagot.

Ngumiti si ms. Abrenica.

Hindi ko alam kung mapapalagay o matataranta ako.

“ Ihulog niyo na ang itlog.” Utos ni Ms. Abrenica.

Binitawan ko ang itlog sa labas ng bintana. Lalo pang lumakas ang pintig ng aking puso habang pinapanuod kong dahan-dahan na isinasayaw ng hangin ang proyekto naming ni Aubrea,

Hinawakan bigla ni Aubrea ang aking kamay. Ako ay nagulat. Nawala ang aking kaba. Pakiramdam kong ligtas ako sa kanyang mga kamay.

At sa wakas bumagsak na ang itlog…

Mula sa bintana, nakita ko si Jason na papalakad patungo sa itlog naming ni Aubrea.

“MAM, HINDI PO NA BASAG YUNG ITLOG!” Sigaw ni Jason.

Ako’y napangiti…

“Salamat!” Sabi ni Aubrea.

AT hinalikan niya ang aking pisngi.

PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon