Abril 18, 2010, isang linggo pagkatapos ng graduation, nung nalaman mayroon akong tumor sa utak, at ngayong Mayo11, 2010 ito pa rin ako nakalatay sa kama ng Mary Chiles Hospital naghihintay sa tiyak na kamatayan.
Dumalaw sa akin nung mga nakaraang araw ang aking mga kaklase, Ngyon, hindi ako umaasa na makakatanggap ng bisita.
Pinikit ko ang aking mata…
Dahil ako ay pagod na…
May nagbukas ng pinto, ito’y aking narinig…
Pagod na ako kumilos at itinuloy ko na lang ang aking pagpikit.
Naramdaman kong may tumutulong luha sa aking kamay…
Nararamdaman kong may humaplos sa aking kamay…
“ Alam mo Matthew,
Hindi ko malilimutan kung gaano ka ka-concern sa akin.
Hindi ko makakalimutan ang pagtitig mo sa aking mga mata dahil ako ay sumasay pag ginagawa mo yun.
Hindi ko malilimutan ang araw na nagwalk-out ka at sinundan kita dahil yun ang araw na naisip ko na hindi ko kayang wala ka sa aking tabi.
Hindi ko malilimutan nung tinuro mo yung Polaris sa akin dahil dun ko nalaman na hindi mo ako iiwan.
Hindi ko malilimutan ang araw na tinuruan mo ako sa Physics dahil dun ko nalaman na hindi mo ako pababayaan.
Hindi ko malilimutan ang araw na ginawa natin yung itlog na may parachute dahil yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko.
Hindi ko malilimutan ang araw na hinawakan ko ang iyong kamay dahil pakiramdam ko na ligtas ako pag kasama kita.
Hindi ko malilimutan ang araw na hinalikan kita sa pisngi dahil ikaw lang ang nais kong makasama.
Hindi ko makakalimutan yung graduation natin dahil dun ko nalaman kung gaano mo ako kamahal pagkatapos kong tignan ang naluluha mong mata.
Hindi naman nging kami ni Miguel, pumayag lang siya sa plano kong pagselosin ka.
Hiindi kita malilimutan Matthew. Gusto kong maging akin ka.
I love yo Matthew
Hinihiling ko lang naman na sabihin mo na I love you Aubrea.
Dahil mahal kita.”
Totoong napakaikli ng buhay. Pero hindi titigil ang aking pagmamahal kay Aubrea. Ngayon alam ko na ang katotohanang natatago sa kislap ng kaniyang mata, maari na akong mamahinga.
I love you too Aubrea…
Paalam Aubrea.
BINABASA MO ANG
PAALAM
Ficção AdolescenteNaniniwala ba kayo sa one-sided love affair? Si Matthew ay mayroong minamahal ngunit hindi siya kayang mahalin pabalik nung babae. Gayunpaman, ang pagibig ni Matthew ay hindi mawawala gano man siya masaktan. Mapaibig niya kaya pabalik si Aubrea? o k...