2.Sa Kantina

54 0 0
                                    

Ako’y nakaupo sa isang lamesa sa kantina habang kasama ang aking barkada. Wala akong ganang kumain, paano ka ba naman gaganahan kung ang diwa mo ay patuloy na nagsasabi na wala ka na ring ganang mabuhay. Absurdo diba? Absurdo ko diba?

Bigla akong tinapink ni Miguel

Ako’y nagising

“Pare, okay ka lang?” kanyang tinanong

Tinignan ko lamang siya, wala akong balak sumagot.

Hindi ko rin maintindihan ang masidhing emosyon na naka-kulong sa aking katawang lupa.

Ang emosyon din ito ang nagudyok sa akin na maiingit.

Nainggit na lamang akong bigla sa aking matalik na kaibigan habang tinitignan ko siya. Inilayo ko agad ang aking mata. Ayaw ko ng ganitong pag-iisip. Kasakiman ito!

Tinapink ulit ako ni Miguel.

Napataas ang tono ng aking boses “Pare, mamaya na. Masama ang aking pakiramdam!” Bakit ba ako ganito? Insecure.

Hindi ako makuntento sa ibinigay ng Panginoon sa akin.

Tao rin naman ako tulad ni Miguel.

Lamang nga lang siya, at iyong an gaming pagkakaiba!

Hindi ko ito matanggap.

Pumikit na lamang ako. Pero lalo yatang lumala. Si Aubrea lang ang nakikita ko. Ang kanyang nakakahalinang mata at mapilantik na pilik-mata. Ang kislap na ito ay nakakalambot ng nadarama, at habang tinitignan ko ang mga ito, lalo ko siyang nagugustuhan..

..minamahal.

“Pare!” tinawag ulit ako ni Miguel.

Ako’y naasar sa kanyang kakulitan. Pasalita na sana ako ng bigla niyang sinabi

“Gusto kang kausapin ni Aubrea”

Napadilat ang aking mga mata at humarap kay Miguel. Sa likod niya ay may napakarikit na dalaga na sumasalamin sa babae ng aking panaginip. Napalundag ang aking puso sa saya. Nais akong kausapin ni Aubrea.

“Aubrea, bakit ka nandito?” wala akong masabi

“Gusto ko lamang sabihin na magka-grupo tayo sa camping”

Sa camping!

PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon