1.Sa Silid-Aralan

123 0 0
                                    

Tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa, ako’y naakit sa taglay niyang ganda. Parang halimuyak ng marikit na bulaklak sa isang hardin. Siya ang aking fenix, ang rosas na may tangkay at may tinik—ako ang tangkay at siya ang talulot. Hinihiling kong akin siya.

Tumingin din siya sa aking mata, at nang bigla din akong may nadama. Parang nakuryente ang aking katawan—ito na ba ang tinatawag na kilig? Hindi ko ito masagot.

Piling ko ako’y nasa langit

Ang ika-pitong langit

Piling ko wala na itong katapusan

Ako’y natutunaw! Natutunaw!

nang biglang..

“Matthew” tinawag ako ng aking guro sa Chemistry.

“What is the component of honey?” kanyang tinanong.

Naputol ang aking pag papantasya, at bumalik sa aking katinuan. Ayaw kong mapahiya sa kanya, lalong lalo na’t katabi ko siya.

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang aking sarili. “Glucose-fructose po ma’am”

“Correct!” Ako’y tama at salamat sa kanya. Salamat sa kanya!

in English, “Thanks for the inspiration”

Ako’y dahan-dahan sa pag upo, kuntento sa pangyayaring kakaganap pa lamang.

Ngunit alam kong pangarap na lang lahat ng ito dahil hindi ako ang kanyang tipo. Sino ba naman ang napakagandang babae ang magsasayang ng panahon sa tulad kong “geek” kung tawagin nila, alam kong wala akong pag-asa.

..hanggang one-sided affair na lamang ito..

Dahil wala akong halaga sa kanya

Dahil hindi siya magkakagusto sa akin

Dahil hindi niya ako kayang mahalin

Dahil hindi ako karapat dapat sa kanya

At mrami pang dahil..

Ngunit baka magustuhan niya ang isang maganda kong katangian: ang katalinuhan.

Magustuhan niya kaya?

Sana!

Hay nako! Pangarap nanaman ang aking nasa diwa, sobra sobra na ito, pero hindi ko to matatangihan dahil mahal ko siya at kung iiwasan ko ito, ako’y masasaktan.

Gusto ko lamang sabihin niya na “I love you Matthew” dahil mahala ko siya. I love you Aubrea.

PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon