Mike-Thess.

1.4K 54 26
                                    

Dedicated po sayo. Haha! Wala lang, natuwa lang ako sa comment mo sa Kuya Larry. THANK YOU BIGTIME! Tsaka pambawi ko na rin to dati sa dedication ko sayo sa Raindrops, yung di ko alam na may pang-asar pala. Hehe. Sorry po. Napag utusan lang. Haha! Love love! :"">

Dahil walang prof kanina sa major, nagsulat na lang ako ng oneshot. Hohohopia like it! =)))

--------

 “At ako’y sayo at ika’y akin lamang…” Huling linya ng kanta ni Alfred. Tapos nagtilian na yung mga tao sa paligid.

“Yieeee. Kinikilig yan.” Asar ni Aimee kay Claire. Opo, si Claire yung hinaharana hindi ako. Baka kasi akala niyo ako e. Nagpapaliwanag lang. Haha!

“Swerte mo girl, sana may humarana din sakin.” Kinikilig na sabi naman ni Mara. Valentines day kasi ngayon, e tuwing valentines andaming pakulo dito sa department namin.

Katulad ngayon, harana chuva. Pupuntahan ng guy yung girl na gusto niyang haranahin tapos ayun, kilig moments. Marami ding ibang booths, may wedding booth, jail booth at iba pa. Parang high school lang. Isip bata kasi yung president ng Engineering Society namin e. Pero mabait naman yun tsaka matalino. Kaso weird lang talaga yung mga naiisip niya. Katulad ng event mamaya.

“Bakla, valentines day ngayon hindi biyernes santo, ayusin mo nga yang mukha mo.” Sabi sakin ni Janine.

“Bayaan niyo na siya, di pa kasi siya hinaharana ni Papa Mike e kaya ganyan yan.” Sabi naman ni baklang Reynaldo.

“Hoy baklang Reynaldo na Reyna sa gabi! Tigil tigilan mo nga ako.” Sagot ko naman dito.

“Aminin mo na lang kasi teh, inaantay mo na haranahin ka ni Papa Mike.” Sabi naman ni Claire na halatang may hangover pa rin sa kilig sa naganap na panghaharana sa kanya.

“Aminin mo na kasi bakla, more amin, more fun, more fafa!” sabi ni baklang Reynaldo.

“Shut up Reynaldo!” sabi ko dito at nagtawanan naman ang barkada. Nagmake-face kasi si Reynaldo, este si Reyna, ayaw na ayaw niya kasing tinatawag namin siya sa buo niyang pangalan e, hindi raw kasi bagay sa beauty niya.

“Hi Papa Miiiiiiike!” sabi ni Reyna nang makitang papalapit sa table namin sila Mike. Nilapitan kasi nila yung barkada nilang si Alfred na katabi ngayon ni Claire sa upuan.

“Speaking of the devil. Tch!” mahina kong sabi.

“May sinasabi ka Thess?” tanong sakin ni Janine.

“Wala, sabi ko punta muna ako sa banyo.” Sabi ko at umalis saglit para pumunta sa banyo.

Alam niyo ba, nakakainis kasi yang si Mike, ang hirap intindihin e. Alam kong alam niya na may gusto ako sa kanya, pero siya, ewan ko lang kung may gusto siya sakin. Ano kasi e, yung sitwasyon namin e yung parang feeling mo may something kayo pero minsan feeling mo wala. Ganun. Labo kasi niyang si Mike e, hindi ko alam kung torpe lang ba siya o sadyang pa-fall lang siya at kaibigan lang ang turing sakin. Kainis. Eto tuloy ako ngayon, bitter-bitteran.

Brrrrt. Brrrt. Brrrt.

From: Janine

Girl, diretso ka na sa Eng. Hall. Magsisimula na yung event.

Ayan, ayan na yung sinasabi kong kakaibang mga pakulo ni Ate Faye, yung president ng Engineering Society. Every year ‘tong ginagawa,  yung mag-iipon ipon kami sa hall tapos si Ate Faye nasa stage, may I aannounce siya na name ng girl at boy tapos pupunta sa gitna, sa dance floor, tapos sasayaw habang nag-uusap. Kadalasan, yung mga taong napipili nagkakadevelopan, minsan naman nagkaka ilangan, pero yung karamihan sa tinatawag ay yung parang mga taong halata naman na may something pero di lang nag-aaminan. E malakas pa man din makiramdam yan si Ate Faye, kaya parang alam niya agad kapag may something yung dalawang tao. Ewan ko dun, siguro psychic yun. Hahaha! Ay, ayun na sila Janine.

Oneshots (Short Stories of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon