John Michael.

3.8K 76 26
                                    

Helloooo! Dahil idol kita, dedicated po sayo 'to. HIHI. Sana magustuhan mo. God bless! >:D< Ay, ako pala yung dating si StarLover01. BTW, hindi pa rin ako makaget over sa Stage 3 at sa Special Chapter ng BA. Hihi. :""> Kiliiiiig.

***

"Ano na naman ba JM?!?" galit kong tanong sa kanya. Nangungulit na naman e.

"Papaturo lang sa Stat e, nagtataray ka na naman." sagot niya.

"Eh pano kasi, papaturo ka na lang may kasama pang pitik. Tch!" oo, kanina pa niya ako pinipitik para makuha yung atensyon ko, nagchichikahan kasi kami ng best friend ko e.

"E di mo kasi ako pinapansin e." sagot niya na patampo sabay pout.

"Yan tayo JM e, ako na pala ngayon ang di namamansin, sino ba nauna?" ayan, lumabas na tuloy sama ng loob ko.

"Chillax ka lang girl, ang puso mo. Wag ng alalahanin ang kahapon." sabi ng bestfriend ko na si Edmundo na Mindy sa gabi.

"Erika, sige na naman please. Ayaw kong ulitin ang Stat next sem, please naman. Patulong ako." pagmamakaawa ni JM.

Ooops. Naguguluhan ba kayo sa sinabi ni Edmundo, este ni Mindy? Ano kasi, 3 months ago, etong si ako, masyadong assuming, akala ko dati, gusto ako ni JM kaya lagi siyang nagpapansin sakin after ng break up namin ng ex ko, yun pala, may kailangan lang siya sakin. Yung mga pagpapaturo niya at kung anu-ano pa. At wag ka, lagi pa yan nagpapalibre ng siopao jan sa may 7/11 sa tabi ng university. Kapal noh? Pero eto namang si ako, nililibre ko pa rin. Na-fall ako sa kanya e. Actually, siya nga ang dahilan kung bakit nakalimutan ko kaagad yung ex kong manloloko e. Ayun, tapos nung in love na ako sa kanya, sinabi ko sa kanya, tapos ang sabi lang naman niya sakin ay "Hindi pwede.." tapos nagwalk out ako nun, after a fews days, bihira ko na makita si JM. Tapos ngayong week lang, eto na naman siya, nagpapaturo. Same old shit. Tch!

"Alam mo JM, bagay na bagay sayo pangalan mo, John Michael. Kasi nanJOHN ka lang kapag MICHAELangan ka! Nakakainis ka alam mo ba yun!?!" pasigaw kong sabi, nagtinginan nga mga tao sa canteen e. Kaya ayun, walk out queen ang drama ng lola niyo, at sinundan naman ako ni Mindy.

"Girlalu, sobra naman ata yun, mukhang nasaktan si Papa JM e." sabi ni Mindy sakin habang iniikot ikot ang buhok ko.

"Tama lang yun sa kanya. Halika na nga, punta na tayo sa room." sabi ko sabay hila kay Mindy.

***

After nung eksena sa canteen, isang linggo ko na ring di ko nakikita si JM, kahit na parehong building lang kami, hindi talaga kami pinagtatagpo ng tadhana. Siguro nga galit ang mokong. Makauwi na nga lang. Absent naman si Mindy e kaya hindi na ako gagala.

Teka, si JM yun ah. Bumibili na naman ng siopao sa 7/11. Lumabas na siya. Teka, bakit siya sumakay ng tricycle, e sa kabilang kanto lang naman bahay nila e. Masundan nga...

Wattpad Hospital? Anong gagawin niya dito? OMG. Di kaya may sakit si JM. Aruuu. Patawad ho. Ayun, pumasok na siya sa isang kwarto, maya-maya lumabas ulit. Ano kaya meron sa loob? Nakucurious talaga ako. Bahala na.

"Ah Nurse, mamaya na lang po ak------sino ka?" sabi ng batang babae na nasa wheel chair nang humarap siya sakin. Akala niya ata Nurse niya yung dumating.

"Ah. e...ano...ako nga pala si Erika. Uhm...."

"Erika? Erika Chen?" tanong niya.

"Ah, oo, pano mo nalaman pangalan ko?" nagulat kasi ako, kilala niya ako.

"Siyempre, bukambibig ka ba naman ng kuya ko e." sagot niya.

"Kuya? Sino? Si JM ba?" tanong ko.

"Yep. Alam mo ba Ate, crush ka ni Kuya, 2nd year high school pa lang kayo, eh kaso torpe yun kaya naunahan tuloy siya ni Kuya Paul [ex ko yun na best friend naman ni JM], kaya nung naging kayo ni Kuya Paul nung 4th yr. kayo, sobrang nalungkot si Kuya, tapos nung nalaman niyang nagbreak na kayo ni Kuya Paul, nabuhayan ulit siya ng loob." paliwanag niya. Wow lang! Updated siya sa buhay ko ah.

"Ah, e, haha. Ganun ba? Uhm, ano nga pala name mo? Tsaka bakit parang andami nun?" tanong ko, napansin ko kasi yung napakaraming siopao suace na nasa sachet sa mesa niya e.

"Jessa Marie po, Jessa na lang, favorite ko po kasi ang siopao e, kaya lagi akong inuuwian ni Kuya, pero mas gusto ko ang walang sauce kaya ayan po, naipon sila." sagot niya. "Alam mo ate, kahit torpe yun si Kuya, mahal na mahal ko yun, kasi mahal niya rin ako. Nung nalumpo nga ako, 3 months ago, halos di na siya pumasok e, nag-aalala nga ako kasi baka napapabayaan na niya pag-aaral niya e, pero sabi niya, ayos lang daw, inspired naman daw siya e, ang ganda daw kasi ng tutor niya, ikaw yun ate Erika. Sobrang saya nga niya nung sinabi mong gusto mo siya e, pero sinabi niya tinanggihan ka daw niya, sakin daw muna niya ibubuhos ang atensiyon niya, pero masaya pa rin siya, kasi kahit papano daw alam niyang mahal niyo ang isa't isa. Pero nitong mga nakaraang araw, parang ang lungkot niya. May nangyari ba ate?" mahabang sabi niya.

3 months ago, yun yung time na nagconfess ako kay JM. Ang siopao pala ay para sa kapatid niya, kaya pala di niya kinakain after ko siyang ilibre. Tsaka, kaya pala tinanggihan niya ako. Dahil pala kay Jessa. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

"Ah, e, medyo. Ano kasi e----" naputol ang sinasabi ko ng dumating si JM kasama ang ilang mga nurse.

"Jessa, oras na. Nagpray ka na b------Erika!?!" halatang halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"He-hello JM." nahihiya kong sabi. Tapos yumuko lang siya. Si Jessa naman, inilabas na sa room, sumunod naman kami ni JM. Dinala siya sa Operating Room, kakabitan daw ng improvised legs, para muli itong makalakad.

"JM, sorry ah, sorry talaga sa mga nasabi ko sayo, sana mapatawad mo ako." sabi ko sa kanya, nakaupo kami ngayon dito sa may labas ng O.R, siya naman halatang ninenerbyos kaya napatayo siya at di mapakali.

"Umuwi ka na Erika, baka hinahanap ka na sa inyo, gabi na." malamig niyang sabi at hindi man lang tumingin sakin.

"JM, wag ka namang ganyan. Patawarin mo na ako, pakiusap." sabi ko. Di siya sumagot kaya naman, niyakap ko na lang siya mula sa likod.

"Sige, uuwi ako kung yan ang gusto mo, but if you need a companion, tawagan mo lang ako ah." Kumalas siya sa yakap at humarap sakin. "Tsaka, nanJOHN lang ako ah [sabay turo sa may puso niya] kung sakaling MICHAELangan ka. ^___^" sabi ko sabay ngiti at hinalikan siya sa pisngi tapos naglakad na palayo.

Di pa ako nakakalayo nang mag ring ang cellphone ko. "Erika, JOHN ka lang, wag kang lalayo, MICHAELangan kang malaman." sabi ni JM sa phone tapos binaba niya. Nilingon ko siya tapos...

"I love you, Erika." sabi niya at tumakbo palapit sakin saka niyakap ako.

"I love you more, JOHN MICHAEL." sabi ko at niyakap din siya.

Oneshots (Short Stories of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon