I've Changed My Mind.

1.4K 37 20
                                    

Helloooo! Eto na yung request mo. Haha! Sana hindi kita mabigo. Sabaw lang talaga utak ko ngayon sa dami ng kaartehan sa school. Haha! Eto na po ang iyong love story "kuno" with Coco Martin. :"> Sana magustuhan mo! Love love! <3 [Papa Coco mo oh -------------->]

***

"Beb, ilan grade mo sa Stat? BV. Binigyan ako ng tres." sabi sakin ng bestfriend kong si Monica.

 "Saklap Beb. Tres din ako e, di kasi ako nakapagreview ng maayos." sagot ko.

"Hoy Jef Andrea Aquino tigil-tigilan mo nga ako, pano ka ba naman makakapagreview ng maayos e lagi kang lutang, bruhildang 'to." sumbat sakin ni Monica.

"Eh kasi naman Beb, madalas ko nang nakakasabay sa bus yung crush ko. Yieeee. Kinikilig pa rin ako Beb!" sabi ko dito at nag-cling sa braso niya. Yung crush ko kasi, taga-ibang university, sa bus lang ako nagkakaroon ng chance na makita siya. Naging crush ko siya mula nung inoffer niya sakin yung seat niya kasi standing na. Babaw ko ba? Keri lang yan! *u*

 "Nako Beb ah, iba na yan. Ayaw ko ng ganyan ah, napapabayaan mo na pagrereview mo dahil lang jan sa crush mo." sambit ni Monica nang nakarating na kami sa bus stop.

"Wowness! Nagsalita ang di napapabayaan ang pagrereview. Hahaha! Ngayon lang 'to Beb, promise. Be happy for me na lang." sabi ko.

"Gaga! Kung makapagsalita ka naman akala mo kayo na nung crush mo, ni di mo nga ata alam yung pangalan e." pabiro nitong sabi.

"Minamaliit mo ata ang Stalking Powers ko Beb. Hahaha!" sabi ko.

"Stalking Powers your face! Haha! Anong pangalan aber?" intrimitidang tanong ng bestfriend ko.

"Coco!" masaya kong sagot.

"Coco daw? Imbento ka lang e. Pano naman nalaman na Coco ang pangalan niya?" tanong nito sa akin.

"Siyempre, narinig kong tinawag siya nung kaibigan niya." sagot ko with matching taas-baba ng kilay.

"Hay nako. Ewan ko sayo Beb." sagot sakin ni Monica. "Uy, Beb, ayan na yung bus papuntang Fairview oh, sakay ka na!" sabi niya nang makita na ang bus na paparating.

"Wiiit. Cancel yan Beb, ang dumi oh, di naman nasakay jan si Papa Coco e." sagot ko sa kanya.

"Ewan ko sayo Beb, dami mong arte. Kapag ikaw inabutan pa ng ulan dito. Nako patay ka sa kuya mo. COCOnyatan ka nun!"  sabi niya sakin. Nagiging makulimlim na kasi e.

"Oo na Beb, sasakay din ako mamaya. Mauna ka na, ayan na yung jeep mo oh. Bye na, ingat!" sabi ko kay Monica sabay beso at pinasakay na siya sa jeep.

"Bye Beb! Wag ka na magpa-abot sa ulan ah, sumakay ka na, kundi susumbong kita sa kuya mo." pahabol na sabi nito. Kumaway na lang ako sa kanya nang umandar na ang jeep.

Maya-maya pa, umaambon na, wala na akong choice kundi ang sumakay sa bus na nasa tapat ko. Okay na 'to, kesa yung madusing na bus kanina. Pagpasok ko, andami ng tao. Buti na lang di pa standing, nakaupo pa ako sa may bangdang dulo, dun sa dalawahan. Siyempre sa tabi ako ng bintana.

"Bayad po, Philcoa, estudyante." sabi ko sa konduktor. Tapos, dating gawi. Salpak ng ear phones sa tenga, ayos upo, inayos ang sarili. Yieee. Ready na ako para makita si Papa Coco. :"">

Maya-maya, may umupo sa tabi ko. Isang lola. Tapos mas dumami pa yung mga pasahero, standing na nga e. Ano ba yaaaan! Mukhang di ko makikita si Papa Coco ngayon ah. Kainis! Sinandal ko na lang yung ulo ko sa may bintana at tumingin sa labas. Nang makarating ang bus sa Araneta, napansin kong wala ng mga nakatayo at medyo maluwag na rin ang bus. Wala na din yung lolang katabi ko.

Oneshots (Short Stories of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon