Mr. Molave

1.2K 55 11
                                    

Hi Bakla! Eto na yung banat mo. Naisipan ko na ng kwento. Sorry kung corny. HAHA! Love love! <3

Sana po magustuhan niyo. :))

 _________________________________________________________________________

"Congratulations Ma'am Aileen!" Sabay-sabay naming sabi ng mga batchmate ko. Nagipon-ipon kasi kaming lahat para sa reunion at party na rin para kay Ma'am Aileen na malapit nang ikasal.

"Thank you Intelligence!" Sagot naman ni Ma'am. Intelligence, yan yung section namin nung 4th year kami.

"Wala yun Ma'am! Favorite ka namin e!" Sabi naman ni Aries.

"Hay nako Aries, hanggang ngayon mambobola ka pa rin." Sabi ni Ma'am at nagtawanan ang lahat.

 "Kumain na tayo guys!" Sigaw naman ni Joyce, ang nag-organize ng reunion/party.

 "Oy wag kayo masyado magkalat ah, nakakahiya kay Alex." Sabi ko, bahay kasi ni Alex ang ginawa naming venue.

 "Ayos lang Maggie, basta ba tutulungan nila akong maglinis." Nakangiting sabi naman sakin ni Alex.

 "Bait mo ata pre ah. Di bagay sayo." At nagsalita na naman ang kontrabida sa buhay ko.

 "Mas hindi bagay kung ikaw ang magiging mabait Dom." Sabi naman ni Alex at lahat nagtawanan ulit.

 "Huhuhu. Ganyan ba kasama tingin niyo sakin batchmates?" Pagdadrama nito sabay akbay sakin.

 "Hoy Garcia! Hindi mo aalisin yan o babaliin ko yan." Pagbabanta ko.

 "Waa. Takot ako." Pang-aasar pa nito at inalis na rin ang akbay.

 "Wala ka pa rin pa lang pag-asa Dominic e, kinamumuhian ka pa rin ni Maggie. Hahaha!" Sabi ni Justin, isa sa mga barkada ni Dom. Matagal na kasing sinasabi sakin ni Dom na gusto niya ako pero di ko naman siniseryoso. Oo, matagal ko na rin siyang gusto pero ewan, parang ayaw ko talagang maniwala hanggat di ko nakikitang seryoso siya, puro kasi kalokohan 'tong mokong na 'to e.

Oneshots (Short Stories of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon